Author: Dave Vibo

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 28, 2022) โ€“ ISA na namang parangal ang iginawad sa City Government of Kidapawan na nagpapatunay ng mahusay na liderato at epektibong pamumuno ng mga local na opisyal ng lungsod.

Ito ay ang National Anti-Drug Abuse Council Performance Award 2021 na bago lamang iginawad ng National Anti-Drug Abuse Council sa City Government of Kidapawan.

Una ng sumailalim ang Lungsod ng Kidapawan sa performance audit na isinagawa ng NADAC at matagumpay nitong naipasa ang assessment at evaluation (functionality points) na nakapaloob sa performance audit sa larangan ng anti-illegal drug campaign at iba pang programa at inisyatiba sa pagsugpo ng droga.

Kinakitaan din ang City Government of Kidapawan ng magandang koordinasyon sa mga ahensiya ng gobyerno na nagsusulong ng kampanya laban sa droga tulad ng Dept of Interior and Local Government o DILG, Phil Drug Enforcement Agency o PDEA, Dangerous Drugs Board o DDB, Dept of health o DOH at mga Non-Government Organization o NGO.

Ito ay sa kabila ng mga suliranin at hamon na kinaharap ng city government sa pagtulong sa mga drug-addicts na nais ng magbagong-buhay o Persons Who Used Drugs o PWUD.

Samantala, ang iba pang mga lugar sa Lalawigan ng Cotabato na napabilang sa Anti-Drug Abuse Council National Awardee ay ang mga bayan ng Carmen, Magpet, Pigcawayan, President Roxas, Banisilan, at Arakan.

Ikinatuwa naman ni Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang naturang parangal at pinasalamatan ang lahat ng mga local officials kabilang na ang dating Mayor at ngayon ay Senior Board Member ng 2nd District of Cotabato Joseph A. Evangelista sa pagsisikap ng mga ito na mapalakas ang programa laban sa illegal drugs at mailigtas ang buhay ng mamamayan lalo na ng mga kabataan. (CIO-jscj//pb//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 25, 2022) โ€“ IPATUTUPAD na muli ang No Helmet, No Travel Policy sa Kidapawan City simula sa darating na Lunes, November 28, 2022.

Ito ay ayon mismo kay Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kung saan layon ng hakbang na maging ligtas ang mga motorista at maging ang mga angkas o back-rider mula sa aksidente.

Bilang panimula sa pagbabalik ng No Helmet, No Travel Policy ay ipapaalam muna at pagsasabihan ang mga motorista sa lungsod na kailangan ng gumamit ng full-face helmet habang bumibiyahe.

Bilang insentibo naman ng City Government of Kidapawan ay magbibigay ng libreng full-face helmet si Mayor Evangelista para sa mga motorista, ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Psalmer Bernalte.

Batid ni Mayor Evangelista na hindi lahat ng nagmamaneho ng motorsiklo ay may kakayahang bumili ng kalidad na full-face helmet kaya minabuti niyang mamigay ng mga helmet.

Kailangang dalhin at ipakita ng mga motorista sa City Mayorโ€™s Office ang mga sumusunod: Driverโ€™s License, original OR/CR, Barangay Certification (resident of Kidapawan City), no traffic violation, at hindi naka-alarma ang motorsiklo sa Highway Patrol Group o HPG, ayon pa kay Bernalte.

Abot sa 500 full-face helmet ang inisyal na ipamimigay ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng tanggapan ni Mayor Evangelista sa mga motoristang makakapasa sa itinakdang requirements.

Alinsunod naman ang kautusang ito ni Mayor Evangelista sa Republic Act 4136 โ€“ An Act to Compile the Laws Relative to Land Transportation and Traffic Rules, to Create a Land Transportation Commission and for Other Purposes at may titulong โ€œLand Transportation and Traffic Codeโ€ at sa Republic Act No. 10054 o angโ€ Motorcycle Act of 2009โ€ ay kailangang magsuot ng standard protective helmets ang mga motorista habang nagmamaneho, malayo man o malapit ang biyahe at anumang oras na bibiyahe.

Matatandaang itinigil ang pagpapatupad ng No Helmet, No Travel Policy sa lungsod nitong nakalipas na mga taon dahil sa mga shooting incidents kung saan ang mga suspects ay nakamotorsiklo at naka full-face helmet.

Ngunit sa mga panahong ito ay ipinatigil, hindi naman nalutas ang mga pamamaril at dumami pa ang aksidente sa daan na nagsasanhi ng kamatayan o pinsala sa mga drivers at back-riders.

Kaya naman minabuti ng City Government of Kidapawan na ibalik ang nasabing polisiya o ang No Helmet, No Travel Policy para na rin sa kaligtasan ng mga motorista, makaiwas sa malaking gastos sa ospital at higit sa lahat ay walang buhay na mawawala dahil sa hindi pagsusuot ng proteksiyon sa ulo.

May nakalaan namang parusa o penalty sa mga lalabag sa No Helmet, No Policy sa Lungsod ng Kidapawan. (CIO-jscj//pb//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 1, 2022) โ€“ MATAPOS ang ilang linggong pag-aantay, dumating na rin ang takdang araw ng Ceremonial Lights On ng Festival of Lights sa Kidapawan City, alas-sais ng gabi ng Huwebes, Disyembre 1, 2022 na labis na ikinatuwa ng mga mamamayan.

Mismong si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nanguna sa aktibidad na dinaluhan ng mga Department Heads, personnel, at iba pang manggagawa ng City Government of Kidapawan kung saan sabay-sabay na nagliwanag ang giant Christmas tree (gawa sa plastic bottles at iba pang indigenous materials) sa harap ng City Hall, Barangay Avenue, at ang mga pine trees sa road island o kahabaan ng national highway.

Sinaksihan ito ng publiko na sabik na makita ang mga ilaw at iba pang palamuti na bahagi naman ng masayang Kapaskuhan sa lungsod.

Nakapaloob sa Festival of Lights ang Road Island Pine Tree Christmas Lights Decoration Contest na may temang โ€œLuntian Kidapawanโ€ na nilahukan ng mga business establishments at iba pang grupo na nag-adopt o pumili ng pine tree na kanilang lalagyan ng ilaw at palamuti.

Isang Technical Working Group o TWG ang itinalaga upang magsagawa ng judging sa mga pines trees at base ito sa tatlong criteria: Technical Judging (Round 1) โ€“ kung saan titingnan ang design, creativity, at neatness ng adopted pine tree; Longevity of lights (Round 2) โ€“ kung saan makikita ang kalidad ng mga ilaw o Christmas lights (white, warm white, at green) na inilagay o inilapat sa mga puno (bawat Lunes ang inspection ng mga ilaw); at Energy Efficient (Round 3) โ€“ kung saan sa pamamagitan ng inilagay na electric meter ay titingnan ng TWG ang energy consumption ng bawat entry (malalaman ang may pinakamatipid na konsumo ng kuryente).

Magbibigay ang City Government of Kidapawan ng halagang P300,000 para sa magwawagi ng First Place, para naman sa Second Place ay P200,000 at ang Third Place ay P100,000. Sa darating na December 28, 2022 ay gagawin ang Awarding of Prizes for Festival of Lights winners.

Hindi naman nagpahuli ang ibaโ€™t-ibang departamento ng City Government of Kidapawan kung saan naglagay din ng mga ilaw at palamuti sa kanilang napiling puno sa road island.

Bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa komunidad at sa layuning maging masaya at mapayapa ang pasko sa lungsod.

Lahat ng ito, ayon kay Mayor Evangelista ay naglalayong maging maliwanag, makulay, at masigla ang pagdiriwang ng pasko sa lungsod ngunit ito ay dapat maging simple lamang at makabuluhan.

Bukod dito ay naniniwala din ang alkalde na makatutulong ng malaki sa kampanya ng City Government ang paggamit ng mga recyclable materials tulad ng plastic bottles at iba pang indigenous materials para proteksyunan ang kapaligiran at makaiwas sa banta ng kalamidad tulad ng flashflood, landslide, at iba pa.

Samantala, tampok din sa ginanap Ceremonial Lights On ang LGU Dance Club Variety Show kung saan nagpakitang gilas sa pagsayaw ang mismong mga empleyado ng City Government at ang Mountain Bike Road Bike Night Circuit Race na may dalawang kategorya โ€“ MBT (age brackets, ladies open, fat boys) at Road Bike (age brackets). Tumanggap naman ng cash prizes, trophies at medals ang mga nanalo sa naturang biking race. (CIO-jscj//if//nl//)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 29, 2022) โ€“ INILAHAD ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang kanyang State of the Children Address o SOCA ngayong araw na ito ng Martes, Nobyembre 29, 2022 ganap na 10:30 ng umaga sa Kidapawan City Gymnasium.

Taglay ng SOCA ni Mayor Evangelista ang kagalingan at kapakanan ng kabataan na nakapaloob sa โ€œFour Rights of the Childrenโ€ at ito ay ang Survival, Development, Protection, at Participation.

Ibinahagi ng alkalde ang mga programang isinusulong ng City Government of Kidapawan para sa mga kabataan kabilang dito ang Buntis Caravan, Maternal, Child Health and Nutrition, Oral Health Program, Vaccination of Anti Covid-19 vaccines, Operation Timbang, Complementary Feeding Program at marami pang iba.

Kanya ding inilahad na nasa 17,802 ang bilang ng pre-school children sa lungsod at sinisikap ng city government sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO na mabigyan ang mga ito ng kaukulang pansin at maipaabot sa kanila ang mga nararapat na tulong.

Abot naman sa 3,128 na pre-school children sa lungsod ang nabiyayaan ng masustansiyang pagkain sa mga ipinatupad na feeding program habang naka line up naman feeding para sa iba pang mga kabataan, dagdag pa ng alkalde.

Itinaon ang SOCA sa Culmination Program ng pagdiriwang ng 30th National Childrenโ€™s Month Celebration ngayong araw.

Dumalo sa okasyon sina City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, Chairperson ng SP Kidapawan Committee on Women, Children, Family, and Gender Equality; CSWD Officer Daisy Gaviola, City Administrator Janice Garcia, City Local Operations Officer Julia Judith Geveso, Junior City Mayor at Youth Leader Ian Jay Sapitula, at Kidapawan City Federation of Barangay Children Association KCFBCA President Alima Usria Camsa, mga Barangay Officials, Children Development Workers, at iba pang sektor.

Tampok din sa aktibidad ang awarding para sa apat na mga Outstanding Barangay Council for the Protection of Children o BCPC sa Kidapawan City.

Kinabibilangan ito ng Barangay Kalasuyan (82% Functional Rating/First Place โ€“ P20,000 cash incentive), Barangay Paco (81% Functional rating/Second Place โ€“ P15,000 cash incentive), Barangay Ginatilan at Barangay Linangkob (80% Functional Rating/Third Place โ€“ P7,500 cash incentive. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 29, 2022) โ€“ GINAWARAN ng parangal bilang Most Outstanding LGU ang Kidapawan City sa buong Lalawigan ng Cotabato sa Binhi ng Pag-asa Program Provincial Youth Summit o BPP na ginanap sa Provincial CapitolGymnasium, Amas, Kidapawan City kahapon, November 28, 2022.

Iginawad ang naturang parangal sa lungsod dahil sa maayos at mahusay na implementasyon ng mga programa para sa kabataang magsasaka o mga young farmers at young fisherfolks.

Nasa ilalim ng Dept. of Agriculture – Agricultural Training Institute o DA-ATI ang BPP na naglalayong palakasin ang programang pang-agrikultura sa hanay ng kabataan at maging kabahagi sila sa pagpapalakas ng food production ganundin ang food sustainability.

Sa pamamagitan ng BPP ay nabiyayaan ang abot sa 25 young farmers sa Kidapawan City kung saan tumanggap sila ng mga starter kits for free range chicken, trainings at iba pa ngayong 2022.

Si City Agriculturist Marissa Aton ang tumanggap ng Plaque of Recognition na may lagda ni DA-ATI12 Head Abdul Dayaan. Kasama niya sa pagtanggap ng parangal sina Assistant City Agriculturist Elpidio Gaspan, 4H Club Coordinator Charity Tayapad, City Agribusiness Coordinator Teodorico Pabalinas, Jr. at 4H Provincial Coordinator Judy Gomez.

Tumanggap din ng special award si Tayapad bilang Outstanding 4H Club Coordinator habang nakamit naman ni Darryl Flores ang First Place sa Documentary Making Contest.

Ibinahagi naman ni Jomarie Lao ang kanyang karanasan bilang kinatawan ng lungsod sa Taiwan (Filipino Young Farmers Internship Program in Taiwan) sa mga dumalo sa summit at hinimok ang iba pang kabataang magsasaka na ituloy lang ang kanilang pagsisikap sa tulong ng programa ng pamahalaan.

Bilang panghuli ay pinasalamatan ni Aton at ng 4H Club si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa patuloy na suporta sa mga layunin ng samahan at sa mga programang inilalaan sa mga kabataang magsasaka. (CIO-jscj//if//photos by OCA)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 25, 2022) โ€“ NAGING mas kapana-panabik ang pagdiriwang ng Childrenโ€™s Month sa Lungsod ng Kidapawan sa ginanap na Socio-Cultural Contest sa City Gymnasium ngayong araw na ito ng Biyernes, Nobyembre 25, 2022 kung saan itinampok ang poetry recital and field demo sa hanay ng mga kabataan.

Sa temang โ€œ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜’๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜‰๐˜ข๐˜ต๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏโ€ ay nagtagisan sa Field Demonstration at Poetry Recital ang mga batang mag-aaral mula sa District 1-8 kung saan tumanggap ng Certificate of Participation at prizes ang mga nanalo.

Pinangunahan naman ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO ang naturang aktibidad na bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng Childrenโ€™s Month ngayong Nobyembre, 2022.

Mahalaga ang ganitong okasyon upang maibahagi ng mga kabataan ang kanilang angking talino at maramdaman nila ang kanilang halaga sa lipunan, ayon kay CSWD Officer Daisy G. Perez.

Si City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, Chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Women, Children, Family, and Gender Equality ang naatasang magbigay ng inspirational message hindi lang para sa mga kabataan kundi pati na sa bawat dumalo sa aktibidad.

Hinimok niya ang ibaโ€™t-ibang sektor na magkaisa sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata lalong lalo na ang mga hakbang na ginagawa ng City Government of Kidapawan para mapabuti ang kabataan. (CIO-jscj//nl//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 19, 2022) – TULOY NA TULOY na ang pagbubukas ng Department of Foreign Affairs o DFA Consular Office Cotabato Kidapawan sa buwan ng Setyembre 2022. Ito ay makaraang pumirma sa isang virtual Memorandum of Agreement o MOA aina Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Domingo nitong umaga ng Biyernes, August 19, 2022.Hudyat ito na tuloy na ang inaantay na pagbubukas ng opisina ng DFA sa lungsod. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan na ng mga serbisyo gaya ng passporting services, civil registry at assistance to nationals hindi lamang mga taga Kidapawan City kungdi pati na rin sa mga karatig na bayan sa lalawigan ng Cotabato at mga kalapit probinsya. โ€œ Malaking pakinabang ang DFA Consular Office Cotabato Kidapawan sa lahat ng taga Kidapawan at mga karatig lugar. Magdadala ito ng ibayo pang kaunlaran, koordinasyon, turismo at paglago ng negosyo sa lungsod. Ito ay resulta ng pagsisikap ng City Government na matugunan at mailapit pa ang mga programa at serbisyo ng Pamahalaan sa mga mamamayanโ€™, mensahe ni Mayor Evangelista sa ginanap na MOA signing. Sinang-ayunan naman ng DFA ang mensahe ng alkalde lalo na at pinaplano ng ahensya na magkaroon ng ugnayan ang DFA Consular Office Cotabato Kidapawan sa mga embahada at tanggapan nito sa loob at labas ng bansa sa layuning maipakilala ang natatanging kultura at tradisyon ng lungsod. Magkatuwang naman ang tanggapan ni Cotabato 2nd District Representative Rudy Caoagdan, dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd District Senior Board Member Joseph Evangelista, Regional Office XII ng National Economic and Development Authority o NEDA at ang DFA sa pagsasakatuparan ng nabanggit na proyekto. Matatagpuan ang DFA Consular Office Cotabato Kidapawan sa Alim Street katabi lamang ng City Overland Terminal sa barangay Poblacion ng lungsod. Maliban kina Mayor Evangelista at DFA Undersecretary Domingo, dumalo at sinaksihan din nina NEDA XII RD Teresita Socorro Ramos, DFA Asst. Secretary of Office of Consular Affairs Henry Bensurto Jr, DFA Kidapawan Head of Consular Office Nadjefah Mangodaya, City Administrator Janice Garcia, City Planning and Development Officer Divina Fuentes at iba pang mga opisyal ang naganap na virtual MOA signing. Sa September 2022 na din gaganapin ang inauguration ng bagong gusali kung saan ay unang mabibigyang serbisyo ang 30 identified clients nito bilang panimula. Bukas mula 10am hanggang 6pm ang DFA Consular Office Cotabato Kidapawan mula Lunes hanggang Biyernes.##(CMO-cio)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio