Author: IAN FAMULAGAN

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 31, 2023) โ€“ MULI na namang namahagi ng mga alagang baboy ang City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng Animal Dispersal Program na pinangangasiwaan ng Office of the City Veterinarian.

Sa pagkakataong ito, inilaan ang mga baboy para sa pagdiriwang ng mga purok fiesta o anniversary ng bawat purok kung saan maaari nila itong gamiting handa sa espesyal na okasyon o pagkakatatag ng purok.

Sampung purok ang unang nakabiyaya sa dispersal na ginanap kahapon, Mayo 30, 2023 sa Office of the City Veterinarian at ang mga ito ay kinabibilangan ng Purok 7, Brgy. Ilomavis; Purok Mangosteen, Brgy. Linangkob; Purok Talisay, Brgy. Malinan; Purok Palmera, Brgy. Amas; Purok Lawaan, Brgy Amas; Purok Ipil-Ipil, Brgy. Amas; Purok Durian, Brgy Luvimin; Purok 4, Brgy. Gayola; Purok Malunggay, Brgy. Birada, at Brgy, Poblacion.

Layon ng pamamahagi na matulungan ang mga purok na maidaos ang kanilang mahalagang araw at sama-samang makapagdiwang ang mga residentre ng hindi na gumagasto ng malaki, ayon kay Elvis Dulay, ang Head and Desk Officer ng Pag-Amuma Unit o PAU na nasa ilalim ng Office of the City Mayor.

Alinsunod daw ito sa hakbang ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na tulungan ang mga purok na makapag-diwang ng maayos ng di na gumagasto ng malaking halaga.

Kaya naman agad na nakip[ag-ugnayan ang PAU sa Office of the City Veterinarian para maisakatuparan ang dispersal sa bawat purok (60 araw bago sumapit ang kapistahan)

Nakatakda ding mamahagi ng isang sakong bigas ang PAU para magamit ng mga purok sa mismong araw ng kanilang mga anibersaryo na muli ay isang malaking bagay para sa mga mamamayan.

Matatandaan na nitong nakalipas na mga panahon ay nagbibigay lamang ng P1,500 ang City Government of Kidapawan sa mga purok na magdiriwang ng foundation anniversaries kayaโ€™t ganon na lamang ang tuwa ng mga lider ng purok.

Sa kabilang dako, marami ng mga maliliit o small hog raisers sa lungsod ang una ng nakinabang sa Hog Dispersal Program lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na sinalanta ng African Swine Fever o ASF nitong nakalipas na dalawang taon.

Nakatulong ng malaki sa kanila ang natanggap na mga baboy matapos na sumailalim sa culling ang kanilang mga alaga na naging dahilan ng pagkalugi ng kanilang negosyo.

Ngayon ay lalo pa itong makatutulong sa mga purok dahil may magagamit na sila para sa ihahanda sa okasyon o espesyal na araw ng pagkakatatag ng purok. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Hunyo 1, 2023) โ€“ ISINAGAWA ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong Kidapawan City Central Fire Station sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City ngayong araw ng Huwebes, June 1, 2023, alas-dos ng hapon.

Nanguna sa seremonya si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang matataas na opisyal ng Bureau of Fire Protection o BFP 12 na kinabibilangan nina Regional Director CSUPT. Alven Valdez, DSC; Provincial Fire Marshall SUPT. Leilani Bangelis, at CINSP. Marleap Nabor, ang Fire Marshall ng lungsod.

Abot sa 1,100 square meters ang lupang binili ng City Government of Kidapawan para pagtayuan ng bagong gusali ng BFP Kidapawan personnel at kaharap lamang nito ang Magsasay Eco-Tourism Park. Ang BFP Headquarters sa Quezon City/National Government naman ang magbibigay ng pondo para sa konstruksiyon ng 3-storey building na kinapapalooban ng reception area, control center, conference room, administrative office, multi-purpose hall at iba pa.

Ang mga nabanggit na opisyal ang nanguna sa groundbreaking na kinapapalooban ng filling and sealing of time capsule.

Si Fr. Hipolito Paracha, DCK ang nag-alay ng panalangin at blessing rites para sa time capsule at sinundan ito ng unveiling of proposed Kidapawan City Fire Station perspective at bilang pagtatapos ay ang lowering of time capsule.

Ayon kay Fire Marshall Nabor, matagal ng inaasam ng BFP Kidapawan na magkaroon ng fire station na bago, moderno at kumpleto sa pasilidad.

Kaya naman tugon raw sa kanilang dasal ang pagbibigay ng City Government of Kidapawan ng lupa bilang counterpart sa proyekto at ang pondong ilalaan ng BFP Headquarters/National Government para sa building.

Sa kanyang panig, sinabi ni Mayor Evangelista na ang itatayong gusali ay patunay na tuloy-tuloy ang pag-unlad ng Kidapawan City at makatutulong ang gusali sa pagbuo ng imahe ng lungsod bilang tunay na livable city.

โ€œIsa itong makasaysayang hakbang tungo sa katuparan ng pangarap ng bawat Kidapaweno โ€“ ang mamuhay ng mapayapa at walang pangambaโ€, ayon sa alkalde.

Ipinahayag naman ni BFP12 RD Valdez ang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Evangelista sa ibayong suporta para sa itatayong building ganon din kay dating City Mayor at ngayoโ€™y 2nd District of Cotabato Board Member Joseph Evangelista na siyang unang kumilos para sa katuparan ng proyekto.

Mas tataas ang moral ng mga firefighters dahil mapapalitan na ang kanilang lumang gusali ng bago at mas malaking workplace na magbibigay ng dagdag na inspirasyon at sigasig sa BFP Kidapawan sa pagganap ng kanilang tungkulin, dagdag pa ni Valdez.

Dumalo rin sa aktibidad sina City Councilors Gallen Ray Lonzaga, Michael Earving Ablang, Punong Barangay Julio Labinghisa ng Magsaysay, Punong Barangay Arnold Sumbiling ng poblaciรณn at mga Department Heads mula sa City Government na sina Engr. Jicylle Merin ng OCBO, Redentor Real ng City Treasury, at Acting City Administrator Janice Garcia.

Sisimulan naman agad ang konstruksiyon ng 3-storey building ng BFP at inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Hunyo 2, 2023) โ€“ ISA na namang makabuluhang proyektong laan para sa mga mamamayan ang nakatakdang simulan ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng Office of the City Engineer.

Ito ay ang 174.12-meter Barangay Manongol-Barangay Perez Road concreting project (with 4-5 meters expansion on both sides) na nagkakahalaga ng P 2,898,520.85 kung saan ay ginanap ang groundbreaking ceremony ngayon araw na ito ng Biyernes, Hunyo 2, 2023 sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.
Mula sa 20% Economic Development Fund CY 2023 (Resolution No. 079) ang pondong ginamit para sa konstruksiyon ng nabanggit na kalsada.

Layon ng infrastructure project na magkaroon ng maayos na dadaanan at ligtas na biyahe ang mga residente lalo na ang mga local fruit and vegetables growers na nagdadala ng kanilang mga produkto sa merkado.

Isa ang pagpapatupad ng infrastructure projects sa mga prayoridad ng administrasyon ni Mayor Evangelista dahil ito raw ang susi sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga barangay tulad ng Manongol at Perez.

Hiniling niya sa mga mamamayan na ingatan ang proyekto dahil ito ay inilaan sa kanila at naging instrumento lamang ang alkalde sa pagpapatupad nito ay maisakatuparan.

Maliban kay Mayor Evangelista, dumalo rin sa ground breaking ang mga konsehal ng lungsod na sina Galen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, Airene Claire Pagal, Michael Earving Ablang, Judith Navarra at ABC President Morgan Melodias.

Sa hanay ng mga Department Heads ng City Government of Kidapawan ay dumalo sina City Engineer Lito Hernandez, OCBO Head Engr. Jicylle Merin, at City Administrator Janice Valdevieso Garcia.

Ipinahayag naman ng mga Punong Barangay na sina ABC President Melodias ng Manongol at Jabert Hosdista ng Perez kasama ng kanilang mga kagawad ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga opisyal ng LGU Kidapawan sa pangunguna ni Mayor Evangelista.

Inaasahan namang matatapos ang naturang road concreting project sa loob ng tatlong buwan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 24, 2023) โ€“ SA kauna-unahang pagkakataon ay gagawin sa Lungsod ng Kidapawan ang โ€œSugba sa Plazaโ€ bilang highlight ng Culmination Day ng Farmers and Fisherfolksโ€™ Month Celebration sa darating na Mayo 30, 2023.

Abot sa 1,300 kilo ng isdang tilapia o katumbas ng humigit-kumulang 5,200 isdang tilapia ang ilalaan para sa mga lalahok sa โ€œSugba sa Plazaโ€.

Handog ito ng City Government of Kidapawan para sa mga mamamayan ng lungsod at para din sa mga mamamayan mula sa ibang bayan, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.

Abot naman sa 2,000 tickets ang ihahanda ng kanilang tanggapan para sa pagsasagawa ng aktibidad kung saan bawat ticket ay katumbas ng 1-2 tilapia at 3 packs rice.

Ang pinakamagandang balita naman ay libre o walang bayad ang ticket, ayon pa rin kay Aton.

Maglalaan ng 40 tickets sa bawat barangay na may malalaking populasyon (10 barangays) at ito ay kinabibilangan ng Poblacion, Singao, Sudapin, Lanao, Balindog, Paco, Amas, Nuangan, Manongol, at Magsaysay habang tig 30 tickets naman para sa nalalabing 30 barangays ng lungsod, at meron ding reserved tickets para sa mga walk-in participants at espesyal ng bisita.

Magsisimula ito alas-otso ng umaga sa City Plaza sa nabanggit na araw kung saan by batch ang paraan ng pagpasok (300 persons per batch) at may isang oras na ibibigay para sa pag-ihaw o โ€œsugbaโ€ at pagkain ng tilapia.

May mga nakahandang lamesa, grilling units, water supply, at tilapia containers sa loob ng City Plaza.

Labing-limang taong gulang pataas ang maaaring lumahok sa โ€œ๐™Ž๐™ช๐™œ๐™—๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐™ก๐™–๐™ฏ๐™–โ€ at kung may mga batang papasok dapat ay kasama ang mga magulang at gagamitin ang kanilang ticket para sa mga bata.

Pinapayuhan din ang mga lalahok sa aktibidad na magdala ng sariling drinking water at pamaypay para sa pag-ihaw ng tilapia.
Layon ng โ€œ๐™Ž๐™ช๐™œ๐™—๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐™ก๐™–๐™ฏ๐™–โ€ na maipakita ang masaganang ani ng tilapia sa Lungsod ng Kidapawan at maipabatid hindi lamang sa mga residente ng lungsod kundi pati na sa mga mamamayan mula sa ibang bayan o rehiyon, ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.

Isa rin itong tribute o alay para sa mga local farmers/fisherfolks bilang pasasalamat sa kanilang malaking kontribusyon sa pag-unlad ng agrikultura sa lungsod.

Sa ganitong paraan ay mas lalakas ang market linkage ng tilapia at magbibigay ng daan para sa mga local fisherfolks na magkaroon ng mas malaking benta at kita.

Samantala, maliban sa โ€œSugba sa Plazaโ€ ay itatampok din ang Inter-School Product Development, Tilapia Cooking Competition, at Product Display (Mega Tent), ayon naman kay Efren Temario, ang Fisheries Coordinator ng OCA.

Kaugnay nito, inaasahang magiging patok sa mamamayan ang aktibidad kung saan makikita ang masaganang ani ng malalaki at malinamnam na tilapia mula sa mga fish pond growers o fisherfolks ng lungsod.

Tema ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolksโ€™ Month ngayong Mayo 2023 ay โ€œMasaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiyaโ€. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 9, 2023) โ€“ May dalang panganib ang mga cable wires na nakabitay at nagkabuhol-buhol sa mga poste ng kuryente na makikita sa kahabaan ng national highway at iba pang mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Posible itong magsanhi ng aksidente sa mga motorista o kahit sa mga tao na lumalakad o dumadaan lamang sa lugar.
Maliban rito, ay hindi kaaya-ayang tingnan at isang eye sore ang mga nakapulupot, nagkanda-buhol-buhol at halos nalalaglag na mga cable wires.

Kaya naman isang Executive Order ang nilagdaan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista para tugunan at bigyan ng solusyon ang problemang ito na matagal ring hindi nabibigyan ng kaukulang pansin.

Sa pamamagitan ng naturang EO ay naatasan ang Office of the City Building Official o OCBO para pangunahan ang pagtatanggal ng mga electrical at cable wires na nagdudulot ng hazard sa tao, mga sasakyan, at iba pang ari-arian.

Kaugnay nito pinaliwanag ni OCBO Head Engr. Jicylle Merin kung ano ang ginagawa ng OCBO personnel ngayon sa highway kaugnay ng kautusang linisin ang mga poste ng kuryente na nagtataglay ng mga dangling cable wires. Ito ay ang massive pullout of dangling wires o mga wires na hindi na ginagamit at tila napabayaan na sa tagal ng panahon.

Ibinahagi din niya ang Executive Order No. 2 series of 2023 na may titulong โ€œAn Order Prohibiting the Hazardous Dangling of Wires and Maintenance of Substandard Poles within the City of Kidapawan, Creating an Enforcement Mechanism to Ensure Compliance with Existing Provisions of Law, Directing the Filing of cases Against Violators, and other Related Purposesโ€, bilang basehan sa pagtatanggal ng mga wires. Ang mga wires ay pag-aari ng ilang mga Telecommunication Companies o Telcos na hindi na functional at tila napabayaan ng nakalambitin sa mga poste.

Kaya naman nitong May 4, 2023 ay sinimulan na ng mga personnel ng OCBO ang pagtatanggal ng mga napabayaang wires upang makaiwas sa aksidente at hind imaging masakit sa mata ang itsura ng mga poste ng kuryente.

Nagkaroon muna ng serye ng pagpupulong sa pagitan ng OCBO, Cotabato Electric Cooeprative, Inc. o COTELCO at ilang mga Telcos para sa pagsasagawa ng massive pullout of dangling wires.
Kinakailangan daw kasi na ma-identify ng tama ang mga tatanggaling wires upang hindi magka-aberya at dito kailangan ang tulong ng COTELCO pati na ang mga natukoy na Telcos.

Binigyang-diin ni Engr. Merin na buong Kidapawan ang target na ikutin ng mga linemen ngunit uunahin muna ang kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion dahil dito naka-concentrate ang mga dangling wires o volume ng mga wires at suriin na rin ang kalagayan ng mga poste ng kuryente at alamin kung ito ba ay nasa mabuting kondisyon pa o kailangan na ring palitan.

Sa kabilang dako, nilinaw ni COTELCO OIC General Manager Crismaceta Golocino na hindi pag-aari ng COTELCO ang mga dangling wires na ito. Katunayan, maraming mga wires na inilagay ang mga Telcos na kailangan ng tanggalin dahil hindi na nga ginagamit o pinakikinabangan kaya naman kailangan ng alisin.

May mga cable wires din raw na maituturing na illegal attachments dahil walang pahintulot ang paglalagay ng mga ito kaya kailangan din isali sa ginagawang massive pullout.

Kapag wala raw Joint Pole Agreement o JPA ang COTELCO at ang alinmang Telco ito ay invalid at ito ang mga illegal attachments, dagdag pa ni GM Golocino.

Sa ngayon ay unti-unti ng natatanggal ang mga cable wires na hindi magandang tingnan at posibleng maging sanhi pa ng malalang aksidente sa national highway partikular na sa harapan ng City Highwalk patungong Jolibee Drive Thru. .

Makakaasa naman ang mga mamamayan na magpapatuloy ang operasyon ng mga personnel mula sa OCBO at COTELCO kasama ang Office of the City Engineer upang unti-unti ay mawala na ang mga dangling wires na dulot ay aksidente ng motorista at iba pang panganib. (CIO)

thumb image

The Department of Tourism DOT12 Regional Director Nelia R. Arina together with Engr. Armin Hautea, the departmentโ€™s former Regional Director had a courtesy visit with the City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista yesterday, May 22, 2023.

The said visit aims to share the upcoming plans and activities of the region for an unceasing improvement and development of the industry which is sought to help boost the regionโ€™s economy and offer more job opportunities.

Kidapawan Cityโ€™s participation to Treasures of SOX Expo and the DOTโ€™s new banner project launching โ€œBisita Be My Guestโ€ were the highlighted upcoming activities.

City Mayor Evangelista also invited the DOT 12 officials to come again to Kidapawan City for the upcoming Tilapia Festival and Kasadya sa Timpupo this coming August. Both parties signified its support to the endeavors of its respective agencies for a better SOCCSKSARGEN. (City Tourism and Promotions Office/CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 22, 2023) โ€“ MALAKI ang posibilidad na papasok ang El Nino Phenomenon sa bansa sa third quarter ng kasalukuyang taon ng 2023.
Ito ay ayon sa Dept. of Science and Technology โ€“ Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration o DOST โ€“ PAGASA kung saan mahigit 80% ang probabilidad na mararamdaman ito sa buwan ng Hulyo, 2023.
Dahilan naman para ipag-utos ng Department of Interior and Local Government o DILG sa pamamagitan ng mga direktiba sa mga Local Government Units na magkaroon ng mga hakbang o paraan upang hindi gaanong makaapekto ang El Nino o matinding tag-init sa pamumuhay ng mga mamamayan.

๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐˜ฟ ๐™†๐™๐™ˆ๐™„๐™‡๐™Š๐™Ž ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™‚๐™ ๐™†๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™‹๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰

Nitong April 26, 2023 ay naglabas ng forecast at babala ang DOST โ€“ PAG-ASA na makakaranas ng El Nino ang malawak na bahagi ng bansa. Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ay nag-utos sa mga LGUs sa pamamagitan ng mga Regional, City, at Municipal kasama na ang Barangay DRRMOs na magkaroon ng Preparedness Action Plan.

Binigyang-diin ng DOST-PAGASA at NDRRMC ang negatibong dulot ng El Nino (nahati sa tatlong kategorya- Dry Condition, Dry Spell, at Drought) sa agrikultura kayaโ€™t kailangang kumilos agad upang makaiwas sa matinding pinsala at perwisyo.

Agad na tumalima sa kautusang ito ang City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista taglay ang hangaring mapaghandaan ang pagdating ng El Nino.

๐˜ฝ๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™ ๐˜ฟ๐™€๐™‹๐˜ผ๐™๐™๐˜ผ๐™ˆ๐™€๐™‰๐™๐™Š ๐™ˆ๐˜ผ๐™” ๐™‹๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™Š ๐™†๐˜ผ๐™”๐˜ผ ๐™€๐™Ž๐™๐™๐˜ผ๐™๐™€๐™ƒ๐™„๐™”๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™Š

Kailangan ng mahusay na estratehiya sa pagbuo ng hakbang para sa pagharap sa El Nino na isang malaking banta sa kaligtasan at kalusugan ng mamamayan.

Kaya naman ang mga pangunahing tanggapan o departamento ng City Government of Kidapawan na kinabibilangan ng Office of the City Agriculturist, Office of the City Veterinarian, City Social Welfare and Development Office, City Health Office at City Nutrition Action Office ay nagsumite ng kani-kanilang plano sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO kung paano haharapin ang El Nino.

Nauna nang nagsagawa ng Climate and Disaster Risk Assessment o CDRA ang Lokal na Pamahalaan upang kung saan napag-alamang 14 barangays ang napaloob sa High Vulnerability of El Nino (Red), 15 barangays ang Moderate Vulnerability (Orange), at 11 barangays ang nasa Low Vulnerability (Yellow). Makakatulong ito upang magawa ang nararapat na hakbang para sa bawat grupo o vulnerability ng mga barangay.

Matapos ang pulong ng CDRRM Council ay nabuo ang estratehiyang kinapapalooban ng tatlong bahagi at ito ay ang Early Actions, Anticipatory Actions, at Relief Actions.

๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™ˆ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™๐™€๐™†๐™Š๐™ˆ๐™€๐™‰๐˜ฟ๐˜ผ๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰ ๐™Š ๐™๐™€๐˜พ๐™Š๐™ˆ๐™ˆ๐™€๐™‰๐˜ฟ๐™€๐˜ฟ ๐˜พ๐™Š๐™๐™๐™Ž๐™€๐™Ž ๐™Š๐™ ๐˜ผ๐˜พ๐™๐™„๐™Š๐™‰

Mas maagang pagkilos, mas makakaiwas sa malaking pinsala ng El Nino. Kaya naman bilang bahagi ng Early Actions ay ipinatutupad na ng Office of the City Agriculturist ang malawakang pagtatanim sa bukid ng mga early-yielding root crops kabilang ang kamote, patatas at mga gulay tulad ng okra, talong, kalabasa, kangkong, pechay, lettuce, alugbati at iba pa habang sa palay naman ay kabilang ang mga variety 10, 440 at 538.

Dapat itong gawin maging sa mga bakanteng lote sa mga kabahayan at iba pang lugar na pwedeng mapagtamnan.

Pasok dito ang geographic (cultivation of soil) at hydroponics (water-based) vegetable gardens upang magkaroon ng self-sufficiency at mapatibay ang food supply sa mismong komunidad.
Kabilang din sa aksiyon ang propagation o pagpaparami ng napier grass, โ€œkumpayโ€ at iba pang pagkain para sa livestock.

Pinapayuhan din ang mga magsasaka na ipa-insured ang kanilang mga tanim sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC sapagkat libre lang naman ito.

Lahat ng nakapaloob sa Early Actions ay ipapabatid sa mga mamamayan sa pamamagitan ng City Information Office o CIO. Tutulong din ang Liga ng mga Barangay sa pagpapakalat ng wastong impormasyon ng pagtatanim para labanan ang masamang dulot ng El Nino.

Palalakasin din ang anti-rabies vaccination sa pangunguna ng Office of the City Veterinarian dahil malaki ang posibilidad na tumaas ang bite incidents sa panahon ng tag-init.

Sa aspeto ng Anticipatory Actions ay partikular na tinitingnan ang kalagayan ng mga marginalized households tulad ng mga rice and corn farmers, rubber tappers, laborers na direktang maapektuhan dahil sa pagkatuyo ng lupain. Sa ganitong sitwasyon ay sila ang unang maapektuhan pati na ang mga tenants, vendors, at iba pang low- income earners.

Bilang paghahanda, sinabi ng CSWDO na kabilang sa kanilang hakbang ang pagbibigay ng pagkain sa mga pamilyang kabilang sa High Risk at ang pondo ay mula sa 70% LDRRMF.

At dahil inaasahan din ang pagtaas ng poisonous animal bites tulad ng snake bites ay palalakasin ang ugnayan sa Anti-Venom Center sa Cotabato Provincial Hospital at posibleng magdagdag ng mga anti-venom.

Ang malawakang aksiyong gagawin ay ang Disaster Relief na magdadala ng ayuda sga apektadong pamilya sakaling umabot ng 60 araw ang tag-init o drought (no rainfall)at sakaling mangyari ito ay magpupulong ang City DRRM Council at i-rekomenda sa Sangguniang Panlungsod ang pagdeklara ng buong Kidapawan City sa ilalim ng State of Calamity.

Sa pagkakataong ito ay bibigyan ng otorisasyon si City Mayor Evangelista na siya ring chairperson ng CDRRMC para magamit ang 30% Quick Response Fund para sa pagtulong sa mga apektadong pamilya alinsunod na rin sa recommendation ng mga concerned offices alinsunod sa El Nino Preparedness Action Plan.

Kaugnay nito, nanawagan si Mayor Evangelista sa bawat sektor na makipagtulungan at ibigay ang buong suporta sa lahat ng hakbang ng local government para sa paparating ng El Nino Phenomenon.

Naniniwala ang alkalde na sa maagang paghahanda, maagap na pagkilos at mga epektibong jhakbang ay makakayang harapin ang El Nino at hindi ganoon kalaki ang magiging pinsala sa mamamayan ng lungsod. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 20, 2023) โ€“ BINUKSAN na ang Luntian Basketball League 2023 โ€“ Inter-Barangay Basketball na isa sa pinakaabangang laro tampok ang 40 barangays ng Lungsod ng Kidapawan.

Suot ang kanilang mga uniporme ay nagpasiklaban ang mga koponan ng bawat barangay at nakiisa sa opening program na ginanap sa City Gymnasium, alas-nuebe ng umaga ngayong araw ng Sabado, Mayo 20, 2023.

SI Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa formal opening ng naturang basketball league kung saan natuwa siya sa mainit na suporta ng bawat barangay.

Pero bago ang pormal opening, ginawa muna ang ceremonial turn-over ng 40 brand new basketball para sa 40 teams kasama ang kani-kanilang mga Punong-Barangay.

Si Mayor Evangelista ang nag-abot ng bola kasama ang iba pang panauhin na sina Kidapawan City Chief of Police LtCol Peter Pinalgan, Acting City Administrator Janice Garcia, City Councilors Gallen Ray Lonzaga at Jason Roy Sibug, at LGU Sports Coordinator Ramil Deldo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Evangelista na sa pamamagitan ng inter-barangay sports ay mapapalakas ang ugnayan ng mga barangay lalo na sa aspeto ng sportsmanship at unity.

Masayang inihayag ng alkalde na tatanggap ng tumataginting na P100,000 cash prize ang magiging champion ng naturang palaro kung saan nagpalakpakan at nagpasalamat ang lahat ng mga players.

Naglaban sa opening game ang kapwa powerhouse team na Barangay Poblacion at Barangay Sudapin kung saan nagwagi ang Barangay Poblacion sa score na 83-75.

Gaganapin naman ang Luntian Basketball League โ€“ Inter-Barangay Basketball โ€™23 bawat Sabado at Linggo hanggang sa sumapit ang kampeonato. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 20, 2023) โ€“ DOBLE ang tinanggap na biyaya ng mga residente ng Lungsod ng Kidapawan na pumila para makabili ng murang bigas mula sa City Government of Kidapawan.
Libreng gupit, libreng manicure, at libreng pedicure ang dagdag na handog sa kanila ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista habang pumipila at nag-aantay sa pagbubukas ng outlet ng murang bigas na P20.00 lamang bawat kilo.

Kagabi ay napuno ng sigla ang City Gymnasium matapos na pinapasok doon ang mga residenteng bibili ng murang bigas at ganon na lamang ang kanilang tuwa dahil nag-aantay ang mga libreng serbisyo para sa kanila.

Daaan-daang mga residente ang kinakitaan ng ngiti at saya dahil sino ba naman ang mag-aakala na maliban sa napakababang halaga ng bigas ay may dagdag na benepisyo pa na libreng haircut, manicure at pedicure, dagdag pa ang libreng kape kaya naman sulit ang kanilang pag-aantay.

Samantala, tanging ang Kidapawan City lamang sa buong bansa ang nagawang ibenta ang quality rice sa murang halaga na P20 per kilo na siya namang pangako ng national government sa mamamayan.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 018 series of 2023 ay nilikha ni Mayor Evangelista ang Agri-Trade Fair o mas kilala sa tawag na Merkado Kidapaweno kung saan makakabili ng presko at murang gulay, prutas, isda, at iba pa kabilang na ang quality rice sa murang presyo na P20/kilo.

Laan ito para sa mga Kidapawenos sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa kasalukuyan.

Layon din nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na local crops growers na maibenta ang kanilang produkto at maging bahagi sila sa paglago ng lokal na ekonomiya. (CIO/CGSO/KIDCARE)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 18, 2023) โ€“ NAIPAMAHAGI ang abot sa 1,020 bags ng agricultural salt para sa mga coconut farmers na miyembro ng 27 Small Coconut Farmers Organization o SFCOโ€™s sa Kidapawan City.

Ito ay sa ginawang ceremonial distribution sa Mega Tent kahapon, Mayo 17, 2023, alas-tres ng hapon sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist o OCA.

Layon ng pamamahagi ng naturang bilang ng agricultural salt (50 kilos/bag) ay upang mapalaki ang produksiyon ng niyog o increase in coconut yield, ayon pa kay City Agriculturist Marissa Aton.

Bahagi ito ng Food Sufficiency Program ng OCA kung saan katuwang ang mga magsasaka ng niyog sa iba-t-ibang barangay tulad ng Paco, Indangan, Singao, Amazion, Marbel, Sikitan, Balindog at iba pa, ayon pa kay Aton.

Tinungo ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang mga farmer-beneficiaries kung saan nagbigay siya ng mensahe ng suporta at pasasalamat. โ€œ๐˜๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜จ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ข๐˜ญ ๐˜ง๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด. ๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜จ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏโ€, sinabi ng alkalde.

Ipinahayag din ni Mayor Evangelista na nasa tamang landas na tinatahak ang Lungsod ng Kidapawan pagdating sa mga programa at proyekto kaya naman ginawaran siya bilang Top 6 Best Performing Mayor sa buong bansa (RP Mission and Development Foundation) mula sa 450 lungsod/alkalde sa Pilipinas.

Sa kabila nito, mapagpakumbaba pa ring sinabi ng alkalde na hindi siya ang dapat pasalamatan sa mga tagumpay ng lungsod kundi ang mga mamamayan na buong pusong sumusuporta sa mga programa at proyekto lalo na sa sektor ng agrikultura.
โ€œHindi pwedeng angkinin ng sinumang politiko o opisyal ng gobyerno ang isang proyekto dahil ang lahat na ipinatutupad na programa ay mula sa buwis na ibinabayad ng mamamayanโ€, pagdidiin ng alkalde.

Dumalo naman si Joel Dayaday, Presidente ng Small Coconut Farmers Organization โ€“ Kidapawan City at siyang nanguna sa pagtanggap ng agricultural salt kasama ang mga miyembro habang nagbigay naman ng pahuling salita o mensahe si Matthew Julius Alcebar, Agricultural Technologist at Coconut Coordinator kung saan pinasalamatan niya si Mayor Evangelista at ang OCA sa makabuluhang proyektong inilaan sa mga magsasaka ng niyog.

Samantala, matapos naman ang ceremonial distribution ng agricultural salt kahapon ay inaasahang magtutuloy-tuloy na ang pamamahagi ng naturang ayuda upang madagdagan pa ang bilang ng mga coconut farmers na matutulungan ng programa. (CIO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio