NEWS | 2023/06/05 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 1, 2023) β ISINAGAWA ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong Kidapawan City Central Fire Station sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City ngayong araw ng Huwebes, June 1, 2023, alas-dos ng hapon.
Nanguna sa seremonya si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang matataas na opisyal ng Bureau of Fire Protection o BFP 12 na kinabibilangan nina Regional Director CSUPT. Alven Valdez, DSC; Provincial Fire Marshall SUPT. Leilani Bangelis, at CINSP. Marleap Nabor, ang Fire Marshall ng lungsod.
Abot sa 1,100 square meters ang lupang binili ng City Government of Kidapawan para pagtayuan ng bagong gusali ng BFP Kidapawan personnel at kaharap lamang nito ang Magsasay Eco-Tourism Park. Ang BFP Headquarters sa Quezon City/National Government naman ang magbibigay ng pondo para sa konstruksiyon ng 3-storey building na kinapapalooban ng reception area, control center, conference room, administrative office, multi-purpose hall at iba pa.
Ang mga nabanggit na opisyal ang nanguna sa groundbreaking na kinapapalooban ng filling and sealing of time capsule.
Si Fr. Hipolito Paracha, DCK ang nag-alay ng panalangin at blessing rites para sa time capsule at sinundan ito ng unveiling of proposed Kidapawan City Fire Station perspective at bilang pagtatapos ay ang lowering of time capsule.
Ayon kay Fire Marshall Nabor, matagal ng inaasam ng BFP Kidapawan na magkaroon ng fire station na bago, moderno at kumpleto sa pasilidad.
Kaya naman tugon raw sa kanilang dasal ang pagbibigay ng City Government of Kidapawan ng lupa bilang counterpart sa proyekto at ang pondong ilalaan ng BFP Headquarters/National Government para sa building.
Sa kanyang panig, sinabi ni Mayor Evangelista na ang itatayong gusali ay patunay na tuloy-tuloy ang pag-unlad ng Kidapawan City at makatutulong ang gusali sa pagbuo ng imahe ng lungsod bilang tunay na livable city.
βIsa itong makasaysayang hakbang tungo sa katuparan ng pangarap ng bawat Kidapaweno β ang mamuhay ng mapayapa at walang pangambaβ, ayon sa alkalde.
Ipinahayag naman ni BFP12 RD Valdez ang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Evangelista sa ibayong suporta para sa itatayong building ganon din kay dating City Mayor at ngayoβy 2nd District of Cotabato Board Member Joseph Evangelista na siyang unang kumilos para sa katuparan ng proyekto.
Mas tataas ang moral ng mga firefighters dahil mapapalitan na ang kanilang lumang gusali ng bago at mas malaking workplace na magbibigay ng dagdag na inspirasyon at sigasig sa BFP Kidapawan sa pagganap ng kanilang tungkulin, dagdag pa ni Valdez.
Dumalo rin sa aktibidad sina City Councilors Gallen Ray Lonzaga, Michael Earving Ablang, Punong Barangay Julio Labinghisa ng Magsaysay, Punong Barangay Arnold Sumbiling ng poblaciΓ³n at mga Department Heads mula sa City Government na sina Engr. Jicylle Merin ng OCBO, Redentor Real ng City Treasury, at Acting City Administrator Janice Garcia.
Sisimulan naman agad ang konstruksiyon ng 3-storey building ng BFP at inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan. (CIO)