NEWS | 2023/12/11 | LKRO
Kidapawan City – (December 11, 2023)
Nakatakdang magbigay ng kanyang ulat si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa City Gymnasium, bukas ng alas 9:00 ng umaga, December 12.
Sa kanyang year-end report, inaasahang iisa-isahin ng alkalde ang mga programa at proyekto- na naipatupad na, at kasalukuyang ipinatutupad pa- ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon at limang buwang panunungkulan sa City Hall.
Kabilang dito ang tungkol sa Luntian Rice, kung saan nagbibenta ang LGU sa mga barangay ng P25 kada kilo na bigas; ang pagsasaayos sa mga telephone at cable wires sa mga pangunahing kalsada; Road and Box Culvert Projects, at Canopy’25 o ang tree growing initiative nito.
Inaasahan ding iuulat ni Mayor Pao sa publiko ang kanyang mga plano, programa at proyekto para sa nalalabing isang taon at pitong buwan pa nya na panunungkulan.
Kasabay ng year-end report ng alkalde ang selebrasyon naman ng Barangay Day.
Kanina, nagbigay na ng paunang ulat, simula buwan ng Enero hanggang unang linggo ng Disyembre ng taong kasalukuyan, ang sponsor ng flag ceremony- mula sa Civil Security Unit (CSU), Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU), at Kidapawan City Anti Vice Regulation Unit (Kidcare).