Kidapawan City (January 9, 2024) – Pinarangalan, pinuri at pinasalamatan ng City Government kasabay ng Convocation Program kahapon sa City Hall lobby, ang dalawang pamilya na nagbigay ng karangalan sa lungsod sa buong SOCCSKSARGEN Region noong nakaraang taon. Tumanggap sila ng plaque of recognition mula sa City LGU.
Napiling Model OFW Family para sa taong 2023 ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) XII ang pamilya nina Master Mariner Carlito F. Catubig (sea-based) at Engr. Edwin T. Paragas (land-based) dahil napatunayan nila na sa kabila ng kanilang paglayo para magtrabaho sa ibang bansa napanatili parin nilang buo, masaya, at nagmamahalan ang kanilang pamilya.
Kabilang sila sa mga pamilyang natulungan ng Public OFW Desk Office (PODO) ng City Government. ### (Lloyd Kenzo Oasay I City Information Office)
Kidapawan City (January 8, 2024)-Lumagda ng kasunduan si City Social Welfare and Development Officer Daisy P. Gaviola at Punong Barangay Ricardo Ceballos upang tuldokan ang mga kaso ng pamamalimos sa Barangay Lanao. Ang naturang kasunduan sa pagitan ng CSWDO at BLGU Lanao ay upang mabigyan ng proyektong pangkabuhayan ang kliyenteng kinilala na si Eldison Sabellita Abing.
Si Abing bilang isang Person With Disability o PWD ay naiulat na namamalimos sa entrance ng Gaisano Grand Mall sa loob ng maraming taon . Alinsunod sa Anti-Mendicancy Law o Presidential Decree 1563 ay higit na ipinagbabawal ang pamamalimos at ang pagbibigay ng limos sa mga mahihirap sa kalye. Kaya inimbitahan ng tanggapan ng CSWD si Mr. Abing para sa isang pag-uusap noong nakalipas na buwan upang magawan ng paraan na maiahon ito mula sa kanyang sitwasyon.
Bahagi ng kasunduan na mangangako ito na itigil na ang lahat ng kanyang mga aktibidad na ipinagbabawal ng Anti-Mendicancy Law saan man sa lungsod at sa halip ay gumawa ng disenteng hanapbuhay. Magbibigay ang City Government ng tulong financial sa pamamagitan ng CSWDO bilang puhunan kay Mr. Abing na makapagsimula ng kanyang naisipang negosyong Kwek-kwek food cart. Patuloy din siyang susubaybayan ng CSWDO at BLGU Lanao upang matulungang palaguin ang kanyang negosyo.
Kidapawan City (January 2, 2024)—
Agad pinulong ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, sa unang araw ng trabaho (ngayong araw), ang mga department managers at assistant department heads upang ipaalam ang mga alituntunin ng Lokal na Pamahalaan ngayong taon.
Sa pagpupulong ay ipinaalala ng alkalde sa mga department heads na seryosohin ang kanyang ipinatutupad na No Drug Test-No Renewal para sa mga casual, contract of service at job order workers ng city government. Layunin nito na maging malinis mula sa bisyo ng ipinagbabawal na gamot ang lahat ng manggagawa ng lokal na pamahalaan. Matatandaang nasa 26 na mga barangay na ng lungsod ang nananatiling drug-cleared ng PDEA.
Sinabi din ni Mayor Pao na gagawin na niyang bukas ang kanyang satellite office sa Barangay Ginatilan at Barangay San Isidro upang mas madali syang mapuntahan ng mga mamamayan at di na kailangan pang lumuwas patungong city hall. Kaya kinakailangang mas de kalidad na pamamahala ng mga department manager ng ibat-ibang mga tanggapan dahil mas magiging mas madalas ang alkalde sa mga itatalagang mga satellite offices nito sa barangay.
Hinamon din niya ang lahat na manggagawa ng city hall na may tungkulin sa e-Business One Stop Shop na gawing mas mabilis at madali lang ang proseso ng eBOSS para sa kapakanan ng mga mamamayan at lahat ng taxpayers.
Kidapawan City (January 2, 2024) —
Nagsimula nang magbigay serbisyo sa publiko ang City Government para sa mga business owners at operators (na magrerenew o mag-aapply pa ng negosyo) sa lungsod sa pamamagitan ng Electronic Business One Stop Shop (E-BOSS).
Sa City Gymnasium, kung saan isinasagawa ang E-BOSS, maaring magproseso– ng Community Tax Certificate o Cedula, Sanitary Permit, Locational/Zoning Clearance, Annual Inspection Certificate, Fire Safety Inspection Certificate, CCTV Compliance Certificate, Business Application, RPT Payment and Tax Clearance, at Gross Sales/Receipts Declaration –para sa mga walk-ins.
Para naman sa online applications, bumisita lang sa website ng Department of Information and Communications Technology o DICT, Integrated Business Processing and Licensing System o IBPLS, dahil nakakonekta na halos lahat ng Local Government units ng bansa sa kanilang portal.
Naglagay na rin ang City Government ng sangay ng E-BOSS sa Mega Market at Kidapawan Integrated Transport Terminal para naman sa mga may pwesto doon.
Magtatagal ang E-BOSS hanggang sa January 20.
Nung nakaraang taon (2023) mayroong higit limang libo (5,519) na mga registered business owners sa lungsod.
Kidapawan City — (December 18, 2023)
Almost five hundred (493) Local Government Units (LGUs) nationwide were recognized and awarded with Seal of Good Local Governance (SGLG) by the Department of Interior and Local Government (DILG) at The Manila Hotel recently.
SGLG awardees this year were 28 provinces, 64 cities (including Kidapawan), and 401 municipalities.
City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista personally received the award, along with his betterhalf, City Administrator Janice Garcia, and City Local Government Operations Officer Julia Judith Geveso, from DILG Secretary Benhur Abalos and other key officials.
This is the 6th consecutive time that the City Government received such award, for passing all the 10 SGLG indicators such as: financial administration, disaster preparedness, social protection and sensitivity, peace, health compliance and responsiveness, sustainable education, business-friendliness and competitiveness, safety, peace and order, environmental management, tourism, heritage development, culture and the arts and youth development.
Aside from SGLG marker, LGUs also received Incentive Funds: P4M for provinces, P2.3M for cities, and P1.8M for municipalities.
Mayor Pao committed to utilize the incentive fund for streetlighting.
SGLG is an intitutionalized award, incentive, honor, and recognition-based program that encourages LGU’s commitment to continuously progress and improve their performance along various governance areas, as stated in Republic Act No. 11292 or The Seal of Good Local Governance Act of 2019.
KIDAPAWAN CITY – (December 18, 2023)
Mahigit sa animnapung (66) kasapi ng Kidapawan City Fireworks Vendors Association ang nakapagproseso na ng kanilang permit upang makapagtinda ng mga ”regulated” na produktong paputok at mga pailaw kagaya ng fountain.
Ayon sa taga Business Processing and Licensing Office o BPLO ng City Government, simula ngayong Sabado, December 23 hanggang 31 ay maaari silang magbenta ng mga paputok sa tabi ng National Highway sa Purok Santol, Barangay Lanao.
Lahat ng mga magbebenta ay dadaan sa mandatory seminar ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection at Department of Trade and Industry (DTI) bago mabigyan ng permit mula sa City Government.
Mula 6am hanggang 11pm lamang pinapayagang magbenta ang mga vendor.
Kidapawan City – (December 18, 2023)
Maagang naramdaman ng mga residente dito sa lungsod ang epekto ng Tropical Storm Kabayan, kung saan nararanasan ang makulimlim na panahon at bahagyang pagbuhos ng ulan simula pa kaninang alas 7:00 ng umaga.
Ayon sa monitoring ng Pagasa, magdudulot ng malabagyong panahon ang TS Kabayan sa Caraga at Davao Oriental. Makakaranas naman ng pag-ulan at malakas na hangin ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, iba pang bahagi ng Davao Region, Cotabato Province (kabilang dito ang Kidapawan) at Maguindanao del Norte. Habang makulimlim na kalangitan at kalat-kalat na mga pag-ulan naman ang mararanasan sa iba pang bahagi ng Mindanao.
Dahil dito’y pinag-iingat ng City Government ang publiko, lalo na ang mga motorista, na mag-ingat sa pagmamaneho dahil madulas ang kalsada.
Kidapawan City – (December 18, 2023)
Pormal nang binuksan kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC), ang Philippine National Games (PNG) at Batang Pinoy (BP) National Championships sa Ninoy Aquino Stadium, na mas kilala na ngayong PSC Multipurpose Gym (sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex) sa Maynila.
Pinangunahan ni PSC Commissioner Olivia “Bong” Coo ang kick-off program, na pinaunlakan ni Tokyo Olympics’ gold medalist Hidilyn Diaz, kasama ang mga top gymnasts na sina Carlos Edriel Yulo at Karl Eldrew Yulo, Olympic bronze medalist na si Eumir Marcial, tennis star Alex Eala, 4th Asian Para Games gold medalist Jerrold Mangliwan, paraswimmer Angel Mae Otom, at long jump queen Elma Muros Posadas.
Tinatayang nasa labing walong libong (18,000) atleta, mula sa halos dalawandaang (193) local government units sa buong bansa, ang magtatagisan ng galing sa sports hanggang ngayong araw ng Biyernes, December 22.
Gaganapin sa dalawang venue ang swimming competition: sa Teofilo Yldefonso Aquatic Center sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex ang sa BP, habang sa PhilSports Complex, Pasig naman ang PNG.
Ang iba pang sports ay kinabibilangan ng archery, athletics, badminton, 3×3 basketball, boxing, chess, cycling, dancesport, football, gymnastics, judo, karate, kickboxing, lawn tennis, muay thai, pencak silat, sepak takraw, swimming, table tennis, taekwondo, beach volleyball, wrestling, weightlifting at wushu.
Ang PNG, na tinatayang nasa higit apat na libo (4,000), ay para sa mga atletang edad labingwalong (18) taong gulang pataas, habang ang BP, na tinatayang nasa labing apat na libo (14,000), ay para naman sa labing pitong (17) taong gulang pababa.
Una nang sumabak sa first game kahapon sa boxing at beach volleyball ang ilan sa higit pitumpong (75) atleta ng lungsod. Wala mang pinalad na makakuha ng kapanalunan, kompyansa naman ang mga atleta na makapag-uuwi sila ng medalya sa pagtatapos ng kompetisyon.
Ang lungsod, na may 108 na delegation, ay may pambato rin sa swimming, futsal girls and boys, athletics, gymnastics, karatedo at dancesports.
Kidapawan City – (December 15, 2023)
It is with pride that we CONGRATULATE our very own City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista for being part of the
Development Academy of the Philippines – Public Management Development Program (DAP-PMDP) Local Government Executives and Managers Class (LGEMC) this year.
LGMEC is a comprehensive training program which aims to strengthen the capabilities of local government functionaries so that they may excel in their roles, be more adaptive in a changing and disruptive environment, and propel good practices and innovations for sustained delivery of public services at the local government level.
This is a manifestation of our Local Chief Executive’s steadfast dedication to give efficient and quality public service for all Kidapaweños. May we all continue to support his programs and advocacies that aimed on improving the quality of life among us.
Mabuhay ka Mayor Pao !
KIDAPAWAN CITY – ( December 14, 2023)
Mula January 1 hanggang December 8 ng taong kasalukuyan, nagtala ng higit siyam na daang (911) kaso ng dengue ang City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU. Lima sa mga ito ang namatay.
Mas mataas ito kumpara sa magkatulad na period ng nakaraang taong 2022, na 626 na kaso, kung saan tatlo (3) lang ang namatay.
Dahil dito, puspusan ang ginagawa ngayong kampanya kontra dengue ng mga taga City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Nitong linggo lang, nagsagawa sila ng fogging operation sa mga lugar na nagtala ng may pinakamataas na kaso, katulad ng Brgy. Sibawan (Purok 6 at sentro), Brgy. Lanao (Purok 3, Lanao Elementary School), Brgy. Ginatilan (Purok 3) at Brgy. Poblacion (Kanapia Subdivision).
Sa datus ng CESU, sampung barangay ang nagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue sa lungsod ngayong taon, ito ang: Poblacion (201), Ilomavis(87), Sudapin(61), Indangan(55), Lanao(53), Singao(49), Manongol(32), Balindog(31), Magsaysay(27), Kalasuyan (27) at Paco(24).
Muling nagpaalala si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa lahat na panatilihing ligtas ang pamilya at palaging gawin ang 4S campaign laban sa dengue.
Ito ay ang (1)Seek and Destroy o Hanapin at Sirain ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok, (2)Self Protection Measures o ang magpoprotekta sa sarili gaya ng pagsusuot ng mga damit na may mahahabang manggas o paglalagay ng insect repellant solution sa katawan nang hindi makagat ng lamok, (3)Seek Early Consultation o pagpapakonsulta ng maaga sa mga doktor kapag may lagnat ang pasyente na pangunahing simtomas ng dengue at (4)Saying YES to fogging sa mga lugar na may mataas na naitatalang kaso ng dengue.