ALS graduates posibleng makapag-trabaho sa bansang Japan

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/12/10 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE

December 10, 2018

ALS graduates posibleng makapag-trabaho sa bansang Japan

KIDAPAWAN CITY – HAHANAPAN NG PARAAN ni City Mayor Joseph Evangelista na makapag-trabaho sa bansang Japan ang mga Alternative Learning System o ALS graduates ng Kidapawan City.

Ibinunyag niya ito sa graduation ceremonies ng animnapu at tatlong nakapagtapos ng ALS sa lungsod December 10, 2018.

Nanatiling mataas ang demand ng bansang Hapon sa mga skilled workers at pwedeng mag-apply dito ang mga ALS Graduates na dumaan sa pagsasanay ng Technical Education Skills and Development Authority o TESDA.

May kaibigan si Mayor Evangelista na opisyal ng embahada ng Japan na maaring makatulong na mabigyan ng employment opportunities ang mga ALS graduates sa kanilang bansa.

Kapag naisakatuparan ito, tuturuan ng salitang Niponggo ang mga ALS graduates bilang pangunahing rekisito sa pagta-trabaho sa Japan, wika pa ni Mayor Evangelista.

Ang ALS ay non formal system of education na maliban sa pagtuturo ng Basic Education, nakatuon din sa livelihood education na nakasentro sa pagbibigay karunungan at kaalaman upang magkaroon ng ‘skills’ o angking kakayahan ang bawat graduate na gagamitin niya upang makapaghanapbuhay sa kalaunan.

Bukas ang ALS para sa lahat ng mga hindi nakapag –aral o di kaya ay hindi nakapagtapos ng elementary at high school na nagnanais ituloy ang pag-aaral at magkaroon ng karunungan, wika pa ng DepEd.

Ito na ang pang-apat na pagkakataon na nakapagtapos ng ALS Graduates ang City Government sa pakikipagtulungan ng With Love Jan Foundation, TESDA at ng Department of Education.

Ilan lamang sa napagtapusang kurso ng mga ALS Graduates ay ang mga sumusunod: Consumer Electronics Servicing, Solar Light Assembly, Electrical installation and Maintenance, Massage Therapy, Food and Beverage Servicing, at Beauty Care Servicing.

Anim na buwan ang ginugol na panahon ng bawat graduate sa ilalim ng programa.##(cio/lkoasay)

Photo caption – 63 graduates nakapagtapos sa ilalim ng Alternative Learning System sa Kidapawan City: Isa si Angelika Andres sa nakapagtapos ng Massage Therapy na isa sa mga kursong ibinibigay ng Alternative Learning System. Sa tulong ng ALS ay mabibigyang pagkakataon ang mga katulad niya na magkaroon ng hanapbuhay sa hinaharap.Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang diploma ni Angelika at ng iba pang graduates ng ALS December 10, 2018.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio