π— π—šπ—” π— π—œπ—¬π—˜π— π—•π—₯𝗒 π—‘π—š π—£π—˜π—’π—£π—Ÿπ—˜β€™π—¦ π—Ÿπ—”π—ͺ π—˜π—‘π—™π—’π—₯π—–π—˜π— π—˜π—‘π—§ 𝗕𝗒𝗔π—₯𝗗 (π—£π—Ÿπ—˜π—•), π—¦π—¨π— π—”π—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  𝗦𝗔 π—–π—”π—£π—”π—•π—œπ—Ÿπ—œπ—§π—¬ π—˜π—‘π—›π—”π—‘π—–π—˜π— π—˜π—‘π—§ π—¦π—˜π— π—œπ—‘π—”π—₯

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/09/12 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (September 6, 2023) NAGTIPON sa City Convention Center para sa Capability Enhancement Seminar ang 30 na mga miyembro ng People’s Law Enforcement Board o PLEB, mula sa mga Local Government Units ng 2nd Legislative District sa lalawigan ng Cotabato, nitong Lunes, September 4, 2023.

Itinuro sa kanila ng taga National Police Commission (NAPOLCOM) Region XII, sa pangunguna ni Director Rodel Calo, sa seminar ang mga tamang pamamaraan sa pagtugon ng mas mahusay sa mga reklamong isinasampa ng publiko laban sa mga abusadong kasapi ng Philippine National Police (PNP), mga tamang batayan para sa pagsasampa ng reklamo at ang patas na proseso para sa pagdinig at pagtugon dito.

Ang PLEB, na karaniwang binubuo ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod/Bayan, o kaya’y Punong Barangay, ay isang check and balance mechanism, na binuo sa pamamagitan ng batas na Republic Act No. 8551 o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998, upang tugunan ang mga reklamo ng mga mamamayan laban sa mga abusadong miyembro ng PNP.

Ipinaalalahanan naman ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, ang mga miyembro ng PLEB, na mas maging responsable sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Dumalo rin sa seminar si Cotabato 2nd District Board Member Joseph Evangelista, lalo’t sakop nya ang mga PLEB members mula sa mga bayan ng Makilala, Magpet, President Roxas, Antipas, Arakan, at Kidapawan City.##(CIO/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio