Hapsay Pasada Search for Best Tricycle and Best Driver 2019 ipinroklama na ng City Government
KIDAPAWAN CITY – PINARANGALAN NA NG City Government nanalong tricycle units sa Ilalim ng Hapsay Pasada 2019 Search for Best Tricycle and Driver.
February 11, 2019 ng i-anunsyo ng City Government ang mga nanalo sa patimpalak bahagi ng ika 21st Charter Day ng Lungsod ng Kidapawan.
Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang pa-premyong cash, fuel allocation at mga bagong gulong sa mga nanalong entries mula sa tatlumpong assosasyon ng Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Association o FKITA.
Napiling Best Tricycle 2019 ang unit na pag-aari ni Rommel Mamburao na may KD Number 1-292 na byaheng Poblacion.
P15,000 cash price ang kanyang napanalunan kasama na ang tatlong bagong gulong.
Second Place bilang best Tricycle ang KD Number 2-2577 na pagmamay-ari ni Arnel Manunuan na byaheng Lanao na nanalo ng P10,000 at tatlong bagong gulong.
May Cash prizes at bagong gulong ang mga nanalo mula third hanggang 21st places sa best tricycle.
Napili namang Best Driver 2019 si Jerson Branzuela ng KISAMATODA na nanalo ng P5,000 cash at limang litro ng gasolina.
May cash prizes din at libreng gasolina mula sa City Government ang Top 20 sa Best Driver award category.
Ang iba pang mga hindi nanalong entries ngunit nag qualify sa patimpalak ay may premyo din na P300 cash at limang litrong gasolina.
Ang Hapsay Pasada Search for Best Tricycle and Best Driver 2019 ay pasasalamat at pagkilala ng City Government sa aktibong pakikibahagi ng sektor ng tricycle sa patuloy na pag-unlad ng Kidapawan City, wika pa ni Mayor Evangelista.##(CIO/LKOasay)
Photo Caption – BEST CITY TRICYCLE 2019: Napiling Hapsay Pasada 2019 Best Tricycle ang unit with KD Number 1-292 na pag-aari ni Mr. Rommel Mamburao na may byaheng Poblacion Kidapawan City – Saguing Makilala Cotabato. Ang parangal ay bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng sektor ng tricycle sa pag unlad ng Kidapawan City.(CIO Photo)
276 Muslim Couples ikinasal sa mismong Valentine’s Day
KIDAPAWAN CITY – MAKAHULUGAN PARA sa dalawang daan at pitumpo’t anim na Muslim Couples ang kanilang pag-iisang dibdib sa ginanap na Kalilangan sa Kidapawan Muslim Wedding.
Mismong sa Valentine’s Day kasi ginanap ang kanilang kasalan.
Pinasalamatan ng mga bagong kasal si City Mayor Joseph Evangelista sa inisyatibo ng alkalde na masegurong magiging lehitimo ang kanilang pagsasama.
Maliban kasi na kinikilala na ng batas ang kanilang pagsasama, ay inilibre na rin ang kani-kanilang Marriage Certificates na agad ibinigay matapos ang seremonya.
Bagamat at sabayan ang pagkakasal, sinunod nito ang dikta ang Relihiyong Islam.
Solemnizing Officer ng Kalilangan si Kidapawan Sharia Court Judge Mutalib Tagtagan.
Mahalaga ang kanyang mensahe dahil hindi lamang nakatuon ang pag-aasawa sa legal na pamamaraan kungdi, dapat alinsunod din ito sa aral ng Islam.
Ito ang unang pagkakataon na ginanap ang Kalilangan sa Kidapawan kung saan ay nagmula pa sa iba’t- ibang barangay ang mga Muslim couples na ikinasal.
Taon-taon ng gagawin ang Kalilangan sa Kidapawan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga magsing-irog na Muslim na magpakasal at legal na magsama, paniniyak pa ni Mayor Evangelista.##(CIO/LKOasay)
Photo caption – KALILANGAN SA KIDAPAWAN: Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista at kanyang maybahay na si Mrs. Marylene Evangelista ang Mass Wedding o Kalilangan ng may 276 na Muslim Couples sa lungsod.Bahagi ito ng ika 21st Charter Day ng Kidapawan City.(CIO Photo)
Cotabato Provincial Gov’t nagbigay ng P5M ayuda para sa itatayong OFW Village sa lungsod
KIDAPAWAN CITY – PINASALAMATAN NG MGA DUMALONG OVERSEAS Filipino Workers ang limang milyong pisong ayuda ng Cotabato Provincial Government para sa itatayong OFW Village sa lungsod.
Katuparan na ang nabanggit para magkaroon ng mura at disenteng pabahay ang mga OFW’s na magka-qualify sa programa ng City at Provincial Governments.
Personal na iniabot ni Governor Emmylou Taliño – Mendoza ang tseke na naglalaman ng naturang halaga kay Mayor Joseph Evangelista hudyat ng pagsisimula ng proyekto na tinatarget maipatupad ngayong 2019.
Itatayo ang OFW Village sa isang lupain na binili ng City Government sa Barangay Kalaisan ng lungsod.
Maala-alang pinangako ni Mayor Evangelista sa mga OFW’s na taga Kidapawan City na nagta-trabaho sa Hong Kong at Singapore ang pagpapatayo ng pabahay ng personal siyang bumisita roon noong 2017.
Target ng programa na mabigyan ng mura at disenteng pabahay ang mga OFW’s na taga Kidapawan City na walang naipundar na lupa’t bahay sa loob ng maraming taong pagta-trabaho hindi lamang sa Hong kong at Singapore kungdi pati na rin sa ibang bansa.
Ididisenyo ng Socialized Housing Finance Corporation ang mga bahay samantalang pakakabitan naman ng City Government ng linya ng tubig at kuryente ang lugar na magagamit ng mga OFW na nakatira doon. ##(CIO/LKOasay)
Baste Duterte bumilib sa pag-unlad ng Kidapawan City
KIDAPAWAN CITY – BUMILIB si Presidential Son Sebastian ‘ Baste’ Duterte sa maayos na pamamahala at patuloy na pag unlad ng lungsod.
Espesyal na bisita ng ika 21st Charter Day ng lungsod ang anak ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay sinabi niya ang paghanga sa kanyang talumpati sa okasyon.
Humanga si Duterte sa ganda ng Kidapawan City, malalapad na mga daan, pagtataguyod ng turismo lalo na ang Mt. Apo, at pagpapatupad ng mga ordinansa tulad sa kanyang lugar sa Davao City.
Halos magkatulad na ang Kidapawan at Davao City na kapwa nagpatupad ng 24/7 Emergency Call 911 at Anti-Smoking Ordinance, wika pa ng presidential son.
Law abiding o sumusunod sa batas din ang mamamayan ng Kidapawan kung kaya at patuloy itong umuunlad sa kasalukuyan, dagdag pa ni Duterte.
Dapat lang na pagkatiwalaan ng mamamayan ang kakayahan ni Mayor Evangelista na mamahala at magpatupad ng mga ordinansa para sa kaayusan at kapakanan ng lahat.
Pinuri din niya ang pagiging Best City Peace and Order Council ng lungsod sa Rehiyon Dose.
Maliban kay Duterte, panauhing pandangal din ng okasyon si Cotabato Governor Emmylou Taliño Mendoza kung saan ay pinuri naman niya ang mataas na koleksyon ng buwis ng City Government noong 2018.
Pagpapatunay lamang ito na naniniwala at suportado ng mamamayan ang magaganda at makabuluhang proyekto ni Mayor Evangelista, ani pa ng Gobernadora. ##(CIO/LKOasay)
Photo caption – BASTE DUERTE IN KIDAPAWAN CITY: Pnauhing Pandangal ng ika 21st Charter Day ng Kidapawan City si Presidential Son Sebastian Baste Duterte February 12, 2019. Sinamahan siya ni Mayor Joseph Evangelista sa pakihalubilo sa mga empleyado ng City hall.(CIO Photo)
Mindanao Star namigay ng bus sa City Government
KIDAPAWAN CITY – TINANGGAP NA NG CITY GOVERNMENT ang isang bus na donation ng Mindanao Star Bus Line February 11, 2019.
Personal na inabot ng mga opisyal at kinatawan mula sa Bachelor Express na kompanyang nagmamay-ari ng Mindanao Star Bus kay City Mayor Joseph Evangelista ang diesel powered bus sa isang simpleng seremonya sa tapat ng City Hall.
Ito ay katuparan sa matagal ng hangarin ng City Government na magkaroon ng bus na magagamit ng mga empleyado sa kanilang mga out of town trips.
Pasasalamat na rin ito ng Mindanao Star kay Mayor Evangelista sa pagbibigay ng lugar sa City Overland Terminal at sa maayos na pakikitungo ng alkalde sa kanilang kompanya.
Maituturing na magandang regalo ng City Government ang bus lalo na at ipinagdiriwang nito ang ika 21st Charter Day sa February 12, 2019.
Pinaplanong sa City Overland Terminal muna ipaparada ang bus habang wala pang permanenteng lugar na paglalagyan nito.##(CIO/LKOasay)
Binatang nagligtas sa apat na mga SMAK students na nalunod sa landmark, pinarangalan
HINDI kailangang sikat, mayamam at matapang para kilalaning bayani ang isang tao sa mismong lugar na kanyang kinalakihan.
Ito ang pinatunayan nang isang 24 anyos nan a si RYAN PAMILAR, makaraang iginawad sa kanya ang pinakamataas na parangal sa isinagawang 2019 Search for Kidapawan Heroes, nitong Linggo ng gabi.
Tinalon ng binata ang ilang malalaking mga pangalan sa larangan ng pulitika at government service.
Ipinagkaloob ni City Mayor Joseph A. Evangelista, kay PAMILAR ang “Legion of Honor” awards dahil sa pambihirang katapangan niya nang iligtas niya sa rumaragasang baha ang apat sa pitong mga mag aaral ng Saint Mary’s Academy, ika-9 ng Nobyembre ng taong 2008.
Labing-apat na taong gulang lamang siya noon nang ipinamalas niya ang kanyang kabayanihan.
Pitong mga high school student’s ng SMAK ang nagdiwang ng kanilang “friendship” day at napagkasunduan nilang mamasyal at magpakuha ng larawan sa ilog ng City Landmark.
Kasagsagan ng picture taking ng biglang lumaki ang tubig. Inanud ang pitong mga mag aaral.
Walang atubiling nilundag ng binata ang malaking baha at naisalba niya ang apat sa pito. Subalit bigo ito na mailigtas ang tatlo, na inanud ng malakas na tubig baha sanhi ng kanilang pagkasawi.
Hindi nagdalawang isip si PAMILAR na ibuwis ang kanyang sariling buhay mailigtas lamang ang mga nalulunod na high school students.
Itoy sa kabila pa na maliban sa kanya may mga tao ding naroon at namamasyal nang maganap ang trahedya.
Para sa mga kaanak ng mga survivors, si RYAN PAMILAR ay isang totoong bayani.
Samanatala, iginawad naman kay Januario Espejo, Jr. at Rita Gadi ang Merit of Commendation awards.
Si Espejo ay dating treasurer ng Kidapawan City habang si Gadi naman ay Secretary to the Sanggunian Bayan noon ng Munisipyo ng Kidapawan. (Williamor A. Magbanua)