KIDAPAWAN CITY- ( December 11, 2023)
Hinikayat ng City Government at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pitumpung (70) asosasyon na benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa lungsod, na palaguin ang natanggap nilang tulong pangkabuhayan.
Ipinarating ito ni City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, bilang kinatawan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, sa General Assembly ng Kidapawan City Federation of Sustainable Livelihood Program Association o KCFSLPA ngayong araw sa City Gymnasium.
Kapag napalago ng mga benepisyaryo ang tinanggap nilang kapital mula sa sa DSWD, maaaring mahikayat din ang City Government na ipagpatuloy ang pagbibigay ng livelihood assistance sa kanila, dagdag pa ng konsehala.
Beneficiaries ng SLP ang mga indibidwal na mahihirap, marginalized at vulnerable na sektor ng lipunan- kung saan pinapahiram sila ng kapital sa negosyo, na kailangan nilang bayaran sa loob ng dalawang taon.
Sa kasalukuyan, mayroong pitumpung (70) mga aktibong SPLA sa lungsod, na patuloy na pinalalago ang kanilang tinanggap na tulong pangkabuhayan.
Ilan lamang sa iniabot na tulong sa kanila ay: Agricultural livelihood (Agri Vet Supply, Hog Fattening, Piglet Production, Agri Supply); General Merchandise (Sari-Sari Store); Industrial Production (Water Refilling, Soap Making, Concrete Furniture Making); at Service-Based (kagaya ng Laundry shop, Catering at Events/Party needs).
KIDAPAWAN CITY – (December 11, 2023)
Kasabay ng Convocation Program sa City Hall Lobby kaninang umaga, tinanggap ng mga benepisyaryong organisasyon ang tulong mula sa City Government.
Ang mga kasapi ng Kidapawan City Integrated Vegetable Farmers Association ay tumanggap ng apat na units ng Multicultivator (Walk-Behind/Handy Cultivator). Sa pamamagitan nito’y mas mapapadali at mapapabilis ang paghahanda sa lupang pagtatamnan ng kanilang mga produktong gulay. Ang asosayon ay may pitumpung (70) kasapi.
Ang higit isandaang (120) mga miyembro naman ng Kidapawan City Inland Fisherfolksโ Association ay tumanggap din ng limang (5) fiber glass tanks para naman sa pagpaparami ng kanilang isdang hito. Ang bawat tangke ay may kapasidad na 1,100 na isda.
Sa pamamagitan ng ipinaabot na tulong sa kanila, inaasahang makakatulong din sila pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain, na isinusulong ng lokal na pamahalaan.
Ang
Iniabot din ng City LGU, sa pamamagitan ni City Agriculturist Marissa Aton, ang dalawang sako ng Golden Rice sa City Nutrition Office. Bagong variety ito ng bigas na siksik sa Bitamina A, mula sa Philippine Rice Research Institute o Philrice. Gagamitin ito bilang pangunahing sangkap ng nutritious chips and curls, na ihahain para sa undernourished children sa lungsod, sa ilalim ng Complimentary Feeding Program nito.
KIDAPAWAN CITY โ ( December 11, 2023)
Mula buwan ng Enero hanggang unang linggo ng Disyembre ng taong ito, umabot sa higit labing pitung libo (17,208) na mga motorista na ang nahuli ng mga kawani ng Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 15352, s.2023 o ang Mandatory Wearing of Helmet while Driving/Riding.
Ayon sa taga TMEU, karamihan sa mga nahuli nila ay mga mag-aaral sa kolehiyo, na nagmomotor papasok at pauwi ng paaralan.
Kaya naman, nagpadala na ng liham ang City Government sa pamunuan ng lahat ng Pribado at Pampublikong Eskwelahan sa Kolehiyo na naghihikayat sa kanilang paalalahanan ang kanilang mga mag-aaral na sumunod sa ipinatutupad na batas ng lokal na pamahalaan tungkol sa pagsusuot ng helmet para narin sa kanilang kaligtasan.
Narito ang multa at parusa sa bawat pagkakadakip na driver at back rider;
1st Offense – P250.00 with Community Service
2nd Offense – P500.00 with Community Service and attendance to a Seminar on traffic laws anfd regulations
3rd Offense – P1,000.00 with Whole Day Community Service and endorsement to City PNP for record purposes
4th Offsense – P2,000.00 and/or Imprisonment of 1 year or both at the discretion of the Court
Umaasa ang City Government na bibigyang halaga ito ng mga driver at back rider ng motorsiklo dahil maliban sa seryoso ang LGU sa pagpapatupad nito, ang kapakanan lang din naman nila ang tinitingnan ng ordinansa.
Kidapawan City – (December 11, 2023)
Nakatakdang magbigay ng kanyang ulat si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa City Gymnasium, bukas ng alas 9:00 ng umaga, December 12.
Sa kanyang year-end report, inaasahang iisa-isahin ng alkalde ang mga programa at proyekto- na naipatupad na, at kasalukuyang ipinatutupad pa- ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon at limang buwang panunungkulan sa City Hall.
Kabilang dito ang tungkol sa Luntian Rice, kung saan nagbibenta ang LGU sa mga barangay ng P25 kada kilo na bigas; ang pagsasaayos sa mga telephone at cable wires sa mga pangunahing kalsada; Road and Box Culvert Projects, at Canopy’25 o ang tree growing initiative nito.
Inaasahan ding iuulat ni Mayor Pao sa publiko ang kanyang mga plano, programa at proyekto para sa nalalabing isang taon at pitong buwan pa nya na panunungkulan.
Kasabay ng year-end report ng alkalde ang selebrasyon naman ng Barangay Day.
Kanina, nagbigay na ng paunang ulat, simula buwan ng Enero hanggang unang linggo ng Disyembre ng taong kasalukuyan, ang sponsor ng flag ceremony- mula sa Civil Security Unit (CSU), Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU), at Kidapawan City Anti Vice Regulation Unit (Kidcare).
KIDAPAWAN CITY- (December 9, 2023)
Nagsilbing Santa Claus si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa Christmas Party celebration ng mga Barangay Health Workers (BHW) sa City Health Complex, kahapon, December 8.
Tumanggap ng tig 10 kilong premium rice mula sa alkalde ang higit dalawandaang (292) mga BHW.
Tumanggap din ng tig P20,000.00 cash, bilang pabaon, ang lima sa kanila, na magreretiro na sa serbisyo.
Laking pasalamat ng mga retirees na sina: Letecia Murados (Brgy. Katipunan, 31 years in service), Martha Eting (Brgy. Malinan, 26 years in service), Minerva Obenza (Brgy. Sikitan, 27 years in service), Virginia Romerde (Brgy. Singao, 34 years in service) at Pilar Bugtuan (Brgy. Kalaisan, 34 years in service), sa tinanggap na maagang pamasko mula sa City Government.
Nagpasalamat din si Mayor Evangelista sa serbisyo ng mga BHW sa kani-kanilang mga kabarangay at tiniyak na patuloy nyang susuportahan ang mga ito, sa kahit na anong paraan, upang mas maging epektibo pa sa kanilang panunungkulan.
KIDAPAWAN CITY โ ( December 7, 2023) Pinarangalan ng City Government ang mga natatanging Child Development o Day Care Workers at mga Barangay Councils for the Protection of Children o BCPC sa kanilang mahalagang kontribusyon sa pagpapalago ng mga bata sa ginanap na Culmination Program ng 31โst National Childrenโs Month sa lungsod nitong Martes, December 5.
Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang pagbibigay gawad sa mga Child Development Workers at BCPC.
Ang mga kinilala bilang Most Outstanding Child Development Workers ay sina: 1) Emily J. Genterone – Most Outstanding Child Development Worker (CDW) in the Search for the Most Outstanding Child Development Worker, achieving an average performance rate of 86%; 2) Evelyn Anub – Exceptional Child Development Facilitator (Special Award); 3) Emily Anfone – Best in Documentation (Special Award); 4) Amalyn C. Alquiza – Exemplary Partnership (Special Award).
Kinilala naman bilang Most Functional Barangay Council for the Protection of Children sina: 1) Barangay Linangkob – FIRST PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 87%; 2) Barangay Perez – SECOND PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 83%; 3) Barangay San Roque – SECOND PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 83%; 4) Barangay Magsaysay – THIRD PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 81.50%; 5) Barangay Paco – THIRD PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 81.50%; 6) Barangay Kalasuyan – FOURTH PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 81%; 7) Barangay Ginatilan – THIRD PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 80.6%.
KIDAPAWAN CITY โ ( December 7, 2023) Halos kalahating milyong (P497,610.00) halaga para sa pagpapatayo ng isang karinderya at pagawaan ng hollow blocks ang tinanggap na kapital mula sa Department of Labor and Employment at City Government ng 17 magulang ng Child Laborer sa Brgy Indangan dito sa lungsod.
Iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, kasabay ng Flag raising ceremony sa City hall nitong December 4, ang tseke para sa mga beneficiaries na miyembro ng Nagkakaisang mga Magulang ng mga Batang Manggagawa.
Nagmula sa DOLE ang pondo at ang City Government naman ang nag facilitate para makatanggap sila ng tulong pangkabuhayan.
Sa pamamagitan nito, hindi na mapipilitang magtrabaho ang kanilang mga anak sa kanilang murang edad at maitutuon nalang ang atensyon sa pag-aaral.
Kidapawan City – (December 6, 2023)
Mas naging makulay at makabulohan pa ang selebrasyon ng ika-58th Founding Anniversary sa Barangay Balabag, kahapon, dahil sa dinalang iba’t-ibang libreng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan doon, kahapon, December 5.
Sa outreach programa na, Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS) ng City Government, nagkaroon ng pagkakataon ang mga residente na makapagproseso ng dokumento sa mga opisina ng City Hall, katulad ng Office of the Building Officials (OBO), City Legal Office, Public Attorneys’ Office (PAO), City Civil Registrar, at City Assessor’s Office.
Sa kabuuan, higit isanlibo (1,525) residente ang naserbisyohan, di lang ng mga departamento ng City Hall kundi pati narin narin mga National Government Agencies kagaya ng Philippine Statistucs Authority (PSA), National Bureau of Investigation (NBI), Social Security System (SSS), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Internal Reveneu (BIR), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Envornment and Natural Resources (DENR).
Maliban sa mga bata, natuwa din sa pagkain ng masarap na champorado at arrozcaldo ang bawat isang naroon.
Animnapo (60) ding bata ang tumanggap ng libreng school bags mula kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.
Siyam (9) na magkasintahan din ang nabiyayaan ng libreng kasal.
Nagkaroon din ng Mini-Merkado Kidapaweno sa lugar, kung saan makakabili ng mga sariwang gulay, isdang tilapia, at bigas (sa halagang P25 kada kilo).
Ang Barangay Balabag ay mayroong 2,069 na populasyon base na sa 2020 Census ng PSA.
KIDAPAWAN CITY โ (December 6, 2023)
May gusali nang magagamit ang higit tatlumpong (38) mag-aaral sa day care sa Purok Pag-asa, Barangay Balabag, matapos iturn-over sa kanila ng Lokal na Pamahalaan ang Child Development Center facility, kahapon, kasabay ng pagtatapos ng National Children’s Month Celebration.
Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, na nanguna sa paghahabilin ng pasilidad sa pamamahala ng mga opisyal sa barangay, mahalaga para sa mga bata na sa kanilang murang edad, mahikayat sila na mag-aral upang matuto kung kaya’t kailangang mabigyan ng atensyon ang edukasyon ng mga bata, lalo na yaong mga nakatira sa malalayong lugar kagaya nito, upang magkaroon sila ng maliwanag na kinabukasan pagdating ng araw.
Ang pondong ginamit sa proyekto ay nagmula sa Local Council for the Protection of Children o LCPC.
Maglalaan din ng P200,000 ang alkalde para sa pagpapapintura at pagpapalagay ng tiles sa sahig pasilidad para mas lalong kumportableng gamitin ng mga bata.
KIDAPAWAN CITY โ (December 5, 2023)
Nakatuon sa Rights to Survive, Self-Development, Protection and Participation ng mga bata ang mahigit kalahating oras na State of the Childrenโs Address ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa City Gymnasium, kaninang ala 1:00 ng hapon.
Ito ang siyang pinaka-highlight sa selebrasyon ng 31st National Childrenโs Month sa lungsod.
Giit ng alkalde, habang nasa sinapupunan pa lamang ang isang bata ay nagsisimula na rin ang kanyang Survival Right, kung saan katuwang ng kanyang magulang ang City Government sa pamamagitan ng pag-aaruga sa kalusugan.
Ang Self-Development naman ay sa pamamagitan ng pagbibigay subsidiya at learning devices ng City Government sa mga Child Development o Day Care Centers para mapalago ang literacy at moral values ng mga bata.
Habang ang Rights to Protection ay nakatutok sa pagtitiyak na ligtas ang mga bata sa ano mang uri ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang tahanan, paaralan, komunidad at sa social media, ayon pa sa report ni Mayor Evangelista.
Binibigyan din ng pagkakataon ang mga bata na maging aktibo bilang bahagi ng kanilang Rights to Participation sa mga programa ng pamahalaan na naglalayung paunlarin ang pamayanan sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga opinyon at desisyon sa mga usapin ng lipunan.