Author: Ian Famulagan

You are here: Home

[tfg_social_share]


Barangay Luvimin

 

Akronim na hango mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Naging regular na baryo noong 1947.

 

Lupang Sakop: 400.8

Distansiya mula sa Kidapawan: 7 km.

thumb image

PUMAYAG mismo ang Legal Office ng Department of the Interior and Local Government na bigyan ng P1,500 na honorarium ang mga bagong opisyal ng Sangguniang Kabataan sa lungsod.

Paliwanag ito ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga bagong halal na opisyal ng Barangay na sumasailalim sa training on good governance sa kasalukuyan.

Sinabi ng DILG Legal na hindi nakasaad sa Local Government Code of 1991 na ipagbawal ang pagbibigay ng honorarium sa mga SK, paliwanag pa ng alkalde sa mga opisyal ng Barangay.

Personal na dumulog si Mayor Evangelista sa National Office ng DILG sa National Capital Region upang ilapit ang nabanggit na suliranin sa pagbibigay ng honorarium sa mga kabataang opisyal.

Nagbunga ito ng positibong aksyon mula sa City Government na maglaan ng pondo upang maibigay ang P1,500 na honorarium ng lahat ng SK officials kamakailan lang.

Idinahilan din ni Mayor Evangelista na kailangan ng mga SK officials ang honorarium sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Bunga nito, plano na rin niyang magbigay ng honorarium para naman sa mga purok leaders sa lungsod.

Hahanapan ni Mayor Evangelista ng paraan kung papaanong maibigay ito sa mga purok leaders pagsapit ng Kapaskuhan.

Makakatulong na ang pinaplanong honorarium upang magampanan ng maayos ng mga purok leaders ang kanilang tungkulin, wika pa ng alkalde. (CIO/LKOasay)

Photo Caption- BNEO/GREAT Training: Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang Basic Orientation for the Newly Elected Officials Towards Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent Barangays – BNEO GREAT kung saan tinuruan ang mga bagong halal na Barangay at SK officials sa tamang pamamalakad ng gobyerno at pagbibigay serbisyo publiko nitong October 9-11, 2018.(CIO Photo)

Barangay Linangkob

 

Ipinangalan sa 3 munting sapa (Kinamalig, Inilacob, at Elpaso), ang mga residente na predominanteng Cebuano at Boholano kinuha nila ito at ginawang isang salita na naging “(LINANGCOB”, na ang ibig sabihin “nagkaisang maging isa.” Ang nagsilbing instrumento sa pagkakatatag nitong baryo ay ang mga sumusunod na pamilya. Bolasa, Anzare, Clodin, Arabelo, Luna, Cagape, at Añabeza. ito ay naging ganap na baryo noong 1947 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 82.

 

Lupang Sakop: 908.4

Distansiya mula sa Kidapawan: 10 km.

Barangay Lanao

 

Noong taong 1935, isang Manobong nagngangalang Datu Siawan, Kasama ang ilang kristiyano ang nag organisa ng baryo Lanao, na matatagpuan tatlong kilometro sa hilaga ng Poblacion. ang lugar na ito ang ginawang panggitnang kalakalan maging noong panahon ng Hapones. Ito’y naging ganap na baryo noong 1959.

 

Lupang Sakop: 758

Distansiya mula sa Kidapawan: 3 km.

Barangay Katipunan

 

Noong 1945, ang katipunan ay nananatili pang sitio sa ilalim ng baryo Binoligan. Ang mga unang nairahan ay sina Pedro Barruela at mga Asiñero. kalaunan, ang mga residente ay nagpitisyon an ang kanilang lugar ay mahiwalay mula sa baryo Binoligan. Ito ay pinagtibay. Pinayuha sila ng dating Kagawad ng Munisipyo na si G. Gil dela Cruz na bigyan ng pangalan ang bagong baryo.

Sa dahilang ang mga residente ay binubuo ng mga Mnobo, Muslim, Boholanon, Ilongo, Cebuano, at Waray, napagkasunduan na ang ipangalan ay “KATIPUNAN” na ang kahulugan ay pagtitipon ng iba’t ibang tribu.

si G. Pedro Barruela ang kauna-unahang tenyente del baryo. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 748.8

Distansiya mula sa Kidapawan: 14 km.

 

Barangay Kalasuyan

 

Noong Agosto 1, 1969, ang mga mamamayan sa kalasuyan ay nagpetisyon sa Municipal Council ng Kidapawan na gawing baryo ang kanilang lugar.

si Atty. Wilfredo Jalipa Aproniano Borja ay pumunta sa sesyon ng konseho at naghain ng pitisyon. Noong Agosto 5, 1969, ang konseho at naghain ng pitisyon. Noong Agosto 5, 1969, ang konseho ng munisipyo at alkalde Emma B. Gadi ay siyang nag-apruba upang gawing ganap na baryo ang sitio Kalasuyan sa pamamagitan ng resolusyon bilang 89 serye ng 1969.

Noong Marso 11, 1970, ang Provincial Board ng Cotabato na ang opisina ay sa Pagalungan, pinagtibay ang resolusyon bilang 96 sa tulong ni bise Gobernador Alfonso Angeles, Sr. ang mga naninirahan sa mga lugar karamihan ay Bisaya na may halong Manobo, Muslim at mga galing sa Luzon.

 

Lupang Sakop: 561.2

Distansiya mula sa Kidapawan: 4 km.

Barangay Kalaisan

 

Ang baryo kalaisan ay nakasanayang tawaging sitio ng Singao ay naitatag sa pangunguna ni G. Faustino Achas, Pedro Sarong at ilang prominenteng residente sa lokalidad. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa papamagitan ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 801.2

Distansiya mula sa Kidapawan: 7 km.

Barangay Junction

 

Ang mga Ilocano, Boholano, Cebuano at Leyteño ay mga unang nairahan sa lugar na dating pinamumunuan noong unang panahon ng isang kilalang Datu na kilala bilang Datu Sumin. Dahil sa ang lugar au puwedeng lusutan ang lahat ng direksyon, and mga nakatira ay tinawag nila ang lugar na Junction. Ito ay naging ganao na baryo noong 1959 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 1472

Distansya mula sa Kidapawan: 9 km.

Barangay Indangan

 

Nakuha ng baryo Indangan ang kanyang pangalan mula sa salitang “INDANG” na itinutugma sa isang malaking kahoy-gubat, pagkatapos na madaiti ang balat sa dahon, ito ay nakakaramdam ng pangangati sa buong katawan.

Noong unang panahon, kung ang mga tao ay di-makaalam sa direksiyon, ginagawa nilang palatandaan ang kahoy, tinatanong sila kung saan sila nakatira? Kung saan ang kanilang bahay? Saan sila pupunta? Saan ang kanilang lupa?

Sinasagot sila na doon sa “Indang”, na ang kahulugan ay nasa malapit sa kilalang malaking kakhoy sa Indang. Sa pagkalipas ng mahabang panahon, ito ay naging kasanayan na nang mga tao na sa kalaunan tinawag itong “INDANGAN”.

Tinatayang noong 1940, ito ay tirahan ng mga Manobo. Binubuo nila ang kanilang sarili katulad ng isang baryo at naglagay ng unang tenyente del baryo sa katauhan ni Simbahan Buned, isang bagobo. Si G. Serafin panes, isang Zambaleño, ang kanyang pangalawa, noong taong 1954, ang Makilala ay hiwalay bilang munisipiyo na ang hangganan ay ang ilog Saguing. Ang mga pinuno noon ng grupong Bagobo ay sina Onggok, Ogot, Buned at makalunang. Tinatawag nila  ang kanilangsarili katulad ng isang baryo at naglagay ng unang tenyente del baryo sa katauhan ni Simbahan Buned bilang tenyente del baryo.

Ang mga mamamayan ng Lower Indangan ay halos bagobo rin, na pinamumunuan nina Pandayan Amas, Layunan Sinbok, Adas Ambi, Sinwan Maway at Atig Landas, ns binuo ang kanilang mga sarili bilang isng sito na tinatawag nilang lower Indangan.

Ito ay naging ganap na baryo sa pamamagitan ng Atas Tagapagganap bilang 82 serye ng 1947.

 

Lupang Sakop: 384

Distansiya mula sa Kidapawan: 8.5 km.

 

Barangay Ilomavis

 

Ang baryo ng Ginatilan ay ipinangalan sa mga sinaunang mamamayan na tumira sa lugar na kinabibilangan ng mga Ilocano, Manobo, at Visaya, Kilala bilang “Upper Ginatilan.” kabilang sa mga unang nanirahan ay mga pamilya ni Datu Umag Serano at pamilyang Baltar. Ang Ilomavis ay dating sitio ng baryo Ginatilan noong si G. priscilo Padua, ang kasalukuyang barangay captain na ibinoto bilang barangay kagawad ng baryo Ginatilan, ang nagpahayag sa mga tao na gawing regular na baryo ang lugar.

Sa kabila nang politikal na interbensyon ng unang administrasyon, napagtagumpayan ni G. Priscilo Padua na maitatag at maging ganap na baryo ang Ilomavis. Sa kabutihang palad, ito ay naging ganap na baryo sa ilalim ng resolusyon bilang 33 serye ng 1970. ang kauna-unahang tenyente del baryo ay si G. Priscilo Padua.

 

Lupang Sakop: 2,724.4

Distansya mula Kidapawan: 21 km.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio