NEWS | 2018/10/10 | LKRO
Barangay Ginatilan
Sa kanlurang bahagi ng magiting na Bundok Apo, ilang kilometro mula sa paanan nito nakalatag ang isang baryo na tila nadadamitan ng berde. Ito ay may nakakahalinang lamig ng klima. ito rin ay napagkalooban ng bulkanikong lupa na natatamnan ng mayamang produktong agrikultura at mga punongkahoy. Ang hangganan nito ay dalawang ilog. Sa bungad ng ilog marbel at sa tiog ay ang ilog ng matingao.
Ang pangalang “Ginatilan ay ayon sa mga unang manobo na nakatira sa lugar ay hango mula sa salitang “gintian” na ang ibig sabihin ay “handang tanggapin ang makapangyarihang tuntunin ng pamahalaan.” Sa panahong iyon ang mga Manobo dito ay mga ignorante at hindi sibilisado anupa’t umiilag sila at ayaw pailalim sa pamahalaan lalo na ang makiisa sa mga kristiyano. Dapatwat, sa ilali ng liderato ng isang, Datu Lizada Panday, ang mga manobo ay nagbigay ng paggalang at katapatan sa pamahalaan noong 1942.
Ang ikalawang paniniwala na pinaniniwalaan kung paano nakuha ng Ginatilan ang kanyang pangalan ay noong pumasok ang mga unang nanirahang Kristiyano sa lugar. Noong mga unang taon, ang mga komplekto ng lugar sa pagitan ng mga kristiyano at mga manobo dahil sa mga hangganan, ito’y nakarating sa tanggapan ng gobernador ng imperyo ng Cotabato, na si dating Gobernador, Datu Udtog Matalam, ay nagpadala kay Major Froilan Matas, isa sa mga deputante ng gobernador upang mag imbestiga at mag-resolba sa problema ng lupa ng lugar. Sa kabutihang palad, naisaayos niya ang mga problemang ito, at bilang alaala sa kanyang di-matatawarang ginawa, iminungkahi niya sa mga tao na pangalanan ang lugar na Ginatilan dahil sa Ginatilan, Cebu siya ipinanganak, subalit, itong pangalawang paniniwala ay di-pinahintulutan ni Datu Bulatukan, ang pinakamatandang buhay na lider na tagapagtatag ng baryo Ginatilan.
Noong 1947, ang Ginatilan ay naging ganap na baryo at sa panahong iyon ang pinakamataas na opisyal nang lugar ay tinatawag na tenyente del baryo, sa kabila ng matatag na liderato ng lugar sa ilalim ng mga katutubo. Si Datu Agad Arsam ang naging kauna-unahang tenyente del baryo. Noong taong 1948, naipatayo ang paaralang Primarya, at ang mga unang naging guro ay sina G. at Gng, Pedro Galonzo. Ang Ginatilan ay naging ganap na baryo sa pamamagitan ng kautusang tagapagpaganap bilang 82 serye ng 1947.
Lupang Sakop: 53
Distansiya mula sa Kidapawan: 17 km.