250 PUROK AT KALIPI OFFICIALS NG BRGY AMAS, SABAY-SABAY NA NANUMPA SA KATUNGKULAN

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2024/01/15 | LKRO


thumb image

Kidapawan City (January 15, 2024) — Nanumpa sa katungkulan ang higit dalawang daang (250) purok officials at mga kasapi ng Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI Women’s Group ng Barangay Amas dito sa lungsod kaninang umaga.

Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang Mass Oath Taking ng mga bagong opisyal sa covered court ng barangay, na dinaluhan nina Punong Barangay Nelvin Naviamos at konseho.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Evangelista na magbubukas siya ng kanyang Satellite Office sa nasabing barangay upang mas mailapit pa ang serbisyo at programa ng City Government sa mga mamamayan nito.

Tiniyak din ng alkalde na magpapatupad siya ng dagdag na street lighting at road concreting projects sa barangay, di lang para sa mga residente, kundi pati narin sa mga motoristang dumadaan sa lugar.

Nagpaabot ng suporta ang alkalde sa mga bagong halal na opisyal, kabilang dito ang P5,000 na cash at isang sakong bigas na tulong, tuwing magdiriwang ng anibersaryo ang mga purok.

Ang Barangay Amas ay binubuo ng dalawampu’t limang (25) purok, na hinati sa anim (6) na mga distrito.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio