Author: Ian Famulagan

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 21, 2022) – NAKATANGGAP muli ng isang recognition ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO ng Kidapawan mula sa Department of Social Welfare and Development Office o DSWD.

Ito ay makaraang makamit ng CSWDO ang Level 2 or Better Service Delivery on the Service Delivery Capacity and Competency Assessment for C.Y. 2019-202.

Ibig sabihin nito ay mahusay na naipatupad ng CSWDO ang mga inaasahang serbisyo o expected level of service para sa mga mamamayan partikular na ang mga sektor na tinutulungan at ginagabayan ng tanggapan.

Kabilang sa mga indicator o tagapagpahiwatig na naipatupad ng CSWDO ang kanilang epektibong paglilingkod ay ang mga sumusunod: Administration and Organization, Program Management, at Institutional Mechanism na pawang nakapaloob sa Local Social Welfare and Development Office Functionality ng naturang opisina.

Tinanggap ni CSWD Officer Daisy P. Gaviola, RSW ang Plaque of Recognition mula mismo kina DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista at DSWD 12 Regional Director Restituto B. Macuto sa Awarding Ceremony na ginanap sa Carpenter Hill, Koronadal City nito lamang nakalipas na linggo.

Itinaon din ang aktibidad sa inauguration ng bagong tanggapan ng DSWD Field Office 12 sa loob ng DSWD Regional Center sa Koronadal City.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Gaviola ang DSWD sa naturang recognition kung saan kinikilala ang kanilang mga pagsisikap at paglilingkod sa mga mamamayan partikular na sa mga less fortunate, disadvantaged, at iba pang nangangailangang sektor.

Ipinaabot din niya ang pasasalamat kay City Mayor Joseph A. Evangelista na nagsilbing inspirasyon sa kanila upang lalo pa nilang pagbutihin ang trabaho. (CIO-jscj/Photos from CSWDO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 20, 2022) – NAPUNO ng masigabong palakpakan ang Provincial Gymnasium sa Barangay Amas, Kidapawan City sa ginanap na Oath-taking Ceremony at Inauguration ng mga opisyal ng Lalawigan ng Cotabato kung saan nanumpa si dating City Mayor at ngayon ay Senior Board Member ng Second Legislative District of Cotabato Joseph A. Evangelista at si Governor Emmylou “Lala” Talino-Mendoza na nagbabalik bilang ika-25 gobernadora ng probinsiya.

Sa kanyang mensahe matapos ang inagurasyon, binigyang-diin ni Board Member Evangelista ang kahalagahan ng makatotohanang serbisyo publiko at ang mahusay na pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa mamamayan.

Bilang isang public servant at naglingkod sa loob ng tatlong termino bilang alkalde ng Lungsod ng Kidapawan ay ipagpapatuloy daw niya ang mga bagay na kanyang nagawa sa lungsod sa malawak na bahagi ng 2nd District of Cotabato na kanya namang pagsisilbihan sa nalalapit na mga araw.

Pinasalamatan ni Board Member Evangelista ang lahat ng mga naniwala at sumuporta sa kanyang kandidatura bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato at hinimok din ang lahat na magtulungan para sa ikauunlad ng distrito at ng buong lalawigan.

Sa kabilang dako, pinasalamatan din ni Gorvernor Talino-Mendoza ang mga Cotabateno na sumuporta sa kanya at nagbigay daan sa pagbabalik ng programa at adbokasiya ng Serbisyong Totoo para sa mamamayan ng Cotabato.

Samantala nanumpa din sa tungkulin ang mga sumusuod na provincial officials: Trade Union Congress of the Philippines o TUCP Party List Representative Atty Raymond C. Mendoza, 2rd Legislative District of Cotabato Representative Rudy S. Caoagdan, at 3rd Legislative District of Cotabato Representative Samantha Talino-Santos, Cotabato 1st District Board Members Sittie Eljorie Antao-Balisi at Atty. Roland D. Jungco, 2nd District Board Member Ryl John C. Caoagdan, at 3rd District Board Members Ivy Dalumpines- Ballitoc, Jonathan M. Tabara, at Joemar S. Cerebo.

Pormal namang uupo sa kanilang mga puwesto ang nabanggit na mga opisyal pagsapit ng 12:01 ng tanghali ng June 30, 2022. (CIO-jscj/if/aa/dv)

KIDAPAWAN CITY (June 18, 2022) – LUBOS ang kasiyahan ng mga batang mag-aaral mula sa dalawang barangay sa Lungsod ng Kidapawan sa ginanap na gift-giving activity ng Project Angel Tree – Balik Eskwela 2022 ng Department of Labor and Employment o DOLE at ng City Government of Kidapawan ngayong araw ng Sabado, June 18, 2022.

Mga selected pupils o mga piling mga mag-aaral mula sa mga pinakamahihirap na pamilya ang nabigyan ng mga regalo na una na nilang hiniling sa pamamagitan ng Project Angel Tree kung saan isinulat ng mga bata sa mga hugis pusong papel ang kanilang kahilingan.

Pinangasiwaan ni Project Angel Tree at OFW Special Concerns Focal Person Aida Labina ang gift-giving activity na ginanap sa Nuangan Integrated School, Barangay Nuangan (50 pupils) at Datu Saliman Elementary School, Barangay Indangan (50 pupils).

Nataon ito sa pagbabalik ng face-to-face classes o balik-eskwela sa lungsod kung kaya’t ang karamihan sa mga kahiligan ay mga gamit pang-eskwela tulad ng school bags, school shoes, damit, lapis, papel, notebook, crayons at iba pa.

Ngunit may mga bata ring humiling ng bigas, canned goods para sa kanilang pamilya at maging jolibee chicken na isang pangarap ngmatikman para sa ilan sa kanila.

Kasama rin sa aktibidad si Human Resource Management Office o HRMO Head Magdalena Bernabe at ilang mga personnel. Pinangasiwaan nila ang maayos na pamamahagi ng regalo sa mga benepisyaryo.

Lumahok din sa gift-giving ang mga opisyal ng Barangay Nuangan na sina Nuangan Punong Barangay Cristina Padaya, Kagawad Norhana Lemano, at Nuangan OFW Association President Normina Camsa. Nakiisa din ang mga Classroom Advisers na si Marissa Diaz. Ginanap ito ganap na alas-nuwebe ng umaga sa mini-covered court ng paaralan.

Samantala, pagsapit naman ng alas-dos ng hapon ay lumahok din sa aktibidad sina Indangan Punong Barangay Sedinio Alilian kasama sina Kagawad Reynante Duhat, at Indangan OFW Association President Efrein Rose Bacus at mga Classroom Advisers na sina Rosalie Villaver at Levita Ulan. Ginanap ito sa kanilang mini-covered court with stage.

Labis naman ang katuwaan ng mga bata sa natanggap na biyaya ganundin ang kanilang mga magulang na sumaksi sa gift-giving activity.

Napaluha pa ang mag-aaral na si Novie Friyana Balgos ng Nuangan Integrated School ng siya ay mabigyan ng pagkakataon na magpasalamat kasama ang kanyang mga kapwa mag-aaral sa biyayang natanggap at ganon din naman ang pagpapasalamat ng mga bata mula sa Datu Saliman Elementary School ng Barangay Indangan.

Pinasalamatan nila ang mga “Angels” o ang mga sponsors na nagbigay ng katuparan sa mga kahilingan ng mga mahihirap na bata sa pamamagitan ng mga regalo o biyaya. 

Abot sa 56 “Angels” ang nagbigay ng regalo sa ginanap na gift-giving activity na binubuo ng mga government at private offices, academe, business, private individuals, at iba pa.

Ito na ang ika-siyam na taon ng Project Angel Tree mula ng ito ay ilungsad noong 2013 sa pamamagitan ng DOLE at ng City Government of Kidapawan.

Layon nito na matulungan ang mga mahihirap na mga bata sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang mga kahilingan. Dalawang beses ito ginagawa bawat taon – tuwing pasukan sa eskwela at kapaskuhan.  (CIO-jscj/if/aa)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 16, 2022) – SA ikatlong pagkakataon ay nagsagawa ng face-to-face Job Fair for Local and Overseas Employment ang Public Service Employment Office o PESO Kidapawan nito lamang June 14, 2022 sa pakikipagtulungan ng Kidapawan Doctors College, Inc. o KDCI.

Kaugnay nito, abot sa 64 na mga aplikante ang agad na tumugon sa naturang job fair kung saan 29 ang nag-qualify sa mga job vacancies o openings at 1 naman ang Hired on the Spot o HOTS.

Kabilang naman sa mga local partners ang VXI Holding Global B.V, Outbox Solution, Toyota Kidapawan City at sa mga overseas partner ay ang Zontar Manpower Services, Inc., Gods Will International Placement, Inc., SMC Manpower Agency, at EarthSmart Human Resource Phil. Inc.

Iba’t-ibang trabaho ang nag-aantay sa mga job seekers at kabilang rito ay ang cashiering, sales representative, customer service, managerial, technical, at iba pa,

Sinabi ni PSO III at PESO Kidapawan Manager Herminia C. Infanta na malaking tulong ang mga job fair para makapagtrabaho ang mga aplikante sa lungsod maging ito man ay local o overseas work.

“Sa ikatlong pagkakataon ay ginawa natin ang face-to-face activity na ito na naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga job seekers na makahanap ng magandang mapapasukan at umangat ang antas ng pamumuhay”, ayon kay Infanta.

Pinasalamatan niya ang Department of Labor and Employment o DOLE 12 na partner din ng PESO sa job fair kasama ang KDCI.

Nagpahayag naman ng katuwaan si City Mayor Joseph A. Evangelista at sinabing magpapatuloy ang kahalintulad na aktibidad upang mas marami pang mamamayan ang matulungan.

“Tinitiyak po ng ating City Government na magsasagawa pa ng mga job fair ang PESO Kidapawan katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno upang makapagbigay tayo ng mas malaking oportunidad sa mga Kidapaweno.

Ginanap ang job fair sa Social Hall ng Kidapawan Doctors College, Inc. o KDCI kung saan tiniyak na nasusunod ang mga itinakdang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face masks, disinfection, at social distancing. (CIO-jscj/photos credits PESO Kidapawan).

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 16, 2022) – MULING nakinabang ang mga senior citizens ng lungsod sa libreng eye and ear check-up na ginanap sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) mula June 14-15, 2022.

Abot sa 236 senior citizens ang sumailalim sa  cataract/pterygium check up at iba pang eye condition.

Mga personnel ng Deseret Ambulatory Hospital (Kabacan) ang nagsagawa ng eye check at nanguna rito ang kanilang Head Nurse na si Ibrahim M. Lumala kasama ang dalawa pang nurses sa unang Araw ng aktibidad.

Abot naman sa 462 senior citizens ang sumailalim sa kahalintulad na eye check-up sa ikalawang are at mula sa bilang na ito ay 458 ang mabibigyan ng  libreng antipara, 4 ang for referral dahil sa mataas ang grado ng salamin ang kanilang kailangan.

Sina Dr. Reynard Gapul at Dr. Raymond Gapul, kapwa Optometrist mula sa Gapul Optical Clinic ang eye examination.

Samantala, 68 na mga senior citizens Naman ang sumailalim sa libreng ear check-up na isinagawa ni Dr. Bryant Martinez, EENT specialist mula sa Kidapawan Doctors Hospital, Inc. (KDHI).

Sinabi ni OSCA Special Program in-charge Melagrita S.Valdevieso na

malaking tulong ang aktibidad lalo na’t patuloy na tumataas ang halaga ng mga pangunahing bilihin na siya namang madalas na dahilan kung bakit napapabayaan ang kalusugan ng mga lolo at lola.

Tiniyak naman ni OSCA Head Susana Llerin na sa tulong ng City Government of Kidapawa ay hindi dito nagtatapos ang mga programa para sa mga senior citizens ng lungsod.

“Patuloy kami sa pagsasagawa ng mga programa para sa kapakanan ng ating senior citizens sa tulong ng ating butihing alkalde na si Mayor Joseph A. Evangelista”, sinabi ni Llerin.

Ikinatuwa naman ni City Mayor Joseph A. Evangelista ang mga hakbang ng OSCA dahil malapit sa kanyang puso ang mga lolo at lola.

Dagdag pa rito ay tiniyak din ng alkalde na mas lalo pang palalakasin ni incoming City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang mga nasimulang  programa at proyekto para sa kapakananan ng senior citizens. (CIO-vh/if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 13,  2022) – LUMAHOK sa  programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Ang abot sa 53 Person with Disability o PWDs na may mababa o halos walang kinikita o no income.

Pinangasiwaan  ito ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa isang aktibidad na ginanap sa City Convention nitong June 13, 2022.

Nagmula sa mga barangay ng Amas, Poblacion at Sudapin  na pawang mga priority barangays naturang bilang ng PWD.

Layon ng naturang programa na mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga PWD na miyembro naman ng iba’t-ibang samahan ng PWD sa lungsod.

Samantala, narito ang schedule of activities para sa PWD beneficiaries mula sa Barangay Amas, Poblacion at Sudapin -June 22, 2022 (Occupational Safety and Health Training and Values Training) sa Kidapawan City Convention Hall ganap na 8:00AM-12:00N; June 24, 2022 (Leadership Training & Team Building Workshop)sa Brgy. Covered Court, Sinsuat Street,  8:00AM-5:00PM; June 29, 2022 (Entrepreneurship and Financial Literacy) sa Kidapawan City Convention Hall, 8:00AM-12:00 noon;

Barangay Ginatilan at Birada sa June 20, 2020 (SLP Orientation and Organization) ganap na 8:00AM-12:00NN; June 22, 2022 (Occupational Safety and Health Training and Values Training sa Birada Covered Court, 1:00PM-5:00PM, June 29, 2022 (Entrepreneurship Financial Literacy @ Birada Covered Court, 8:00AM-5:00PM) at July 1, 2022 (Leadership Training & Team Building Workshop) sa Birada Covered Court, 8:00AM-5:00PM.

Lubos ang kagalakan ni City Mayor Joseph A. Evangelista dahil sa pamamagitan nito ay maoorganisa na ang mga PWD sa bawat barangay at mas magpapabilis sa pagbibigay sa kanila ng mga proyekto at ayuda ng gobyerno.

Nagpasalamat din ang mga benepisyaryo at ang kanilang mga pamilya dahil sa nabigyan sila ng pansin at pagkakataon na humawak at palawigin ang proyektong pangkabuhayan mula sa gobyerno. (CIO-vh/ed//)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 13, 2022) – SUMAILALIM sa ikatlong session ng  pagsasanay ng DSWD-SLP ang abot sa 105 solo parents mula sa mga barangay ng Sudapin, Singao, Magsaysay at Lanao, na ginanap sa Barangay Covered Court, Sinsuat Street, Brgy Poblacion habang 50 solo parents naman mula sa mismong Brgy. Poblacion ang sumailalim sa kaparehong session sa Barangay Hall.

Isinagawa ang nabanggit na pagsasanay upang maihanda ang mga solo parents sa mga hamon na maari nilang kaharapin sa buhay sa harap na rin ng nagpapatuloy ma pandemiya ng COVID-19.

Nakatuon ang lecture sa basic safety health, unsafe and safe working conditions, DOLE Dept Order No. 198-18 at common hazards sa micro-enterprises gaya ng paghawak ng materyales at pagiimbak, poor housekeeping, paggamit ng mga matatalim at iba pang mga kagamitan, hindi maayos na ilaw at ventilation, exposure sa alikabok at contaminants, at heat stress.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng DOLE na sina Labor Safety Officer Kenneth Paul B. Pacatang, at Labor Employment Education Services focal person Jayson B. Aron na siya ring nagbigay ng lecture sa mga partisipante.

Inaasahan ng DOLE na magagamit ng mga benepisyaryo ang mga kasanayan na kanilang natutunan mula sa nasabing pagsasanay sa anumang trabaho o negosyo na kanilang papasukin.

Labis ang tuwa at nagpasalamat din ang mga benepisyaryo dahil nadagdagan ang kanilang kakayahan at kumpiyansa sa mga sarili tungo sa tatahaking landas at tuluyang maiangat ang kanilang pamumuhay.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng City Government of Kidapawan kung saan naglalayong tulungan ang mga solo parents ma makaagapay sa hirap ng kasalukuyang panahon. (CIO-vh/ed/jc)

thumb image

KIDAPAWAN CITY –

PORMAL ng nagtapos ang Subay sa Balaod na programa ng City Legal Office sa iba’t-ibang barangay sa Kidapawan City.

Ginanap ang Culmination  Program nito sa Barangay Balindog, Kidapawan City ngayong   araw ng Martes, June 14, 2022.

Pinangunahan ito Acting City Legal Officer Atty. Mabelle E. Acosta Kasama ang mga partner offices ng Subay sa Balaod kung saan ay sinaksihan ng mga barangay officials ng Balindog.

Mahalaga ang naturang programa dahil nabibigyan nito ng kaalaman sa batas ang mga naatasang magpatupad ng ‘mediation’ sa mga barangay partikular na kung papaano nila maaayos ang mga gusot at suliranin na maaring kaharapin ng kanilang mga constituents.

Sinimulan ang Subay sa Balaod noon pang March 3, 2022 na naglalayong magbigay ng kaalaman patungkol sa R.A. No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act; R.A No. 7610 o Anti-Child Abuse Act at R.A No.1113 or Safe Spaces Act.

Mula sa bilang na 30-35 na mga Barangay Officials, Barangay Workers, BPATs, Barangay Health Workers, Lupon Members, Purok Presidents ang mga kalahok mula sa bawat barangay na ginaganap ang programa.

Naatasang magbigay ng lecture sa RA 9262 si City PNP-Women’s and Children’s Protection Desk si Police Senior Master Sergeant Aileen P. Jauod, RA 7610 si City Social Welfare and Development Officer Daisy P. Gaviola, at para naman sa RA 11313 ay si City Legal Officer Atty Acosta.

Nagpasalamat  naman ang ang mga opsiyal at kawani ng mga barangay kung saan isinagawa ang Subay sa Balaod dahil na rin sa nakapagbigay ito ng kaalamang legal at mga payo kung papaano nila mabibigyan ng mahusay na serbisyo ang kanilang mga mamamayan.##(CIO/lkro/iff

thumb image

KIDAPAWAN CITY – NAKIKIPAGPULONG na si City Mayor elect Atty Jose Paolo Evangelista sa iba’t-ibang Heads of Offices ng City Government bago pa man siya uupo bilang bagong alkalde ng lungsod ng Kidapawan sa June 30, 2022.

Layunin ng bagong alkalde na tingnan ang mga kakulangan sa bawat tanggapan at mapunan ang mga ito para sa tuloy-tuloy at mas mahusay serbisyo publiko para sa mamamayan ng lungsod.

Bahagi ng transition o mga paghahanda sa pagpapasa ng responsibilidad patungo sa bagong liderato ng City Government ang pagbisita at pakikipagpulong ni Mayor-elect Atty Evangelista.

Ibinahagi din ng bagong alkalde ang kanyang mga plano na maisasakatuparan lamang sa pamamamagitan ng pakikipagtulungan ng lahat ng departamento ng City Government. 

Maliban sa mga tanggapan, binisita din ni Mayor Atty Evangelista ang iba’t-ibang mga pasilidad na pinatatakbo ng City Government tulad ng mga post-harvest at agricultural facilities ng City Agriculture Office, veterinary facilities ng Office of the City Veterinarian, City Overland Terminal and Administration Office, City Environment and Natural Resources Office at ang City Health complex.

Mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kawani ng naturang mga tanggapan at pasilidad sabay ang pagbibigay ng tiyak na suporta sa kanyang mga adhikain para sa mga Kidapawenyos.##(CIO/lkro/iff)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – NAKIISA ang mga opisyal at kawani ng City Government of Kidapawan sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw ng Huwebes, June 9, 2022.

Layunin ng pakikiisa ay upang masukat ang kakayahan ng mga opisyal at kawani sa tamang gagawin upang maiwasan ang kasiraan at masaktan na posibleng idulot ng pagtama ng lindol.

Lahat ng mga empleyado ay nagsagawa ng Duck, Cover and Hold sa pagtunog ng siren ng City Hall pagsapit ng 8:54 ng umaga.

Agad namang nagsagawa ng evacuation o paglikas mula sa loob ng kani-kanilang mga opisina palabas ng City Hall na nakatakip ang dalawang kamay sa ulo o di kaya ay nakasuot ng hard hat.

Mahalaga na magpatuloy ang mga earthquake drill dala na rin ng mga aral na natutuhan ng City Government sa nakaraang mga serye ng malalakas na paglindol noong October 2019, ayon na rin kay City Mayor Joseph Evangelista.

Malaki ang naging epekto ng lindol sa pagbibigay serbisyo at operasyon ng City Government dagdag pa ang takot na idinulot nito sa mga empleyado at maging sa publiko kaya at marapat lamang na seryosohin ang mga isinasagawang earthquake drills, pagdidiin pa ni Mayor Evangelista.

Kaugnay nito ay may inihanda ng Disaster Continuity Plan ang City Government na naglalayong maidetalye ang pagbibigay ng serbisyo at hindi maantala ang operasyon ng iba’t-ibang tanggapan kahit pa sa pagkatapos ng malakas na lindol o ano mang uri ng kalamidad.##(CIO/lkro/ iff/aca)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio