Amas

You are here: Home


NEWS | 2018/10/10 | LKRO




Barangay Amas

 

Ang barangay Amas ay ipinangalan kay Datu Amas, anak ni Datu Dumali na namuno sa maraming populasyon sa lugar ng Kidapawan sa panahong iyon.

Si Datu Amas ayisang lalaking mahilig sa paliliwaliw. Minsan sa kanyang ginawang paglalakad, nakatagpo siya ng kakaibang barayti ng saging na kung saan ito ay matamis at nakapagpasyang dalhin ito sa kanyang lugar. Ang saging ay hinati-hati ng mga naninirahan at ito’y sabay nilang itinanim. Noong si Datu si Datu Amas ay namatay, and lugar, at gayundin ang saging, ay ipinangalan sa butihing Datu.

Ang ilang unang kristiyanong tumira sa lugar ng Amas ay ang mga pamilyang Gayotin, Guadalupe, Andico, Calubiran, Bernabe, Braga, Cipriano, Madayag, Baldove, at marami pang iba, na naghawan sa mga dawagan at malalking punongkahoy. Ang Amas ay naging regular na baryo sa pamamagitan ng resolusyon bilang 97, ordinansa bilang 34, serye ng 1964. Katulad ng inaasahan, si G. Jesus Gayoin, bilang isa sa mga aktibong naninirahan at lider sa lugar, ay hinirang bilang unang Tenyente del Baryo, ng District Municipal Mayor noong 1945.

 

Lupang Sakop: 2,075.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 14 km



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio