𝟭𝟳 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/12/07 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( December 7, 2023) Halos kalahating milyong (P497,610.00) halaga para sa pagpapatayo ng isang karinderya at pagawaan ng hollow blocks ang tinanggap na kapital mula sa Department of Labor and Employment at City Government ng 17 magulang ng Child Laborer sa Brgy Indangan dito sa lungsod.

Iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, kasabay ng Flag raising ceremony sa City hall nitong December 4, ang tseke para sa mga beneficiaries na miyembro ng Nagkakaisang mga Magulang ng mga Batang Manggagawa.

Nagmula sa DOLE ang pondo at ang City Government naman ang nag facilitate para makatanggap sila ng tulong pangkabuhayan.

Sa pamamagitan nito, hindi na mapipilitang magtrabaho ang kanilang mga anak sa kanilang murang edad at maitutuon nalang ang atensyon sa pag-aaral.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio