Author: IAN FAMULAGAN

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (July 24, 2023) NAGPA-ABOT NG suporta si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa bagong pinuno ng Kidapawan City PNP sa katauhan ni PLTCOL Dominador Liscano Palgan,Jr. sa ginanap na turn over at change of command ng pulisya sa lungsod.

Makakaasa umano ng suporta si Palgan mula sa City Government gaya ng ibinigay nito kay dating Chief of Police PLTCOL Peter Pinalgan Jr. na malilipat na sa ibang lugar matapos makompleto ang kanyang tour of duty sa Lungsod ng Kidapawan bilang hepe ng pulisya.

Magpapatuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa hanay ng pulisya ayon sa alkalde sa bagong pamunuan ng Kidapawan City Police Station sa kanyang pag welcome sa bagong hepe nito. Pinasalamatan din niya ang dating hepe sa magandang performance nito para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Kidapawan City.

SInaksihan ni Mayor Pao Evangelista ang ginanap na turn over and change of command na pinangasiwaan ni Cotabato Police Provincial Director PCOL Harold Ramos nitong umaga ng July 24, 2023 sa mismong himpilan ng KCPS. Sinabihan naman nito ang 136 na mga kasapi ng KCPS na maging mapagkumbaba at mahinahon sa lahat ng pagkakataon sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan at iwasang maging abusado at lumabag mismo sa mga ipinatutupad na batas.

Kaugnay nito ay pinarangalan naman ni Mayor Pao si outgoing COP PLTCOL Pinalgan at iba pang mga miyembro ng City PNP sa pagkadarakip ng anim na holdaper nitong July 18, 2023.
Iginawad nito ang certificate of commendation kina PLTCOL Pinalgan at sa mga kasamahan nito sa isinagawang Convocation at Flag Raising Program ng City Government. ##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (July 24, 2023) MATUTUPAD na ang matagal ng hangarin ng mga mag-aaral sa dalawang IP communities ng lungsod na magkaroon ng panibagong silid aralan.

Ito ay matapos ang groundbreaking ceremony (July 20, 2023) ng dalawang magkahiwalay na Two Classroom School Building Project sa Sumayahon Elementary School ng Barangay Perez at Lake Agco Integrated School ng Barangay Ilomavis, na kapwa matatagpuan sa lugar na tirahan ng mga Indigenous Peoples sa Kidapawan City.

Joint project ng GMA Kapuso Foundation, City Government of Kidapawan, DepEd City Schools Division, Philippine Army 52nd Engineering Brigade, PHINMA Construction at iba pang partners ang naturang mga itatayong bagong silid aralan. Tulong ito mula sa inisyatibo ng GMA Kapuso Foundation bilang tugon sa pangangailangan ng bagong silid aralan sa naturang mga ewkwelahan na sinalanta ng October 2019 earthquake.

Una nang na-identify ng City Government ang Sumahayon at Lake Agco na tamang pagtayuan ng bagong school building dahil na rin sa matatag ang lupang paglalagakan ng proyekto.

Pinasalamatan naman ni GMA Kapuso Foundation Executive Vice President at Chief Operating Officer Luz Annalee Escudero โ€“ Catibog si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at si dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista sa kanilang aktibong pakikipagtulungan sa GMA Kapuso Foundation para maisakatuparan ang nabanggit na proyekto.

Makatitiyak ang mga magulang na ligtas na papasok ang mga bata sa naturang mga bagong silid aralan na pinaplanong itatayo agad at matatapos naโ€™t maibibigay na sa komunidad pagsapit ng buwan ng Oktubre 2023, ani pa ni GMA Kapuso Foundation EVP/COO Catibog.

Pumirma sa isang Memorandum of Agreement o MOA sina Mayor Evangelista, GMA Kapuso Foundation EVP/COO Catibog, DepEd City Schools Division Superintendent Dr. Natividad Ocon, PHINMA CSR Manager Derik Tabunar, Army10th Infantry Division Commander MGEN Jose Eriel Niembra, at Army 52nd Engineering Brigade Commander BGEN Francis Marlon Wong para sa pagsasakatuparan ng proyekto.

Sa GMA Kapuso Foundation magmumula ang pondo samantalang pagtutulungan namang itatayo ng Army Engineering Brigade at City Government of Kidapawan ang mga bagong silid aralan, base pa sa mga nakasaad na probisyon ng MOA.

Dumalo naman ng mga barangay at school officials, tribal leaders at mga magulang ng mga bata sa Ceremonial Groundbreaking ng naturang mga itatayong dalawang bagong 2-classroom building. ##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (July 17, 2023) PERSONAL NA INIABOT NI City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang P20,000 na reward money sa isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT na nakahuli ng umanoy isang magnanakaw sa Brgy Kalasuyan.

Iniabot ni Mayor Evangelista ang naturang halaga ng pera kay Domingo Isaac Latras, BPAT member ng barangay Kalasuyan na aktong nakahuli sa isang magnanakaw ng rubber cup lump sa kanilang lugar nitong nakalipas na July 13, 2023. Maliban sa reward money ay pinapurihan din ni Mayor Evangelista ang mabilis at maagap na aksyon ng Kalasuyan BPAT para mahuli ang papatakas nang suspect.

Ayon naman kay Latras, nagtagumpay ang kanyang team sa paghuli sa suspect dahil na rin sa mga hand held radio na ibinigay mismo ni Mayor Evangelista sa kanila. Bawat BPAT ng barangay ay nabigyan ng radyo kung kaya ay 24/7 bukas ang linya ng komunikasyon para sa mabilis na pagtugon sa kriminalidad at emergency.

Sa spot report na inilabas ng pulisya, kinilala ang suspect na isang Lemar Gonzaga Dani, 30 years old na magsasaka ng nakatira sa Brgy. Malasila Makilala Cotabato. Siya ay hinuli ng BPAT team sa pamumuno ni Latras sa aktong pagpupuslit ng pinaniniwalaang ninakaw na 50 kilo ng rubber cuplump sa naturang barangay.

Hinikayat naman ni Mayor Evangelista ang publiko na tumulong sa kampanya kontra kriminalidad sa pamamagitan ng pagre-report sa mga otoridad sa presensya ng mga kahina-hinalang tao sa kanilang mga komunidad.

Sa mismong convocation program ng City Government (July 17, 2023) iniabot ni Mayor Evangelista ang P20,000 na pabuya kay Latras na sinaksihan naman ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan at mga elected officials na bumubuo sa Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan na sina City Councilors Jason Roy Sibug, Judith Navarra at ABC President Morgan Melodias, at City PNP Chief P/Lt. Col. Peter Pinalgan, Jr. ##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 14, 2023) IKINAGALAK NI City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang pinansyal na tulong na ipinaabot ng mga kooperatiba sa Canopy25 reforestration project ng City Government.

Malaking kontribusyon ito, wika pa ni Mayor Evangelista para maisakatuparan ang pagtatanim ng 2.5Million bilang ng iba’t ibang klase ng mga puno sa ilalim ng programang Canopy25 sa pagdiriwang ng ika dalawamput limang taon na pagiging component city ng Kidapawan sa Lalawigan ng Cotabato.

Ibinigay ng may 21 na kooperatiba na nakabase sa Kidapawan City ang halagang mahigit sa P36,000 na kanilang pinagsamang nalikom para sa pasahod ng mga nagtanim ng iba’t-ibang klase ng puno sa palibot ng ancestral domain sa Barangay Perez, Kidapawan City.
Pinasalamatan nina Ancestral Domain Management Office President Ronnie Emboc at City Cooperative Development Council Chair Rodolfo Baldevieso si Mayor Evangelista sa pagpapasali sa kanilang mga sektor para makatulong sa pagpo-protekta sa kalikasan at mga pinagkukunan ng tubig sa ilalim ng programang Canopy25.

Patuloy pa rin ang iba pang mga kooperatiba sa paglikom ng pinansyal na tulong para sa ikatatagumpay ng Canopy25.

Abot na sa 500,000 ang bilang ng mga puno ang naitanim ng City Government katuwang ang mga partners nito sa ilalim ng Canopy25 simula buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan, pahayag pa ni Mayor Evangelista.##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 14, 2023) MABIBIYAYAAN NG dagdag pang mga proyekto ang lahat ng barangay sa lungsod matapos maaprubahan ng City Developmemt Council ang pagbibigay ng P1 Million City Aid para sa mga BLGU’s.

P40,000,000 ang inilaang pondo mula sa 20% Economic Development Fund for CY 2024 ng City Government o katumbas ng tig isang milyong piso para sa bawat barangay ng lungsod, ayon pa kay City Mayor Atty.Jose Paolo Evangelista na siya ring Chair ng CDC.

Ibibigay ng City Government ang P1,000,000 City Aid kada barangay sa pamamagitan ng infrastructure development projects.
Layon ng City Aid na tulungang umunlad ang mga barangay sa pamamagitan ng mga proyektong makapagbibigay benepisyo sa mga residente.

Ang mga proyektong popondohan ng City Aid ay ang sumusunod, road concreting, water system at streetlighting projects.

Pwedeng pumili ng isa sa alinmang nabanggit na proyekto ang mga baranggay officials o di kaya, ay pwede ring tatlo basta’t pasok sa isang milyong pisong budget.

Ang mas nakabubuti rito ay hiwalay at may sariling budget ang proyekto sa ilalim ng City Aid na hindi magiging balakid sa pagpapatupad sa mga nauna ng mga proyekto, programa at serbisyo ng barangay.

Lubos namang ikinatuwa ng mga opisyal ng baranggay ang P1,000,000 City Aid dahil malaking benepisyo ang hatid nito sa kanilang mga constituents.

Ipatutupad ang pagbibigay ng City Aid sa susunod na taon pagkatapos ng Brgy/SK election sa buwan ng Disyembre 2023, pagtitiyak pa ni Mayor Evangelista.

Katuparan ito sa kanyang ipinangako na dagdag benepisyo, programa at proyekto sa mga barangay na kanyang inilahad sa State of Our City Address o SOCA kamailan lang.##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (July 13, 2023) APRUBADO NA sa City Development Council ang P20M Traffic Light Project ng Kidapawan City LGU. Inaasahang maging mas maayos at mapagaan na ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Daang Maharlika at Quezon Boulevard sa pamamagitan ng paglalagay ng naturang proyekto sa tatlong istratehikong lugar sa sentro ng lungsod ng Kidapawan.

Sa pagpupulong ng CDC en banc (July 12, 2023) ang mahigit sa P20Million Traffic Light Project ay maisakatuparan matapos na ipinangako ito ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa kanyang ginanap na State of Our City Address o SOCA 2023.

Planong ilagay ng City Government ang mga traffic lights sa intersection ng Central Warehouse Club, Iglesia ni Cristo โ€“ Madonna Medical Center, at sa roundball sa tapat ng Metro Kidapawan Water District โ€“ Ninoy Aquino road.

Tugon ito sa panawagan ng mga motorista na mapabilis ang bumibigat ng daloy ng trapiko sa Kidapawan City dahil na rin sa dumadaming bilang ng mga sasakyan sa lungsod at para na rin sa kaligtasan ng mga gumagamit sa lansangan mapa motorista man o pedestrian.

Popondohan ng 20% Economic Development Fund ng City Government ang proyektong traffic lights, ayon pa kay Mayor Evangelista. Ang pagdami ng populasyon at mga bilang ng sasakyan sa Kidapawan ay isa sa mga palataandan ng lumalagong lokal na ekonomiya ng Kidapawan. Kapansin-pansin ang pagpasok at pagsilabasan ng ibat-ibang mga negosyo sa lungsod na sya ring dinadagsa ng maraming mga tao.

Kaya nais ng alkalde na mapabilis ang proseso na may kaugnayan sa pagpapatupad ng traffic light project na inaasahang maitatayo at magagamit bago pa man matapos ang taong kasalukuyan. ##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (July 12, 2023) INAASAHANG hindi na magta-trabaho subalit makakapasok na araw-araw sa paaralan ngayong susunod na school year ang may 69 na mga batang manggagawa o child laborer ng barangay Malinan, isang malayong barangay sa lungsod ng Kidapawan.

Ito ay matapos tumanggap ng tulong pangkabuhayan ang kanilang mga nanay mula sa Department of Labor and Employment o DOLE at City Government of Kidapawan.

Personal na inabot nina DOLE Cotabato Field Office OIC Head/Supervising Labor and Employment Officer Ernesto H. Coloso at Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M Evangelista ang tsekeng naglalaman ng P480,620.00 na financial livelihood assistance sa Malinan Barangay LGU na nirepresenta ni Kapitana Gemma Pajes bilang accredited co-partner sa programa (July 10,2023).

Ito ay isa lamang sa mga programa ni Mayor Pao na naglalayong mai-angat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa Kidapawan City katuwang ang ibaโ€™t-ibang mga ahensya ng Pamahalaan.

Identified beneficiary nito ang 57 na mga magulang ng mga child laborers na kasapi ng kanilang asosasyong nagngangalang Samahan ng mga Magulang ng Batang Manggagawa ng Brgy Malinan.

School canteen ang livelihood project na gagawin ng mga nanay sa layuning mapag-aral ang kanilang mga anak na napilitang magtrabaho kahit sa murang edad pa lamang dahil sa hirap ng buhay.

Makakatanggap ng gamit pang kusina ang mga beneficiaries ng programa na kinakailangan naman sa pagpapatakbo ng kanilang school canteen.

Hindi loan ang naturang ayuda kung kaya at hinihikayat ang mga beneficiaries na palaguin ang kanilang natanggap na tulong para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak imbes na magtrabaho bilang child laborer, paliwanag pa ng pamunuan ng Public Employment Services Office o PESO ng City Government.

Ang naturang school canteen ay pinondohan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP, dagdag pa ng PESO.##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( July 10, 2023) Binigyan ng katuparan ni City Mayor Atty Pao Evangelista ang ipinangakong magbebenta ng murang bigas o Luntian Rice ang City Government of Kidapawan sa mga ibat-ibang baranggay ng lungsod.

Unang nakabiyaya nito ang Barangay Malinan at Katipunan na kung saan ay nagbenta doon (July 8, 2023) ang City Government ng tig- P20 kada kilo ng bigas sa ilalim ng pangangasiwa ng mga kawani ng Office of the City Agriculturist.

Isa ito sa mga pambihirang programa ng City Government na mismong ang LGU ang lumapit sa mga residente ng barangay upang mabigyan sila ng access sa programang murang bigas. Maala-alang sinabi ni Mayor Pao sa kanyang State of Our City Address o SOCA na bibigyan niya ng pagkakataong makabili din ng mura ngunit mataas na kalidad na bigas ang mga nasa malalayong barangay.

Maliban pa sa Luntian Rice, may ipinagbibili rin na sariwang gulay at isdang tilapia mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa aktibidad sa Malinan at Katipunan, na mga malalayong lugar mula sa sentro ng lungsod.

Sa pamamagitan ng programang nabanggit ay natutugunan ng City Government ang seguridad sa pagkain ng mamamayan habang nabibigyang din pagkakataon na magbenta at kumita ang mga lokal na magsasaka ng lungsod.

Tutulak naman sa iba pang barangay ang kahalintulad na aktibidad sa mga susunod pang mga araw o di kaya ay sa mismong pagdiriwang ng kapistahan ng barangay kung saan ay gaganapin doon ang KDAPS o Kabaranggayan Dad-an sa Serbisyo ug Programa. ##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (July 11, 2023) MULING NAMIGAY NG tulong ang City Government of Kidapawan (July 10,2023) para sa mga senior citizens, tulad ng ambulatory assistive devices na magagamit ng mga identified senior citizens mula sa ibaโ€™t-ibang barangay ng lungsod.

Kinapapalooban ito ng 10 wheel chairs, 6 na walkers at 20 cane o baston ang binigay ni Mayor Atty Pao Evangelista para sa mga lolo at lola na benepisyaryo ng naturang programa.

Malaki ang maitutulong sa mga senior citizens ng naturang mga kagamitan para sa kanilang pagkilos maging nasa loob o labas sila ng tahanan, ayon pa sa pamunuan ng OSCA na nandoon din sa pamimigay ng mga ambulatory assistive devices.

Isinagawa ito ni Mayor Evangelista kasabay ng Convocation Program ng City Government na sinasaksihan ng lahat ng mga kawani ng City Government kasama sina OSCA Head Lorna Morales, RSW, Executive Assistant Melagrita Valdevieso, SCC Head Morita Gayotin at Brgy. Perez Senior Citizens president Dioscora Panique, at sina City Councilors Jason Roy Sibug at Judith Navarra.

Ang pamimigay ng Ambulatory Assistive device ay tugon na rin sa kahilingan ng mga senior citizens kay Mayor Pao Evangelista bilang tulong sa kanilang hinaing at sagot sa kanilang paghihirap sa paglakad at pag galaw. ##(cio)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio