Ilomavis

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/10/10 | LKRO




Barangay Ilomavis

 

Ang baryo ng Ginatilan ay ipinangalan sa mga sinaunang mamamayan na tumira sa lugar na kinabibilangan ng mga Ilocano, Manobo, at Visaya, Kilala bilang “Upper Ginatilan.” kabilang sa mga unang nanirahan ay mga pamilya ni Datu Umag Serano at pamilyang Baltar. Ang Ilomavis ay dating sitio ng baryo Ginatilan noong si G. priscilo Padua, ang kasalukuyang barangay captain na ibinoto bilang barangay kagawad ng baryo Ginatilan, ang nagpahayag sa mga tao na gawing regular na baryo ang lugar.

Sa kabila nang politikal na interbensyon ng unang administrasyon, napagtagumpayan ni G. Priscilo Padua na maitatag at maging ganap na baryo ang Ilomavis. Sa kabutihang palad, ito ay naging ganap na baryo sa ilalim ng resolusyon bilang 33 serye ng 1970. ang kauna-unahang tenyente del baryo ay si G. Priscilo Padua.

 

Lupang Sakop: 2,724.4

Distansya mula Kidapawan: 21 km.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio