Author: IAN FAMULAGAN

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (April 19, 2023) The City Government of Kidapawan, Metro Kidapawan Water District and the Kidapawan City Schools Division of the Department of Education conducted the final ocular inspection and water testing of the schools to be used as billeting and housing venues of all athletes and officials of the SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet or SRAA to be hosted by the city on April 24-28, 2023.

City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista led all officials in the ocular inspection of the water connection in thirteen different public schools that will serve as housing and billeting area for the delegate athletes and officials.

Joining the said officials were Atty William Angos, and Mrs. Melagrita Valdevieso, the new Chairperson and Secretary of MKWD Board of Directors (BOD) respectively, incumbent BODโ€™s Allan Pandio, Lynnie Cagape and Elisa Salac, MKWD General Manager Stella Gonzales and Assistant General Manager Engr Wilesper Lizandro Alqueza and City Tourism and Investment Promotions Officer Gillian Ray Lonzaga were also present during the activity.

The inspection team was happy to note that the water services connected in the schools are safe and well enough to be used by the delegates as they themselves tested and tasted it.

Inspected schools in the city that will house the different delegations are: Lanao Central Elementary School, Lanao National High School, Isidoro Lonzaga Memorial Elementary School, Paco Central Elementary School, Paco National High School, Kidapawan City National High School, Felipe Suerte Memorial Elementary School, Saniel Cruz National High School, Kidapawan City Pilot Elementary School, Amas Central Elementary School, Amas National High School, Mariano Mancera Integrated School, and Singao Elementary School.

The said schools will be utilized by the host delegation of Kidapawan City, General Santos City, South Cotabato, Koronadal City, Sultan Kudarat, Tacurong City and Sarangani as well as all technical officials who will officiate the games.

Cotabato Province delegation meanwhile, will be billeted and housed separately in Magpet National High School.

In relation to the above mentioned development, the City Government has finally drawn it security and traffic route plan in place for the entire period of the SRAA meet.

Mayor Evangelista assures all the delegates of their safety in the week long athletic meet. (CMO-CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (April 18, 2023) โ€“ DALAWANG mga piling barangay sa Lungsod ng Kidapawan ang pagtatayuan ng mga karagdagang mga Super Health Center na nagkakahalaga ng mahigit P8M bawat isa. Ito ay kinabibilangan ng Barangay Binoligan (Western Kidapawan Super Health Center- P8.1M) at Barangay San Isidro (North-Western Super Health Center- P8.2M) kung saan ginanap ang Groundbreaking Ceremony kahapon, Abril 17, 2023 sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista at si Dept. of Health (DOH) 12 Regional Director Dr. Aristides Concepcion-Tan. Layon ng paglalagay ng mga Super Health Centers ay upang mas mailapit pa sa mamamayan ang serbisyong pangkalusugan at medical at mapanatili ang maayos na pamumuhay sa mga barangay. Maliban rito ay mas madaling makatanggap ng serbisyo ang mga mamamayan dahil nasa mismong barangay na ang nabanggit na pasilidad at hindi na kailangan magtungo pa sa sentro o sa City Health Hospital upang magpatingin.Mga mahahalagang serbisyo ang hatid ng Super Health Center tulad ng TB DOTS, birthing center, laboratory, x-ray, ultrasound, pharmacy, kasama pa ang ambulatory surgical unit โ€“ basic services, EENT services, outpatient services at ang telemedicine. Sa pamamagitan naman ng telemedicine ay hindi na kailangan pa ng may sakit o ng pasyente na bumiyahe dahil sa pamamagitan lamang ng virtual communication ay gagawin ng espesyalista ang diagnosis sa kanya.Gagamitin ang pondo mula sa DOH para sa konstruksiyon ng mga Super Health Center ng Barangay Binoligan at San Isidro habang maglalaan din ng counterpart ang City Government of Kidapawan at ito ay ang sweldo ng mga itatalagang personnel, regular supplies, at mga gamot na kakailanganin ng mga pasyente na magpapatingin doon.Kaugnay nito, kapwa naman nagpahayag ng ibayong pasasalamat ang mga Punong-Barangay na sina Ricky Rogero ng Barangay Binoligan at Dionisio Wanal ng San Isidro pati na ang kanilang mga kagawad at residente o naninirahan sa lugar.Una ng nagkaroon ng P8M Urban Health Center sa Barangay Mua-an noong 2019 at P9M Super Health Center sa Barangay Kalaisan na sinimulang itayo nitong nakalipas na 2022 at matatapos na sa darating na buwan ng Mayo 2023 na tiyak namang magdudulot ng ginhawa sa mga mamamayan pagdating sa usapin ng essential medical services. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 14, 2023) โ€“ PAKIKINABANGAN na ng tatlong purok sa Barangay Junction, Kidapawan City ang bagong water system facilities na ipinagkaloob sa kanila ng City Government of Kidapawan na nagkakahalaga ng P3,535,646.25.Kabilang rito ang Purok Pag-asa na nabigyan ng 1unit Elevated Steel Tank, Purok Madasigon na nabigyan ng 1 unit ng Concrete Ground Reservoir at ang Purok Mauswagon na nabiyayaan ng 1unit Concrete Ground Reservoir at 1 Deep Well Drilling, ayon kay Engr. Lito Hernandez, ang City Engineer ng Kidapawan. Ginanap ang blessing and turn-over ceremony ng naturang proyekto ngayong araw ng Biyernes, Abril 14, 2023, alas-10 ng umaga.Mula sa General Fund ang pondong ginamit para sa proyekto na naglalayong mabigyan ng sapat at malinis na tubig ang mga residente ng nabanggit na mga purok. Si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa turn-over kasama si Engr. Hernandez kung saan pormal at masayang tinanggap ni Junction Punong Barangay Crestitutu Sarigumba, mga purok leaders at kanilang nasasakupan ang tatlong proyekto.Dumalo din sa mahalagang aktibidad sina City Councilors Carlo Agamon, Galen Ray Lonzaga, Jason Roy Sibug, Airene Claire Pagal, Judith Navarra, Michael Earvin Ablang at ABC Kidapawan President at Ex-Oficio Morgan Melodias.Pinasalamatan ni Sarigumba si Mayor Evangelista sa natanggap na mga proyekto na ayon pa sa kanya ay lubhang kinakailangan ng mga purok at ngayong napasakamay na nila ito ay nangakong iingatan at gagamitin ng maayos ang mga pasilidad. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 14, 2023) โ€“ MATAGUMPAY na isinagawa ngayong araw na ito ng Biyernes, Abril 14, 2023 ang Groundbreaking Ceremony at Laying of Capsule ng gagawing Kidapawan City Circumferential Road (By-Pass and Diversion Roads) sa bahagi ng Barangay Nuangan at bahagi ng Barangay Magsaysay ng lungsod.Nagkakahalaga ng P183,350,000.00 ang naturang proyekto na ang pondo ay mula sa General Appropriations Act – Dept of Public Works and Highways – Regular Fund na naisakatuparan sa pamamagitan ng City Government of Kidapawan.Mismong si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa seremonya ng groundbreaking ng proyekto kasama si Engr. Eliseo Ontoc, MPA (DPWH District Engineer) at ang espesyal na panauhin sa katauhan ni 2nd District of Cotabato Representative Rudy S. Caoagdan. Sisimulan naman ang konstruksiyon ng proyekto sa Abril 25, 2023 at inaasahang matatapos sa loob ng 310 calendar days kung saan tuluyan ng magagamit para maibsan ang mahigpit na daloy ng trapiko sa national highway.Kaugnay nito, pinasalamatan ni Nuangan Punong Barangay Cristina Padaya ang City Government of Kidapawan at si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa mahusay na pakikipag-ugnayan sa ahensiya ng pamahalaan at sa pagsisikap nito na maisakatuparan ang napakahalagang proyekto. Kasama ng alkalde sa groundbreaking at laying of capsule ang mga konsehal ng Lungsod ng Kidapawan na sina Francis Palmones, Jr. Carlo Agamon, Galen Ray Lonzaga, Jason Roy Sibug, Airene Claire Pagal, Judith Navarra, Michael Earvin Ablang, at si ABC Kidapawan President at Ex-Oficio Morgan Melodias. Nasa aktibidad din si City Engineer Lito Hernandez at mga residente ng nabanggit na mga barangay. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 13, 2023) โ€“ BILANG bahagi ng pagpapalago ng kanilang produksiyon at kita, isinagawa ng Highland United Beekeepersโ€™ Association of Kidapawan o HUBAK ang isang mahalagang proseso na kung tawagin ay stingless bee rearing and colony splitting.Ayon kay City Agriculturist Marissa Aton, mahalaga ang prosesong ito sa layuning maparami ang mga colony o propagation of stingless bee. Nakapaloob sa proseso ang paglalagay ng mga bee colony sa isang splitting area gamit ang mga kahon o wooden boxes upang paglipatan ng mga bee colony at nang sa gayon ay dumami o madagdagan pa ang mga colony o bahay ng mga bubuyog pati na ang mga queen bee.Kailangan namang magsuot ng mga proteksyon sa mukha at katawan ang mga miyembro ng HUBAK na magsasagawa ng stingless bee rearing and colony splitting. May apat na venue naman kung saan isinagawa ang nabanggit na proseso ng rearing and colony splitting at ito ay kinabibilangan ng Heavenโ€™s Bounty Farm (Barangay Binoligan), Bayot Farm (Barangay Balindog), Dikoyโ€™s Farm (Lower Nuangan), at Cresenta Integrated Farm (Barangay Indangan).Kasamang nagsagawa ng nabanggit na proseso ang ilang mga key personnel ng HUBAK at ito ay sina Corafer Moreno (Coordinator), Marc Joshua Padua (President), Garry Ayuste (Coach at Proprietor ng BEEngo Farm na nakabase sa Tunga, Leyte at mga miyembro ng HUBAK. Itinatag ang HUBAK alinsunod sa kautusan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista upang mapalago ang beekeeping at honey production sa lungsod at maging bahagi ng income-generating livelihood ng mga mamamayan.Makakatulong din ito sa pagkakaroon ng balanse sa ecosystem ng lugar. (CIO//Photos by Highland United Beekeepersโ€™ Association of Kidapawan)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 13, 2023) โ€“ MAS pinalakas pa ang kampanya para sa kaligtasan ng kapaligiran o environmental protection sa Lungsod ng Kidapawan.Ito ay makaraang bumalik ang ibaโ€™t-ibang departamento ng City Government of Kidapawan sa watershed na matatagpuan sa Sitio Sumayahon, Barangay Perez, Kidapawan City upang magtanim ng mga karagdagang punong-kahoy tulad ng lawaan, dao, tinikaraan at iba pang maituturing na endemic trees sa naturang lugar na isang Strict Protection Zone.Hinati sa apat na grupo ang ibaโ€™t-ibang mga tanggapan ng City Government upang magsagawa ng tree planting at tree growing activity at ito ay ang mga sumusunod: Group 1 โ€“ Office of the City Agriculturist, Office of the City Assessor, City Health Office, Public Employment and Service Office, at City Environment and Natural Resources Office na una ng nagtungo sa watershed (Site 3) kahapon, Abril 12, 2023. Group 2 โ€“ Office of the City Accountant, Office of the City Engineer, City Social Welfare and Development Office, Office of the Senior Citizens Affair, Office of the Civil Registrar, City Information Office, Local Economic Development and Investment Office, City Legal Office, Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan, SP Secretary, at Office of the City Treasurer kung saan nagtungo ang mga ito ngayong araw ng Miyerkules, Abril 13, 2023. Group 3 โ€“ Civil Security Unit, Office of the City Veterinarian, Office of the City Mayor, Office of the City Vice-Mayor, Kidapawan City Anti-Vice Regulation, Market Administration, Overland Terminal, Building Permit Licensing Office, Culture and Arts, Tourism, PODO, Internal Audit Service, at Information Communication Office, Tribal Office, City Administrator, GeoPindot, City Gymnasium and Convention na magtatanim sa Abril 18, 2023. Group 4 โ€“ Office of the City Budget Officer, Human Resource Management Office, City Cooperative Development Office, City General Services Office, Bids and Awards Committee, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Office of the City Building Official, City Planning and Development Office, Pag-Amuma Assistance Unit (PAU), Motorpool, at Traffic Management and Enforcement Unit.Magagawang itanim ng mga nabanggit na grupo/departamento ang tinatayang 8,000 punong-kahoy na naayon naman sa layunin ng CANOPY 25 kung saan target na makapagtanim ng kabuuang 2.5 milyong punong-kahoy at mapalakas pa ang proteksiyon at pangangalaga ng kapaligiran at para mabawasan ang mga matitinding pagbaha at iba pang uri ng kalamidad. Inilungsad ang CANOPY 25 nitong Pebrero 21, 2023 sa bahagi Sarayan River, Barangay Ginatilan, Kidapawan City kung saan nakiisa ang ibaโ€™-t-ibang sektor tulad ng government, non-government organizations, peoplesโ€™ organizations, academe, business, at maraming iba pa sa pagtatanim ng mga endemic trees sa lugar.Samantala, mas lumawak pa ang suporta sa CANOPY 25 na isa sa pinakamahalagang proyekto ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista dahil sa patuloy na pagdami ng mga volunteers mula sa ibaโ€™t-ibang sektor ng lipunan na kaisa sa layuning mailigtas ang mga mamamayan partikular na ang mga susunod na henerasyon mula sa negatibo o mapanirang epekto ng pagbabago ng klima o climate change. (CIO)

thumb image

Maaalala na ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan sa pamamagitan ng opisina ng City Tourism (KCTPO) at Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU) ay nagsimulang isagawa ang oryentasyon para sa mga kwalipikadong traysikel na opereytor at drayber na opisyal na makapagpasakay ng mga delegado sa nalalapit na SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet ngayong Abril 24-29, 2023.

Ang nasabing oryentasyon ay dinaluhan ng mga ibaโ€™t-ibang kwalipikadong miyembro ng mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa tulong ni G. Jabbi Omandac, ang Presidente ng Federation of Tricycle Operators and Drivers Associations o FKITA.

Kasama sa programa ng nasabing oryentasyon ay ang Values Formation with Life Skills Training on Communication Styles by Mr. Michael Joseph Salera, Project Development Officer II of CSWDO, Republic Act No. 11313 or the Safe Spaces Act / Bawal Bastos Law by Ms. Ivy Mae Vios-Getutua, Legal Assistant ng City Legal Office at Traffic Rules & Regulations, and Fare Matrix by Ms. Richelle Taclindo, Head of Planning and Enforcement ng TMEU.

Inaasahan na ang lahat ng mga leksiyon sa oryentasyon ay madadala at patuloy na maaalala ng lahat lalo na sa nasabing okasyon.

Lubos naman ang pasasalamat ng lahat kay City Mayor, Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa oportunidad na binigay nito para sa kanila at sa insentibong ipinagkaloob.

Magpapatuloy naman ang oryentasyon sa natitirang iskedyul sa Abril 3, 4, 11, 12, 13, 17 & 19 sa City Convention Hall.

Para sa mga nais sumali sa oryentasyon at maging isang ganap na luntian trike, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng City Tourism o Pag-amuma (dating Brgy. Affairs) at hanapin lamang si G. Jabbi Omandac.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 29, 2023) โ€“ ISANG makasaysayang araw para sa mga guro at mag-aaral ng Datu Igwas IP Integrated School sa Sitio Embasi, Barangay Perez, sa Lungsod ng Kidapawan ang araw na ito ng Miyerkules, Marso 29, 2023.Ito ay matapos isagawa doon ang turn-over ng isang school building project (4-classrooms) mula sa Consulate General of Japan in Davao sa ilalim ng Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects na nagkakahalaga ng P5,116,874.05. Sinimulan ang konstruksiyon ng naturang proyekto noong May 2022 at natapos ngayong buwan ng Marso 2023 o katumbas ng 10 buwan at gagamitin ng mga estudyante ng Junior High School.Dumalo bilang panauhing pandangal ang mismong Consul General of Japan (nakabase sa Davao City) na si Yoshihisa Ishikawa kasama si Mindanao Childrenโ€™s Library Executive Director Tomo Matsui at iba pang dignitary mula sa nabanggit na mga tanggapan.Sa hanay naman ng DepEd ay dumalo si Kidapawan Schools Division Superintendent Dr. Natividad Ocon, CESO VI at Datu Igwas IP Integrated School Teacher-in-Charge Johnny Serrano kasama ang mg guro at mga batang mag-aaral ng naturang paaralan.Nakiisa din sa mahalagang okasyon si Punong Barangay Jabert Hordista, Sr. at mga kagawad ng barangay upang saksihan ang turn-over kasama si Vivien Igwas na kumatawan kay Raden Igwas (LAMAD/CADT Chairman).Samantala, sa hanay ng City Government of Kidapawan ay dumalo bilang representante ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista si City Councilor Gallen Ray Lonzaga, City Planning and Development Officer Engr. Divina Fuentes, at mga pesonnel ng CPDO.Ipinadala naman ni Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza bilang representante sa okasyon si Board Member Ryl John Caoagdan ng 2nd District of Cotabato. Lahat sila ay nagpasalamat kay Consulate General Ishikawa sa pagbibigay ng proyekto na makatutulong ng malaki sa mga mag-aaral at magpapabago sa buhay ng mga taga Sitio Embassi. Magkasunod namang isinagawa ang Ceremonial turn-over of the key at ang cutting of ribbon and unveiling of marker kasama ang mga nabanggit na mga dignitary at iba pang bisita. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 30, 2023) โ€“ SA pamamagitan ng one-day seminar-workshop na pinangunahan ng Local Civil Registry ng Kidapawan City kahapon Marso 29, 2023 ay tiyak na mapalalakas pa ang Civil Registration o ang pagpapatala ng birth, marriage, death certificates, ng mga mamamayan ng lungsod.Ang naturang aktibidad na ginanap sa City Convention Center ay may temang โ€œStrengthened Civil Registration Through High Registration Accuracyโ€ seminar-workshop na dinaluhan ng abot sa 20 mga government nurses at lying-in clinics sa lungsod kung saan nabigyan sila ng karagdagang impormasyon sa wastong pagpapatala ng civil registry documents tulad na lamang ng mga nabanggit na dokumento, ayon kay Acting Local Civil Registrar Mercedes Tolentino.Sa ngayon ay ang LCR Kidapawan ang nagpoproseso ng mga dokumento para sa birth, marriage, and death certificates kung kayaโ€™t unti-unti ay binigyan din ng sapat na kaalaman ang mga personnel sa pampublikong hospital tulad ng nurses at iba pa na matutunan ang paglalagay ng wastong impormasyon sa mga dokumento tulad ng date and place of birth, date and place of death, at iba pang impormasyong inilalagay sa mga civil registry documents.Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang mga delay, errors, at iba pang problem sa mga birth, marriage, at death certificates, ayon pa kay Tolentino at mas magiging madali para sa mga residente ang makaproseso ng iba pang transaksyong nangangailangan ng mga civil registry documents.Dalawang opisyal mula sa Philippine Statistics Authority o PSA Cotabato ang naging speakers sa seminar-workshop at ito ay sina Sally Fe Dalo-on, Registration Officer II na nagbahagi ng Basic Concept and Procedures of Civil Registration (birth and death certificates) at Engr. Belinda Penuela, Chief Statistical Specialist na nagbahagi naman ng RA 9255 โ€“ An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose Article 176 of EO 209 Family Code of the Phils at RA 9858 โ€“ An Act Providing for the Legitimation of Children Born to Parents Below marrying Age- Amending for the Purpose the Sec. 1 Art 1 of EO 177 Family Code of the Philippines. Matapos ang lectures ay nagkaroon ng Open Forum ang mga speakers, participants at mismong LCR employees kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makapagtanong at masagot ang ilang mga mahahalagang bagay sa paggawa ng civil registry documents.Sinundan naman ito ng workshop partikular na kung papano mag-fill out o papano ilalagay ng tama ang mga data sa Certificate of Live Birth (COLB) at Certificate of Death (COD) na malugod ding ginawa ng mga partisipante.

Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng pamimigay ng Certificate of Appreciation and Certificate of Participation sa mga speakers at participants. (CIO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio