Author: Ian Famulagan

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 24, 2022) โ€“ SA kauna-unahang pagkakataon ay binuksan ang isang Child Care Center o CCC sa Lungsod ng Kidapawan na pinangangasiwaan ng mga Overseas Filipino Worker o OFWs.

Bandang alas-nuwebe ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, August 24, 2022 ay ginawa ang launching at formal opening ng Child Care Center (4th Block Lopez Street, Barangay Poblacion) sa pangunguna ni Ira Vallinte, Presidente ng Migrant Workers and Family Association at siyang Administrator ng naturang pasilidad.

Ayon kay Vallente, sama-samang itinayo ng mga OFWs sa lungsod ang CCC mula sa kanilang sariling pondo kung saan nagbigay ang bawat miyembro ng P1,000 bilang share capital.

Pinasalamatan ni Vallinte ang mga member-OFWs at shareholders at kinilala ang kanilang pagsisikap na maitayo ang CCC para paglagakan ng mga bata habang abala ang mga magulang.

Mga toddlers o mga batang 1 to 4 years old ang maaaring ihabilin sa CCC. Kailangan lamang magpa register ang mga magulang sa halagang P250 (registration fee) at P200 para sa pagbabantay sa mga bat amula 8 AM โ€“ 5 PM.

Ikinatuwa naman ni Public OFW Desk Office o PODO officer Aida Labina ang pagkakaroon ng CCC sa lungsod dahil maliban sa nakakatulong ito sa pangangalaga ng mga bata ay nagsisilbi rin itong income generating at livelihood project ng mga OFWs.

Dumalo at nakiisa din sa aktibidad sina Kidapawan City Councilors Judith Navarra at Rosheil Gantuangco-Zoreta, Barangay Poblacion Kagawad Melvin Lamata III at Aida Labina, Public OFW Desk Office o PODO/Officer Kidapawan na nagbigay ng kani-kanilang mensahe. (CIO-jscj/if/vb)

thumb image

MGA FRONTLINERS SUMASAILALIM SA 4-DAY HEMS TRAINING; HEMS OPERATION CENTER LAYONG MAITATAG SA LUNGSOD

KIDAPAWAN CITY (August 23, 2022) โ€“ SUMASAILALIM ngayon sa apat na araw na pagsasanay ang mga personnel ng City Government of Kidapawan na nagsisilbi bilang mga frontliners sa health emergency response.

Ito ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ ๐™€๐™ข๐™š๐™ง๐™œ๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ฎ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™Ž๐™ฎ๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ข ๐™ค ๐™ƒ๐™€๐™ˆ๐™Ž ๐˜พ๐™ค๐™–๐™˜๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ para sa mga frontliners na kabila sa City Disaster Risk Reduction and Management Office responders, 911 emergency rfesponse, City Health Office and Human Resource for Health, City Health Hospital at maging mga midwives na nakatalaga sa ibaโ€™t-ibang barangay ng Kidapawan City.

Ginaganap ito ngayon sa City Convention Center mula August 23-26, 2022.

Ayon kay City Health Officer Dr. Jocelyn Encienzo, layon ng training na madagdagan pa ang kaalaman ng mga frontliners pagdating sa komunikasyon, koordinasyon at pagtugon sa mga health emergencies na matinding nakakaapekto sa komunidad.

Nakapaloob din sa layunin ng training pagsasanay ang pagpapalakas ng response ng City Government of Kidapawan sa mga krisis pangkalusugan at mga health emergency tulad ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng mga frontliners, sinabi din ni Dr. Encienzo.

Lahat ng ito ay mahalaga upang magiging mas mabilis at mas mahusay pa ang mga hakbang na gagawin ng mga frontliners sa mga pangyayaring posibleng maglagay sa panganib sa mamamayan.

Nagmula naman sa Department of Health โ€“ Center for Health and Development o DOH-CHD ang mga resource persons na kinabibilangan nina ๐™๐™š๐™œ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐˜ฟ๐™๐™๐™ˆ-๐™ƒ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ง ๐™‡๐™š๐™ค ๐˜ผ. ๐˜พ๐™๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™œ, ๐™Ž๐™ƒ๐™‹๐™Š ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™ฉ. ๐˜ฟ๐™๐™๐™ˆ-๐™ƒ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ง ๐˜ฟ๐™–๐™ฉ๐™ช ๐˜ผ๐™ก๐™ž ๐™Ž. ๐™Ž๐™–๐™ก๐™ž๐™ , ๐™…๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™๐™–๐™ฃ ๐™‚๐™ค๐™ง๐™ง๐™š, ๐™–๐™ฉ ๐™…๐™ช๐™ก๐™ž๐™š ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฃ ๐™‘. ๐˜ฟ๐™š๐™ก๐™š๐™ก๐™ž๐™จ.Matapos naman ang naturang training ay inaasahang maitatag ang Health Emergency Management System o HEMS Operation Center sa Kidapawan City. (CIO-jscj/jc/vb)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 23, 2022) โ€“ PINALALAKAS pa ngayon ng mga miy888embro ng Balik Pangarap sa Lungsod ng Kidapawan ang kanilang ugnayan at suporta sa bawaโ€™t isa.

Ito ay matapos ang ginawa nilang aktibidad na tinawag na Recovery and Learning Day sa City Convention Center nitong August 22, 2022 na pinangasiwaan ni Joel Aguirre, Focal Person at Coordinator ng Balik Pangarap program.

Sa naturang aktibidad, binigyan ng kaalaman ang mga Person Who used Drugs o PWUD sa kung paano silang tuluyang makakaiwas sa droga at kabilang sa mga paraan ay ang pagpapalakas ng support system sa recovery at pagbabago ng mga gumagamit ng droga.

Naging speaker ng Recovery and Learning Day si Randy Gomito ng Narcotics Anonymous na isang organisasyon ng mga dating nalulong sa illegal drugs ang aktibidad at ngayon ay tuloy-tuloy na sa pagbabagong buhay.

Ayon kay Gomito, mahalaga ang mga kahalintulad na aktibidad upang maging consistent ang takbo ng pagbabago ng mga PWUD at maging abala sila sa mga makabuluhang gawain.

Kabilang sa layunin ng Narcotics Anonymous ay tulungan ang mga nalulong sa droga at sa mga gumagamit nito nais ng magbagong buhay kaya naman nagpapasalamat ang naturang samahan sa Balik Pangarap program, dagdag pa ni Gomito.

Nagmula naman sa ibaโ€™t-ibang barangay ng Lungsod ng Kidapawan ang mga PWUD na lumahok sa Recovery and Learning Day tulad ng Nuangan, Poblacion, Sikitan, San Roque, Katipunan, Mua-an, Kalasuyan, Singao, Sudapin, Balindog, at Perez.

Samantala, anim na taon ang nakalipas mula ng ilungsad ang Balik Pangarap sa Lungsod ng Kidapawan noong 2016 as ilalim ng administrasyon ni dating Mayor at ngayon ay Senior Board Member Joseph A. Evangelista at ipinagpatuloy ng kasalukuyang alkalde na si Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang mga programa ng Balik Pangarap.

Marami ng mga PWUD ang natulungan ng Balik-Pangarap na makapagbagong-buhay at naging mas produktibo sila sa kani-kanilang komunidad. (CIO-jscj/if/vb)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 18, 2022) โ€“ TATLONG mga road concreting projects sa Lungsod ng Kidapawan ang sumailalim sa groundbreaking ceremony ngayong araw na ito ng Biyernes, August 19, 2022.

Kinabibilangan ito ng boundary ng Barangay Balabag-Meohao road concreting project, Barangay Ginatilan road concreting project, at Barangay Perez concreting project kung saan nanguna sa groundbreaking si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.

Abot sa 127 meters ang haba ng boundary Balabag-Meohao road project at nagkakahalaga ng P1,645,363.92, 150 meters ang Barangay Ginatilan at nagkakahalaga ng P2.1M, at ang Barangay Perez naman ay may haba na 835 meters at nagkakahalaga P9,074,458.70.

Agad ding sisimulan ang konstruksyon ng mga nabanggit na kalsada ngayon linggong ito at inaasahang matatapos sa buwan ng Oktubre, 2022

Mula sa 20% Economic Development Fund o EDF ng 2022 ang pondong ginamit sa mga nabanggit na road concreting projects.

Kaugnay, nito sinabi ni Mayor Evangelista na ang perang ginamit sa mga proyektong ito ay mula sa buwis na binabayaran ngmga mamamayan kayaโ€™t nararapat lamang na maibalik ito sa kanila sa pamamagitan ng mga makabuluhang proyekto.

โ€œTinitiyak ng aking liderato na ang buwis na mula sa inyong dugo at pawis ay hindi masasayang bagkus ito ay tunay na mapapakinabangan ng mga Kidapawenoโ€, sinabi ng alkalde.

Bilang tugon, ipinaabot ng mga Punong Barangay nasina Eduardo Umpan (Balabag), Arlene Cabacungan (Ginatilan), at Jabert  Hordista (Perez) ang kanilang psasalamat sa City Government of Kidapawan dahil sa pamamagitan ng mga road concreting projects ay mas magiging masigla ang kanilang ekonomiya at mapapaangat ang antas ng pamumuhay ng mga residente sa lugar. (CIO-jscj/if/vg)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 18, 2022) โ€“ MASAYA at nagkakaisang ipinagdiwang ng Lungsod ng Kidapawan ang ika-75 taong pagkakatatag nito bilang munisipyo ng Lalawigan ng Cotabato ngayong araw na ito ng Huwebes, August 18, 2022 (Special Non-Working Holiday).

Nagsimula ang aktibidad dakong 6:30 ng umaga sa pamamagitan ng isang Civic-Military Parade na may temang Colors of Mindanao.

Nanguna sa parada si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kasama ang iba pang mga opisyal ng Lungsod ng Kidapawan kabilang sina Vice-Mayor Melvin Lamata, Jr. mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan, mga empleyado, government offices at line-agencies, peopleโ€™s organizations, business, academe, at iba pang sektor.

Sumunod naman ang programa para sa 75th Foundation Anniversary ng Kidapawan sa loob ng City Gym alas-9 ng umaga.

Nagbigay ng kanyang audio-visual message si Department and Budget and Management Sec. Amenah F. Pangandaman kung saan pinuri niya ang pagsisikap ng City Government of Kidapawan at mamamayan nito na maipagdiwang ang anibersaryo sa pamamagitan ng simple ngunit makulay at makabuluhang mga aktibidad.

Sa naturang pagkakataon ay binigyan ng recognition o pagkilala si dating City Mayor at ngayon ay SP Cotabato Senior Board Member Joseph A. Evangelista dahil sa mahabang panahon ng paglilingkod at pagmamahal sa lungsod at sa mga Kidapawenos. 

Naging panauhin din at nagbigay ng kanikanilang mensahe sina Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza at Vice-Governor Efren Pinol.

Ginawa din ang launching ng Commemorative Stamps ng Kidapawan City na kauna-unahan naman sa kasaysayan ng lungsod. Tampok rito ang lake Venado Mt. Apo Natural Park, Paniki Falls Eco-River Park, Kasadya sa Timpupo Fruit Festival at Islands sa Highway ng Kidapawan.

Ginanap din ang pinaka-aantay na Fruit Festival Thematic Street Dancing Competition kung saan apat na contingents ang naglaban at nagpakitang gilas sa street dancing โ€“ The Nymphs of Kidapawan (DepEd/KCNHS – Champion P50,000), Sinagtala (Paco National Hiigh School), Rambo Fairies (Central Mindanao Colleges), at Rainbow Fairies (LGBTQ Community).

Bawat contingent naman ay tumanggap ng tig-P50,000 bilang subsidy mula sa City Government of Kidapawan.

Sinundan ito ng Kainan ng Bayan sa City Plaza kung saan inimbitahan ang mga piling mamamayan mula sa 40 barangay ng Lungsod ng Kidapawan na pagsaluhan ang pagkaing inihanda ng City Government of Kidapawan.

Hindi pa rin nagpahuli ang Fruits Eat All You Can for a Cause sa City Plaza na nasa ika-labing tatlong at huling araw kung saan inihain ang ibaโ€™t-ibang prutas tulad ng duryan, marang, mangoosten, lansones, saging, dragon fruit, kabilang na ang โ€œsinugbang duryanโ€ grilled cheesy durian na kinagigiliwan ng lahat.

At bilang pangwakas o finale, isang fireworks display ang ginanap sa Kidapawan City Pilot Elementary School o KCPES Grounds na sinundan ng isang fire dance show sa City Hall grounds.

Ito naman ay bilang pasasalamat sa lahat ng sektor na nakiisa sa pagdiriwang ng mahalagang okasyon ng lungsod na naging lubos na matagumpay sa kabila ng ibaโ€™t-ibang suliranin at pagsubok tulad ng Covid-19 pandemic, malakas na buhos ng ulan na nagresulta sa flashfloods at iba pang mga hamon.

Kaugnay nito, muling pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang mga Kidapawenos at ang bawat isa na sumuporta sa mga aktibidad ng 75th Foundation Anniversary of Kidapawan – Kasadya sa Timpupo โ€™22 na may temang โ€œNagkakaisaโ€™t Luntiang Kidapawan tungo sa Makulay na Kinabukasanโ€. (CIO-jscj/if/aa/vb/dv/ml)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 16, 2022) โ€“ SINIMULAN na ng City Government of Kidapawan ang paggamit ng mga bagong makinarya para sa pagpapatupad ng Solid Waste Recycling Program.

Ang mga bagong machineries ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 2 units portable multi-purpose shredder, 1 unit plastic melting densifier, 1 unit mixer, at 2 units manual brick molder.

Nagkakahalaga ang naturang mga makinarya ng P1.4M at ang pondo na ginamit sa pagbili ay nagmula sa Office of the City Mayor.

Ang City Environment and Natural Resources Office o CENRO ang mangangasiwa ng mga bagong machineries at naatasan sa pagpapatupad ng programa.

Sa ilalim ng Solid Waste Recycling Program, bibilhin ng City Government of Kidapawan ang mga recyclable wastes tulad ng mga bote, paper styro at used cooking oil mula sa mga partner establishments o mga piling kumpanya sa lungsod.

Ipoproseso naman ito sa pamamagitan ng naturang mga makina at ang resulta nito (melted misture) ay lay ihahalo sa buhangin na gagamitin naman sa paggawa ng bricks.

Sa pamamagitan nito ay makakatipid sa materials na ginagamit sa paggawa ng bricks ngunit hindi naman nakokompromiso ang kalidad ng produkto, ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista.

โ€œMahalaga ang pag-recycle ng mga basura dahil maliban sa nakakatulong ito sa proteksyon ng kalikasan ay maaari pang magamit sa makabuluhang proyekto tulad na lamang ng brick makingโ€ dagdag pa ng alkalde.

Si Mayor Evangelista ang nanguna sa ginawang demonstration at dry run ng mga bagong makinarya kasama ang mga personnel ng CENRO at City Planning and Development Office o CPDO at ang mga representante ng FSK Builders na siyang supplier ng machineries.

Kaugnay nito, hinimok muli ni Mayor Evangelista ang mamamayan na huwag basta-bastang itapon ang mga basurang pwede pang gamitino i-recycle upang mapakinabangan at makatulong sa environmental protection at local economic development. (CIO-jscj/if/aa)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 15, 2022) โ€“ BINUKSAN na ang Kidapawan Cultural Heritage Museum na nagtatampok sa โ€œPusakaโ€ (heirlooms) o mga kagamitang minana ng mga Obo Monuvu sa Lungsod ng Kidapawan.

Ginanap ang launching ng naturang museum ngayong araw ng Lunes, August 15, 2022 ganap naalas-nuebe ng umaga.

Sinimulan ang pagbubukas ng museum sa pamamagitan ng โ€œAhungโ€ o beating of gong na sinundan naman ng ng Pomaas (ritual) ng Obo Monuvu at iba pang mga ritwal ng tribu kaugnay sa binuksang museum tulad ng Kodsavuk to Manuk diyot Kulungan (putting of the Uhis no Manuk on the crate).

Pinangunahan nina Datu Lamberto delfin at Datu Camillo Icdang ang nabanggit na mga ritwal ganundin ang iba pang mga seremonya na nilahukan nina Bo-I Jennifer Sibug, Datu Melchor Bayaan (Museum Curator), Datu Oto Puntas.

Nagbigay naman ng description ng museum at orientation si Karlo Galay David, author ng librong Proclivities: Stories of Kidapawan.

Matatagpuan sa Kidapawan Cultural Heritage Museum ang mga heirlooms tulad ng Ollon (belt) at Kopuan (brass container), Ahung (agong or gong), Lihis (glass pin insulator), Porokuu (ax), Londasan (metal in wood), Pongassu (spear), Mokina no Bililling (sewing machine), Tongkuu (carpet), Ollon woy Kopuan (brass).

Matatagpuan din dito ang Soning (embroidery), Sangngi (dagger), Iklam at Lipi (sheath), Suku/Ngipon to Baansi (magical stones), Kutsara to Opun (spoon), Sinongkabow (large bolo), Soning (sling) at iba pa.

Ang lahat ng ito ay maituturing na bahagi ng kasaysayan ng Lungsod ng Kidapawan partikular na ng tribong Obo Monuvu.

Sa pamamagitan ng Kidapawan Cultural Heritage Museum of mapapangalagaan ang nabanggit na mga kagamitang minana pa sa mga ninuno.

Dumalo sa launching ceremony si City Administrator Janice V. Garcia bilang kinatawan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, at Supervising Tourism Operation Officer Gillan Ray Lozaga, mga City Councilors na sina Judith Navarra, Francis E. Palmones, Jason Roy Sibug, Michael Earving Ablang, at Morga Melodias (ABC Federation President).

Tumugtog naman ng Kulintang at sumayaw ang Kultura Kutawato Dance Ensemble sa naturang pagkakataon. (CIO-jscj/if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 12, 2022) โ€“ SUMAILALIM sa isang makabuluhang pagsasanay ang abot sa 25 na mga kabataang magsasaka sa Kidapawan City.

Ito ay sa pamamagitan ng Binhi ng Pag-asa Program (BPP) on Free Range Native Chicken Production and Feed Formulation na bago lamang ginanap sa University of Kabacan o USM-Kabacan, Cotabato.

Ayon kay City Agriculturist Marissa Aton,layon ng pagsasanay na mabigyan sa sapat na training ang mga kabataang magsasaka sa tamang pag-aalaga ng native chicken ganundin ang paggawa ng pagkain o feeds para sa mga manok.

Sa ilalim ng programa, binibigyan ng mga kasanayan ang mga youth farmers kabilang na ang mga poultry raisers upang mapaunlad pa ang kanilang livelihood o kabuhayan kabilang na ang mga kabataang nais magsimula ng maliit na negosyong manukan.

Nabigyan ang lahat ng business starter kits ang bawat youth farmers o mga partisipante upang magamit sa kanilang negosyo.

Naisagawa ang naturang pagsasanay sa pamamagitan ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute o DA-ATI Region 12 sa pakikipagtulungan ng Office of the City Agriculturist, Provincial Government of Cotabato, at ng tanggapan ni Senator Grace Poe.

Tumanggap din ng Certificate of Completion mula sa DA-ATI12 ang nabanggit na bilang ng mga youth farmers.

Samantala, hinimok ngayon ni Aton ang magsasaka sa lungsod na magpatala sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC at makinabang sa mga bepenisyo tulad ng cost-recovery lending maliban pa sa insurance ng kanilang mga sakahan o pananim.

Bahagi naman ng disaster resiliency strategy ng Office of the City Agriculturist ang pagpapatala ng mga local farmers sa PCIC upang lubos silang matulungan lalo na sa panahon ng mga kalamidad. (CIO-jscj/photos by OCA/DTI-ATI12)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 2, 2022) – BUKAS na para sa lahat ng 18-49 years old na may co-morbidities at 50 years old pataas na general population ang second booster ng bakuna laban sa COVID-19.

Nitong araw ng Lunes, August 1, 2022 ng nagpalabas ng anunsyo ang Department of Health Regional Office 12 na pinapayagan na ang pagbabakuna ng second booster dose para sa nabanggit na eligible age group.

Una ng nagpabakuna si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista at ang kanyang maybahay na si Atty. Anj Evangelista upang maipakitang ligtas ang booster shot kontra COVID-19 at hikayatin ang lahat na magpabakuna na rin.

Kinumpirma rin ni Kidapawan City Health Office Anti COVID-19 Vaccination Program Coordinator Jasna Isla-Sucol ang naturang DOH advisory na nilagdaan ni DOH 12 Regional Director Aristides Concepcion Tan, MD kung saan pinapayuhan nito ang lahat ng provincial, city at municipal health officials ng SOCCSKSARGEN Region na simulan na ang pagbibigay ng second booster dose ng bakuna.

Apat na buwan matapos tumanggap ng unang booster dose ang minimum requirement bago mabakunahan ng pangalawang booster dose.

Mula araw ng Lunes hanggang Biyernes ang schedule ng pagbibigay ng pangalawang booster dose ng bakuna na ginagawa sa CHO, ayon pa kay Isla.

Kinakailangang ipakita ang unang booster dose vaccination card at dadaan pa rin sa kinakailangang medical screening ang lahat bago mabigyan ng pangalawang booster dose, ayon pa sa CHO.

Tanging bakuna lamang ang makakapagligtas sa lahat laban sa komplikasyong idudulot ng COVID19, binigyang-diin pa ng mga health officials. (CMO-cio/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (August 1, 2022) โ€“ GINAWARAN ng Department of Interior and Local Government o DILG ang City Government of Kidapawan bilang 2021 Good Financial Housekeeping passer.

Patunay ito sa wasto at makatotohanang paggamit ng pondo ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan, ayon kay City Local Government Operations Officer o CGLOO Julia Judith Jeveso sa awarding ceremony na ginanap sa Flag Raising Ceremony ngayong umaga ng Lunes, August 1, 2022.

Personal na tinanggap ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang award mula sa DILG kasama ang ilang opisyal ng city government.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang lahat ng mga opisyal at kawani ng City Government sa natanggap na recognition mula sa DILG.

Ito ay pagpapakita ng โ€˜transparencyโ€™ kung saan ipinagbibigay alam sa mamamayan kung paano ginagamit ang pondo sa pagpapatupad ng mga proyekto, programa at serbisyo ng City Government, ayon kay Mayor Evangelista.

Basehan ng pagbibigay ng Good Financial Housekeeping Passer award ang DILG Memorandum Circular no. 2014-13 kung saan ay pumasa ang City Government of Kidapawan  sa mga sumusunod na pamantayan: Most recent available COA Audit Opinion para sa mga taong 2019-2020 at Full Disclosure Policy- posting of all 14 documents in three conspicuous places and in the FDP Portal for all quarters of CY 2020 and first quarter of CY 2021.

Buwan ng December 2021 pa sana tinanggap ng City Government ang gawad ngunit kamakailan lamang ito ibinigay dahil na rin sa pinapatupad na electiony ban sa nakalipas na May 9, 2022 National and Local Elections. ##(CMO-cio/lkro)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio