African Swine Fever Awareness Forum gagawin ng City Government

You are here: Home


NEWS | 2019/09/11 | LKRO


thumb image

African Swine Fever Awareness Forum gagawin ng City Government

KIDAPAWAN CITY – PINANAWAGAN NI City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng mga nag-aalaga ng baboy sa lungsod na dumalo sa isasagawang African Swine Fever Awareness Forum sa Setyembre 24, 2019. Layun ng aktibidad na ipagbigay alam sa mga nag-aalaga ng baboy kung ano ang katangian ng AFS at kung papanong maiiwasan ito ng kanilang mga alaga. ‘Pro-active approach’ ng City Government ang aktibidad na nabanggit lalo pa at kinumpirma na mismo ng Department of Agriculture na nakapasok na ang AFS sa bansa. Una ng nagpositibo sa AFS ang labing-apat mula sa dalawampung blood samples ng mga nagkasakit at namatay na baboy sa mga lalawigan ng Bulacan at Rizal, bagay na iniiwasang mangyari ng City Government sa local hog industry ng Kidapawan City. Mangunguna sa AFS Awareness Forum ang Office of the City Veterinarian na gaganapin ala una ng hapon sa Cooperative Development Training Center sa Barangay Magsaysay. Kaugnay nito ay nagsimula na ring kumuha ng blood samples ang OCVET sa ilang babuyan sa Barangay Balindog September 11, 2019. Ipapadala ng OCVET sa Regional Office 12 ng DA sa General Santos City ang mga blood samples para malaman kung may AFS ang mga baboy na nakunan ng dugo. Agad nilang ipapaalam sa mga nag-aalaga ng baboy kung nagpositibo nga ang kanilang alaga sa AFS para maiwasan ang pagkalat at pagkakahawa ng iba pang mga alagang baboy. Nilinaw naman ng otoridad na ligtas kainin ang mga karne ng baboy na ibinibenta sa Mega Market ng lungsod.##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio