Author: Ian Famulagan

You are here: Home

[tfg_social_share]


Barangay Ginatilan

 

Sa kanlurang bahagi ng magiting na Bundok Apo, ilang kilometro mula sa paanan nito nakalatag ang isang baryo na tila nadadamitan ng berde. Ito ay may nakakahalinang lamig ng klima. ito rin ay napagkalooban ng bulkanikong lupa na natatamnan ng mayamang produktong agrikultura at mga punongkahoy. Ang hangganan nito ay dalawang ilog. Sa bungad ng ilog marbel at sa tiog ay ang ilog ng matingao.

Ang pangalang “Ginatilan ay ayon sa mga unang manobo na nakatira sa lugar ay hango mula sa salitang “gintian” na ang ibig sabihin ay “handang tanggapin ang makapangyarihang tuntunin ng pamahalaan.” Sa panahong iyon ang mga Manobo dito ay mga ignorante at hindi sibilisado anupa’t umiilag sila at ayaw pailalim sa pamahalaan lalo na ang makiisa sa mga kristiyano. Dapatwat,  sa ilali ng liderato ng isang, Datu Lizada Panday, ang mga manobo ay nagbigay ng paggalang at katapatan sa pamahalaan noong 1942.

Ang ikalawang paniniwala na pinaniniwalaan kung paano nakuha ng Ginatilan ang kanyang pangalan ay noong pumasok ang mga unang nanirahang Kristiyano sa lugar. Noong mga unang taon, ang mga komplekto ng lugar sa pagitan ng mga kristiyano at mga manobo dahil sa mga hangganan, ito’y nakarating sa tanggapan ng gobernador ng imperyo ng Cotabato, na si dating Gobernador, Datu Udtog Matalam,  ay nagpadala kay Major Froilan Matas, isa sa mga deputante ng gobernador upang mag imbestiga at mag-resolba sa problema ng lupa ng lugar. Sa kabutihang palad, naisaayos niya ang mga problemang ito, at bilang alaala sa kanyang di-matatawarang ginawa, iminungkahi niya sa mga tao na pangalanan ang lugar na Ginatilan dahil sa Ginatilan, Cebu siya ipinanganak, subalit, itong pangalawang paniniwala ay di-pinahintulutan ni Datu Bulatukan, ang pinakamatandang buhay na lider na tagapagtatag ng baryo Ginatilan.

Noong 1947, ang Ginatilan ay naging ganap na baryo at sa panahong iyon ang pinakamataas na opisyal nang lugar ay tinatawag na tenyente del baryo, sa kabila ng matatag na liderato ng lugar sa ilalim ng mga katutubo. Si Datu Agad Arsam ang naging kauna-unahang tenyente del baryo. Noong taong 1948, naipatayo ang paaralang Primarya, at ang mga unang naging guro ay sina G. at Gng, Pedro Galonzo. Ang Ginatilan ay naging ganap na baryo sa pamamagitan ng kautusang tagapagpaganap bilang 82 serye ng 1947.

 

Lupang Sakop: 53

Distansiya mula sa Kidapawan: 17 km.

Barangay Gayola

 

“Gayola” ay isang akronim mula sa Gayotin at Lagutin sa karangalan ng mga unang nanirahan na mula sa kanlurang bahagi ng Visayas. Ito ay naging regular na baryo noong 1955 sa bisa ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 605.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 17 km.

Barangay Binoligan

 

Ang “BINOLIGAN” ay hango sa salitang Bisaya na “MAGBINOLINGAY” na ang kahulugan ay magtulong-tulong at makiisa sa bawat-isa. Ang mga unang kristiyanong naieahan salugar ay ang mga pamilyang tulad ng Sungcag, Ramos, Espero, Salimorin, Teposo, Cuyno, Guboc, at Valladares. Ang ilan pa sa kanila ay mga Madayag, Obregon, at angkan ng Bongacales.

Bilang Sitio ng baryo Amas, ang mga nainirahan ay may mga lupaing naka-rehistro sa Amas noong 1920. Ito ay sa pagsisikap nina G. Espero at Ramos na naghandog ng dalawang ektarya sa bawat lupang kanilang pag-aari para sa unang paaralang elementarya na itatayo. Ang unang Punong Barangay ay si Gng. Felis Espero. Ito ay naging regular na baryo noong 1959 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 1,121.2

Distansiya mula sa Kidapawan: 10 km.

Barangay Birada

 

Ang pangalan nito ay hango sa pangalan ng isang nitibong manobo na “Bira”, na nakilalabilang Datu na lider noong unang panaho. “Ang ibig ipakahulugan ng “Bira” ay isang lalaking malakas at experto sa paghimulmol (stripping) ng abaca upang gawing pibero. Upang maging makahulugan, sng mgs nitibo ay nagdagdag ng hulapi “DA” sa “BIRA” na ang ibig sabihin ay adaling hilahin.

Ang lugar na ito ay dating sitio ng Barangay Manongol. Noong 1953, it ay ginawang barangay sa tulong ng mga mamamayan ng pook. Ang unang naging Tenyente del Baryo ay si Datu Mamay Maangue, isang nitibo sa lugar Naging ganap na baryo noong 1953.

 

Lupang Sakop: 643.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 8.7 km.

Barangay Balindog

 

Noong June 10, 1959 and baryo Balindog ay naitatag sa bisa ng Municipal Resolution bilang 50 na pinangunahan nina sanggunian bayan Gbriel Manuel at Aquino Bayot at inaprubahan n Dating Alkalde orenzo Saniel. Ang unang pangalan nto ay “ILOCEBOLETA” – isang akronim na nagpapakilala sa mga nainirahan sa lugar na ang karamihn ay Ilocano, Ilongo, Cebuano, Leyteño at Tagalog. Subalit ang pangalan ay hindi nagtagal. Ito ay pinalitan ng Balindog sa karangalan ng magkapangyarihang Datu na si Datu Balindog. Naging ganap na baryo ito noong 1959.

 

Lupang Sakop: 598.8

Distansiya mula sa Kidapawan: 5 km.

Barangay Balabag

 

Ang baryo ng Balabag ay matatagpuan sa paanan ng isang konsiderableng lawak na may taas na nag-krus sa bulubunduking bahagi ng Bundok Apo at mayroong guwang sa gilid na bahagi ng burol na tinatawaag ng mga katutubo na balabag. Ang literal na kahulugan ng balabag ay hadlang sa Filipino.

Ang mga unang nairahan sa lugar ay mga Adang, at Bancas at sinusundn ng ilang kristiyano.  ito a naging ganap na baryo sa pamamagitan ng Provincial Board Resolution bilang 580 serye ng 1996. Ang unang naging Tenyente del Baryo ay si Romualdo Castillo, Sr.

 

Lupang Sakop: 815.20

Distansiya mula sa Kidapawan: 12.6 km

Barangay Amazion

 

Noong 1948, si Maximo Guibiernas, isang pilantropo katulad ng parehng tagapagtatag ng Philippines Crusader World Army Mission (Hilario Camino Moncado – tagapagtatag), isang panrelihiyong grupo, pumunta rito sa bahaging bulubunduking lugar. Naniniwala siyang ang lugar ay isang Zion, isang banal na pook na nabanggit sa bibliya.

Dahil sa kanyang paniniwala, pinagsabihan niya ang kanyang mga tagasunod na sumama sa kanya at manirahan sa lugar. Ginawa nila ito at nagpatayo ng bahay upang panahanan. Gayundin, nagpatayo sila ng bahay-sabahan sa malapit. Sa tuwing sila ay nag-uusap, parati niyang binabanggit siya ang kanilang Ama; ang kanilang Ama at ang bagong lugar ay Zion, kalaunan, tinawag ng mga mamamayan ang lugar bilang Ama-Zion.

ang kauna-unahang Tenyente del Baryo, sa makatuwid ay si G. Maximo Guibiernas. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 1,180

Distansiya mula sa Kidapawan: 15 km

 

Barangay Amas

 

Ang barangay Amas ay ipinangalan kay Datu Amas, anak ni Datu Dumali na namuno sa maraming populasyon sa lugar ng Kidapawan sa panahong iyon.

Si Datu Amas ayisang lalaking mahilig sa paliliwaliw. Minsan sa kanyang ginawang paglalakad, nakatagpo siya ng kakaibang barayti ng saging na kung saan ito ay matamis at nakapagpasyang dalhin ito sa kanyang lugar. Ang saging ay hinati-hati ng mga naninirahan at ito’y sabay nilang itinanim. Noong si Datu si Datu Amas ay namatay, and lugar, at gayundin ang saging, ay ipinangalan sa butihing Datu.

Ang ilang unang kristiyanong tumira sa lugar ng Amas ay ang mga pamilyang Gayotin, Guadalupe, Andico, Calubiran, Bernabe, Braga, Cipriano, Madayag, Baldove, at marami pang iba, na naghawan sa mga dawagan at malalking punongkahoy. Ang Amas ay naging regular na baryo sa pamamagitan ng resolusyon bilang 97, ordinansa bilang 34, serye ng 1964. Katulad ng inaasahan, si G. Jesus Gayoin, bilang isa sa mga aktibong naninirahan at lider sa lugar, ay hinirang bilang unang Tenyente del Baryo, ng District Municipal Mayor noong 1945.

 

Lupang Sakop: 2,075.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 14 km

thumb image

 

GIILA isip Outstanding Bridging Leader in Public Health si Mayor Joseph A. Evangelista, sa gipahigayon nga awarding sa Department of health sa General Santos City.

Dungan sa maong pasidungog mao usab ang pagmadaugon sa Kidapawan isip RED ORCHID HALL OF FAME AWARDEE.

Giila ang Kidapawan City human sa hugot nga pag implementar niini sa pagdili sa pag panigarilyo sa mga publikong lugar ug ang pagpang dakop sa mga nisupak sa No Smoking Ordinance.

Kahinumduman nga gimando ni Mayor Joseph Evangelista ang hingpit nga pagpatuman sa pagdili sa pagpanigarilyo sa mga publikong lugar sama sa merkado, eskuwelahan ug mga public terminals.

Sa pikas bahin dungag nga pasidungog alang sa hisgutanang panglawas ang nadawat sa Kidapawan City.

Gipasidungan isip Outstanding Bridging Leader in Public Health si Mayor Joseph A. Evangelista, nga gihatag Zuellig Family Foundation.

Ang Zuellig Family Foundation, usa ka International Health Development advocates, asa nakatutok kini sa implementasyon sa hisgutanang panglawas sa matag LGU.

Ang padayon nga implementasyon sa nagkalain-laing programa sa panglawas maoy nahimong giya sa Zuellig, aron pasidungan ang Kidapawan City LGU.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio