PLANONG MAGBUO ng ‘Green Brigade” ng City Government sa dalawampu at siyam na barangay ng lungsod.
October 24, 2018 ng pangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang dayalogo sa mga indigenous people ng Barangay Perez para sa planong pagbuo ng Green Brigade.
Sa ilalim nito ay tuturuan ng mga otoridad ang mga residente na ipatupad ang ilang environmental laws laban sa mga violators nito, matiyak na hindi basta-basta pinuputol ang mga puno at malinis ang water sources, mabigyan ng angkop na kaalaman sa usapin ng Disaster Risk Reduction, at magkaroon ng kabuhayan ang mga miyembro sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga cash crops sa mga lugar na pinapayagan ng Department of Environment and Natural Resources.
Nais ng alkalde na magbuo nito upang ibayo pang maprotektahan ang water shed areas at natural resources ng tinatarget na mga barangay.
Mas mainam na unang mabuo ang Green Brigade sa barangay Perez lalo pa at dito matatagpuan ang pinakamalaking water shed area ng Kidapawan City na siya namang source ng maiinom na tubig ng mga mamamayan, ayon pa kay Mayor Evangelista.
Katuwang ng City LGU sa pinaplanong green brigades ang Barangay Council, Tribal Council, DENR at ang City PNP.
Photo Caption – Green Brigades planong buo-in ng City Government: Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang dayalogo sa mga indigenous people ng Barangay Perez October 24, 2018. Nais ng alkalde na makabu-o ng green brigades sa 29 barangay bilang pamamaraaan sa ibayong proteksyon ng kalikasan at likas na yaman.(CIO Photo)
Please be informed that all transactions with the National Bureau of Investigation Satellite Office in Kidapawan City are all temporarily suspended as of October 19, 2018.
This is due to the agency’s computer system server breakdown incurred at present.
All transactions will resume once NBI Kidapawan City computer system server is restored.
Thank you.
BINIGYAN ng tulong pinansyal ng City LGU ang apat na mag-aaral mula sa public schools na naaksidente kamakailan lang.
Personal na inabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang tulong bahagi ng insurance ng mga estudyante sa public schools.
Kinilala ang apat na sina Kietline Asumbrado ng Kalasuyan Elementary School; Joarcel Celis ng Paco NHS; Sheikhah Undong ng Patadon ES at Richard Alayon ng Spottswood NHS.
Death Assistance Benefit na nagkakahalaga ng P22,500 ang natanggap ng pamilya ni Undong matapos siyang matuklaw ng cobra at mamatay noong August 28, 2018.
Tig P2,500 naman ang tinanggap nina Celis, Asumbrado at Alayon matapos silang masangkot sa aksidente.
Naaksidente sa daan sina Celis at Asumbrado samantalang nagkaroon ng komplikasyon si Alayon matapos makagat ng putakti habang tumutulong sa kanyang ama sa pag-aani ng rambutan.
Gumaling at kapwa nakabalik na sa pag-aaral sina Celis at Alayon samantalang nagpapatuloy naman ang Physical Therapy ni Asumbrado.
Magbibigay naman ng dagdag na tulong si Mayor Evangelista sa kanyang magulang para sa kanyang paggaling ng makabalik na sa eskwelahan.
Sa halagang P20 ay makakaseguro na ng ayuda ang bawat mag-aaral na naka enrol sa public school kung sakaling sila ay maaksidente.
P10 dito ay magmumula sa fund raising activity ng eskwelahan at ang isa pang P10 ay mula naman sa Ciy Government.
Insurance provider ay ang Climbs Life and General Insurance Cooperative na kapartner din ng City LGU para naman sa insurance ng tricycle drivers.
Kasama ni Mayor Evangelista sa pagbibigay ng ayuda si Ms. Crizel Marie Naranjo na kawani ng Climbs Life Insurance Coop October 17, 2018 sa mismong Tanggapan ng Alkalde sa City Hall. (CIO/LKOasay)
Photo caption – INSURANCE CLAIM NG BATANG NAAKSIDENTE BINIGAY NA: P22,500 na Death Assistance Calim ang iniabot nina City Mayor Joseph Evangelista at ni Ms. Crizel Naranjo sa mga magulang ni Sheikhah Undong October 19, 2018. Si Undong ay natuklaw ng cobra at namatay noong August 28, 2018. Sa halagang P20 na insurance ay makasesegurong may tulong ang bawat mag-aaral sa public school sa panahon na sila ay maa-aksidente.(CIO Photo)
OPISYAL NG INILABAS NG City Comelec ang listahan ng lahat ng tatakbong opisyal sa lungsod pagsapit ng May 13, 2019 Mid Term Elections.
As of 5PM October 17, 2018, apat na Mayor, Tatlong Bise Mayor at dalawampu at siyam na City Councilors ang kabilang sa opisyal na listahan ng City Comelec na nagsumite ng kanilang mga Certificates of Candidacies.
Bagamat opisyal na ang listahan, maari pa ring magpalit ng kandidato ang Partido pagsapit ng November 30, 2018 basta’t kamag-anak ito at parehas ng apelyido, ayon na rin sa Comelec.
Kabilang sa opisyal na listahan ng City Comelec ang mga sumusunod: Mayor – Joseph Evangelista (Nacionalista Party) , Bernardo Piñol Jr.( PDP Laban); Meñoza, Hilario (Kilusang Bagong Lipunan); Aznar,Eligio Jr.(Ind).
Vice Mayor: Bombeo, Jivy Roe(NP); Palmones, Francis Jr.(PDP Laban); at Baynosa, Noel(Ind).
City Councilors: Dizon, Aljo Cris (NP); Gantuangco, Edgar(Ind); Malaluan, Marites(NP); Lonzaga, Gregorio(NP); Amador, Junares John(NP); Victoria, Cromwell(NP); Agamon, Carlo(NP); Manar, Marilou(NP); Dayao, Rex(NP); Lamata, Melvin, Jr.(NP); Suelan; Gasbamel Rey(NP); Remitio; Enrico Vicente(Ind); Salac, Peter(PDP); Omandac, Roberto Jr.(PDP); Angeles, Karl James(PDP); Anima, Ruel(PDP); Sungcad, Renan Moises(PDP); Sibug, Jason Roy(PDP); Padilla-Sison, Ruby(PDP); Villarico, Mark Anthony(PDP); Mundog, Oscar; Espejo, Januario Jr; ,Mondejar, John; Taynan, Lauro Jr; Manon-og, Ramon(PFP); Batingkay, Armando(PFP); Pagal, Airene Claire; Cabiles, Rodolfo Jr; at Himulatan, Salvador.
Magsisimula ang campaign period sa March 30, 2019 hanggang May 11, 2019.
January 13, 2019 hanggang June 12, 2019 ang election period kung saan ipagbabawal na ang mga appointments ng mga kawani at pagpapatupad ng proyekto sa gobyerno.
June 12, 2019 naman ang deadline sa pagsusumite ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE ng lahat ng mga kumandidato.(CIO/LKOasay)
SINAGOT ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagba-byahe pauwi sa mga labi ng isang inmate mula sa lungsod na matagal ng nakapiit sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Buong pasasalamat ang ipinaparating ng pamilya ng inmate na nakilalang si Castro Calihanan na taga Amas Kidapawan City sa alkalde sa agarang tulong na binigay nito upang mai-uwi at mahimlay sa Kidapawan City ang kanyang mga labi.
“ Usa ra dyud ka text si Mayor Evangelista nga nitubag dayon sa among problema sa pagpahiluna sa akoang igsoon. Utang kabubut-on namo ni sa iya”, wika pa ni Mrs. Lyna Pinantao na nakababatang kapatid ni Calihanan na siyang sumundo sa mga labi nito pauwi sa Kidapawan City.
October 6, 2018 na tumawag ang taga National Bilibid Prison kay Mrs. Pinantao na nagsabing patay na nga ang kanyang kapatid.
Agad siyang nagtext kay Mayor Evangelista na mabilis namang sinagot ng alkalde.
Sinagot ni Mayor Evangelista ang kanyang pamasahe at allowances palipad ng Maynila upang kunin ang labi ng kanyang kuya.
Nakipag ugnayan din ang alkalde sa pamunuan ng Philippine Air Force upang maikarga sa kanilang C 130 Cargo Plane ang labi ni Calihanan para maihatid sa Awang Airport sa Cotabato City.
Mula Awang Airport ay sinundo ng sasakyan ng Wood Haven Chapel na kinontrata ni Mayor Evangelista ang mga labi ng inmate.
Ni Piso ay walang ginastos sa pagba-byahe sa labi ng kanyang kuya pauwi, ayon pa kay Mrs. Pinantao.
Labinwalong taong nakulong sa National Penitentiary si Calihanan na nasakdal sa kasong murder noong 2001.
Namatay ang kanyang maybahay matapos ibaba ng korte ang hatol noong panahong ding iyon.
Dahil sa kabaitang kanyang ipinakita doon ay lalaya na sana siya sa susunod na taon ngunit nagkasakit ng pneumonia at sumakabilang noong October 6, paliwanag pa ng kanyang kapatid.
Nakalatag na ngayon ang mga labi sa tahanan ng kanyang kapatid sa Barangay Birada Kidapawan City.
Siya ay kabilang sa mga indigenous people ayon na rin sa mga namumuno sa Office of the Deputy Mayor for IP’s.(CIO/LKOasay)
Barangay Sumbac
Ang “SUMBAK” ay isang manobong salita na ang ibig sabihin ay, “sumali at magtipon”.
Noong Setyembre 1945, ang 5 grupo ng pamilyang galing ng Bohol ay naghawan ng lugar at doon na tumira. Sila ay ang mga pamilyang Sagusay, Barreto, Sugala, at Dano.
Noon ay sitio ng baryo Kalaisan ang Sumbak subalit ito ay opisyal na itinatag bilang ganap na baryo sa bisa ng resolusyon bilang 50, serye 1950. ang mga Boholano ay nagpasyang tawaging Pres. Carlos P. Garcia bilang parangal, subalit tumutol ang mga katutubo na halos karamihang mamamayan ng lugar na “SUMBAK” upang masilbing indikasyon na ang lugar ay nagtitipon katulad ng ilog ng Lika at Sapa ng Latian.
Si G. Lucio Roa ang unang naging unang Tenyente del Baryo ng Sumbac.
Lupang Sakop: 562.8
Distansiya mula sa Kidapawan: 12 km.
Barangay Singao
Hinango ang kanyang ngalan mula sa isang malaking guwang na kilala bilang “Singaw”, ang pinagmumulan ng tubig ay mula sa sapa na ang ngalan ay “SINGKATO” sa bandang itaas ng Nuangan. Ang Singao ay dating sitio ng baryo saguing na isang baryo ng Kidapawan noon bago nahati ang subdibisyon ng Makilala mula sa Kidapawan, na kung saan ang hangganan ay ang ilog ng Saguing.
Ang mga unang residente ay mga pamilya ng Burcao, Remorosa, Timtim, Pamerio. Ang unang hinirang na Tenyente del Baryo ay si G. Martin Burcao, isang netibo mula sa Mountain Province. Ang Singao ay naging ganap na baryo sa bisa ng Atas Tagapagpaganap bilang 82 serye 1947.
Lupang Sakop: 1246.8
Distansiya mula sa Kidapawan: 5 km.
Barangay Sudapin
Ang sudapin ay dating sitio “Old Townsite” (ngayon a Manongol).
Noong ang isang Paaralang Primarya ng Manongol, ang mga residente ng sitio Manongol (ngayon ay Sudapin) ay nagpasimulang magpitisyon sa konseho ng munisiyo para sa patatatag ng bagong baryo. Si G. Celso Melodias ay dating Tenyente del Baryo ng “Old Townsite” at G. Amado Pinantao na isa sa mga konsehal at residente ng Sitio Sudapin.
Sa dahilang ang sitio ay may mahigit na 50 ulo ng pamlya na isa sa mga kakailanganin bago itatag ang isang baryo ang sitio ay ganap na humiwalay sa dating “Old Townsite” at ang unang Tenyente del Baryo ay si G. Amado Pinantao.
Ang pangalang “Sudapin” ay kinuha sa 3 prominenteng Datu na residente ng sitio na ang ngalan ay: SUMIN, DALLY at PINANTAO.
Lupang Sakop: 660
Distansiya mula sa Kidapawan: 4 km.
Barangay Sikitan
Ito ay isinunod sa pangalan ni Datu Sikitan na namuno sa nakararaming tribu ng lugar. ang mga lugar ay okupado ng mga Manobo, Bagobo at Muslim. Ang Sikitan ay pinaniniwalaang unang baryo ng San Isidro, New Cebu, Sto. Niño at Katipunan. Ang mga kristiyanong mula sa Cebu, Panay at ilang namula sa Western Visayas ay nag-pasimulang dumating noong 1935. Bumili sila ng mga lupa sa mgakatutubo. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa bisa ng resolusyon bilang 50.
Lupang Sakop: 521.2
Distansiya mula sa Kidapawan: 12 km.
Barangay Sibawan
Paboritong tagpuan ng mga katutubo mula sa magkakalapit na munisipyo upang maglaro ng “Sibaw”. Nitong huli ay tinawag nilang SIBAWAN, lugar na kung saan nilalaro ang “SIBAW”. Sa bisa ng atas tagapagpaganap bilang 82. Si Datu Basiao Manay at ang kanyang kapatid na si Arturo ang mga kinikilalang lider.
Luoang Sakop: 730.4
Distansiya mula sa Kidapawan: 8 km.