NEWS | 2019/07/23 | LKRO
Abot isang libong indigent patients nabigyan ng libreng serbisyong medikal
KIDAPAWAN CITY- ABOT SA ISANG LIBONG INDIGENT Patients ang naserbisyuhan ng dalawang araw na Libreng Medical, Dental at Ophthalmology Outreach program July 23-24, 2019.
Nagmula sa apat-napung mga barangay na nauna ng na-validate ng mga local officials ang nakabenepisyo sa programa.
Nasa ikalimang taon ng ipinatutupad ng partnership nina Mayor Joseph Evangelista at ng With Love Jan ang programa na naglalayung mabigyan ng libreng ayudang medikal ang mamamayan ng Kidapawan.
Libre na ang pagpapakonsulta, pagbibigay ng gamot, dental services gaya ng pagbunot at pagpapasta ng ngipin, laboratory services at reading eyeglasses ang ibinigay ng City Government at With Love Jan.
Nanguna sa programa sina City Legal Officer Atty Jose Paolo Evangelista, na siyang kumatawan sa kanyang ama na si Mayor Evangelista, at si With Love Jan President Dr. Bernie Miguel, MD.
May iilan din na mga walk-in clients na sumali sa aktibidad.
Maliban sa mga serbisyong nabanggit, nagbigay din ng mga tips at mahahalagang impormasyon ang mga duktor at health service providers sa kung papaanong maiingatan ng mamamayan ang kanilang kalusugan ng maka-iwas na magkasakit.
Karamihan sa mga pasyenteng nabigyan ng libreng serbisyo ay nakatatanda, mga inang nagdadalantao, mga bata at maging Persons With Disabilities.
Ginawa ang libreng Medical Outreach program sa City Gymnasium.
Sinimulang ipatupad ang programa noong July 2015.
Kapartner ng City Government at With Love Jan Foundation ang mga private medical practitioners ng Kidapawan City na libreng nagbigay ng kanilang serbisyo alang alang sa mamamayan. ##(cio/lkoasay)