Author: IAN FAMULAGAN

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 30, 2023) โ€“ NAGING highlight ng ika-10 Regular Annual Assembly ng Mindanao Transportation Service Cooperative o MINSTRANSSCO ang blessing ng kanilang anim na mga bagong passenger bus na may rutang Makilala-Digos City-Toril. Isinagawa ang blessing and formal turn-over ng nabanggit na mga sasakyan mula sa AutoKid (supplier) kasama ang ilang personnel mula sa Development Bank of the Philippines o DBP (financier), Cooperative Development Authority o CDA alas-9 ng umaga sa City Pavilion.Nanguna sa pagtanggap sa mga bagong bus ang mga opisyal ng MINTRANSSCO na kinabibilangan nina Vice Chairman Rommel Nambong, Board of Directors Elmer Bernaldez at Danilo Costes, Secretary Van Aragon at iba pa.Ang MINTRANSSCO ay rehistrado sa CDA sa Lalawigan ng Cotabato at nakapagbigay ng trabaho at iba pang tulong sa maraming miyembro nito.Ginanap naman sa City Gymnasium ang nabanggit na assembly pagsapit ng alas-10 ng umaga kung saan dumagsa ang mga opisyal at miyembro ng MINTRANSSCO mula sa Lungsod ng Kidapawan at mga kalapit na bayan ng Mโ€™lang, Tulunan, Bansalan, at Arakan.Si Acting City Administrator Janice Garcia ang ipinadala ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa aktibidad upang ihatid ang kanyang pagbati sa MINTRANSSCO lalo na sa mga opisyal at kasapi nito.Ginanap din ang Chairmanโ€™s Report at Financial Statement Report at ang election of new set of officers (2023-2024) na kinabibilangan ng BOD Chairman, Vice-Chairman, BOD, Treasurer, Secretary at mga Chairperson ng ibaโ€™t-ibang committees tulad ng Audit, Election, Education, at Ethics kung saan Oath-Taking ang mga ito sa harapan ni Demetillo Bernabe, ang City Cooperative and Development Officer ng Kidapawan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (March 31, 2023) – MULING namahagi ng mga libreng biik ang City Government of Kidapawan sa pamamgitan ng Office of the City Veterinarian sa mga hog raisers na una ng naapektuhan ng African Swine Fever.

Ginanap ang hog dispersal ngayong araw ng Biyernes, March 31, 2023, alas 8 Ng umaga.

Layon ng programa na tulungan ang mga naapektuhang mga nag-aalaga ng baboy na maka-ahon mula sa negatibong epekto ng ASF sa kanilang komunidad.

Si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at City Veterinarian Dr. Eugene Gornez ang nanguna sa pamamahagi ng naturang mga alagang hayop sa 17 mga beneficiaries ng programa na nagmula sa mga barangay ng Indangan, Balabag, San Isidro, Sto. Niลˆo, Balindog, Manongol, Sudapin, New Bohol at Macebolig.

Dalawa hanggang tatlong mga biik ang natanggap ng mga beneficiaries ng ASF Recovery Program ng City Government.

May kalakip din na starter feeds para pagkain ng mga biik upang di na gaanong gumasto pa ang mga hog raisers.

Libre walang babayaran ang mga hog raisers na ang mga biik at tanging 50% ng kabuo-ang halaga ng feeds ang ibabalik ng mga beneficiaries sa City Government, ayon kay Mayor Evangelista.

May nilagdaang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng mga beneficiaries at ang City Government kung saan nakasaad and responsibilidad ng bawat beneficiary na paramihin ang mga biik at sa City Government naman ang pagmo-monitor sa kalagayan ng biik na manatiling malusog at maayos na lumaki para maibenta sa mga pamilihan.

Pasasalamat naman ang ipinapaabot ng mga nakatanggap ng naturang ayuda sa tulong ng City Government.

Matatandaang sumailalim sa โ€˜cullingโ€™ ang lahat ng mga baboy sa mga lugar na tinamaan ng ASF para masegurong hindi ito makahawa sa iba pang mga hayop sa kalapit na lugar.

Nagresulta naman ito sa pagkalugi ng maraming hog raisers sa kasagsagan ng ASF. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – THE CITY Government of Kidapawan and the Republic of Indonesia have agreed to forge a partnership in terms of Trade Investment and Tourism. City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista welcomed His Excellency Dr. Achmad Djatmiko – Consul General of the Republic of Indonesia in Davao City on Friday, March 24, 2023 during the latterโ€™s courtesy call and joint meeting on trade, investment and tourism promotion with the Local Chief Executive of the city. The officials met and talk about prospects that will form a lasting partnership between Kidapawan City and Indonesia that will bring in more prosperity and cultural exchange. The dialogue between the two officials centered mainly on trade and investment opportunities, tourism, agriculture, culture and the arts and sustainable environmental protection.Dr. Djatmiko admired the city for its beautiful landscape and greenery and considers these as potential for a strong partnership between his country and Kidapawan. Dr. Djatmiko led the Indonesian Consular team composed of Consul for Economic Affairs Novita Sientya Deysie Supit and Consular Staff for Economic, Information and Socio-Cultural Affairs Algen Landas, Geovani Mecompodis and Arvando Natanel Tampubolon. Also present were Department of Trade and Industry Cotabato Provincial Director Ferdinand Cabiles, Kidapawan Chamber of Commerce President Rey Narciso and Jennie Recimilla – Cabrera who is President of the Kidapawan Travel Agency Association. ##(CMO/cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 27, 2023) โ€“ ABOT sa 43 na mga kasapi ng Kidapawan Fish Vendors Association o KCFVA ang nakatanggap ng mga bagong digital weighing scale mula sa City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng Local Economic and Investment Promotion Office o LEDIPO.

Ginawa ang pamamahagi sa loob ng Kidapawan City Public Market o mega market nitong Marso 24, 2023.

Nagkakahalaga ng P3650 ang bawat weighing scale kung saan kalahati lamang ang babayaran ng mga vendors o P1,825 sa loob ng 12 buwan o katumbas ng P152 per month habang ang kalahati ay sagot na ng City Government of Kidapawan.

Mismong si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa naturang distribusyon ng libreng timbangan kasama si LEDIPO Head Stella Hernandez at mga personnel ng tanggapan kasama ang market administration.

Layon ng pamamahagi na ma-upgrade ang mga kagamitan ng mga fish vendors partikular na sa ginagamit nilang mga weighing scale.

Ipinaabot naman ng KCFVA ang kanilang pasasalamat kay Mayor Evangelista sa pamamagitan ng kanilang presidente na si Noel Pagayon.

Inaasahan na sa pamamagitan ng mga bagong digital na timbangan ay mapapahusay pa ang takbo ng kalakalan sa Public Market o mega market ng lungsod. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 28, 2023) โ€“ BINUKSAN na ngayong araw na ito ng Martes, March 28, 2023 ang Cotabato Integrated Farm Training Center, Inc. na matatagpuan sa Purok Guyabano, KM 116 Paco, Kidapawan City at siyang pinakabagong Learning Site for Agriculture (Level 1).

Dumalo sa simpleng Opening Ceremony and Unveiling of Signage ng Cotabato Integrated Farm Training Center, Inc. ang ilang mga heads at representatives ng ibaโ€™t-ibang ahensiya na kinabibilangan nina Engr. Franklin Beltran (TESDA), Jose Cabulanan (Dept of Tourism), Ruel Villanueva (OPAG), City Agriculturist Marissa Aton, Punong Barangay Edgarlito Elardom mga personnel mula sa DA-ATI12 at iba pang mga bisita.

Naitatag ang CIFCTI matapos na irekomenda ito ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista upang mabigyan ng accreditation bilang learning site (Level 1) at makapasa sa mga requirements na itinakda ng DA-ATI12 tulad ng orientation of the prospective LSA, accomplishment of the farm profile form, field validation/ocular inspection, LSA development plan, at iba pa.

Sa pamamagitan ng CIFTCI ay magkakaroon ng pagkakataon ang magsasaka kabilang ang mga young farmers na mabigyan ng sapat na training sa mga makabagong pamamaraan ng agrikultura sa tulong ng mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan.
Kabilang dito ang agricultural technologies, doable farming strategies, emulation, at iba pa.

Nakapaloob din sa mga pakinabang bilang learning site for agriculture (Level 1) ang mga sumusunod โ€“ practicum area, venue for practical and hands-on training, visitation area, On-the-Job Training (OJT) site for ATI scholars and other interested students/individuals.

Ang CIFTCI na ang pang-apat na Learning Site for Agriculture sa Kidapawan City. Ang tatlong iba pa ay kinabibilangan ng La Villa Aqua Farm (Brgy Manongol), Dr. Alfred Essentials (Brgy Birada) at Heavens Bounty Farm (Binoligan).

Ginawaran naman ng Certificate of Learning Site for Agriculture mula sa DA-ATI12 si Engr. Jimmy Fontanilla, may-ari ng CIFTCI na nagpapatunay na may angkop na kakayahan ang kanyang pasilidad para sa pagpapaunlad ng kaalaman, produksiyon, at kita ng mga magsasaka o iba pang indibidwal o grupo mula sa sektor ng agrikultura.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng unveiling of signage ng CIFTCI na sinaksihan ng mga nabanggit na heads at representatives, barangay officials, farmers, at iba pa.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaring bumisita sa CIFTCI o tumawag sa CP no. 0910-555-7247 o di kaya ay makipag-ugnayan sa Office of the City Agriculturist sa City Hall, Barangay Avenue Drive, Brgy. Poblacion, Kidapawan City o magpadala ng email sa [email protected] (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 27, 2023) โ€“ MATAPOS ang ginawang practical exam ng abot sa 27 mga butcher o matadero nitong Biyernes, Marso 24, 2023 ay tuloy-tuloy na ang operasyon ng Kidapawan City Slaughterhouse o mas kilala sa tawag ng Kidapawan โ€œAAโ€ Slaughterhouse ngayong araw ng Lunes, Marso 27, 2023. Matatandaang natapos na ang isinagawang dry run ng bagong slaughterhouse na matatagpuan sa Barangay Kalaisan ng lungsod partikular na ang mga bagong pasilidad nito na kinabibilangan ng lairage/holding pen, restraining/stunning box, scalding vat, hoist, manual pulley system, dehairing platform pati na evisceration/splitting platform, offal cleaning room, meat hanging area at meat van.Nagkakahalaga ng P25M ang Kidapawan City Slaughterhouse na isang counter-parting project sa pagitan ng National Meat Inspection Service ng Department of Agriculture o DA-NMIS (P10M) at ng City Government of Kidapawan (P15M).Makakaya ng bagong slaughterhouse ang pagkatay ng mula 10-12 cattles o baka at mula 50-60 hogs o mga baboy bawat araw.Ang City Veterinarian Office sa pangunguna ni Dr. Eugene Gornez ang mangangasiwa sa technical aspect partikular na sa paggamit ng mga bagong makinarya o pasilidad ng Kidapawan โ€œAAโ€ Slaughterhouse.Malaking pakinabang naman sa mga mamamayan ng lungsod ang pagkakaroon ng modernong slaughterhouse dahil makatitiyak na maayos at nasusunod ang mga itinakda ng NMIS pagdating sa wastong pagkatay ng mga hayop tulad ng baka, baboy, at kambing na siya namang mandato ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa OCVET at sa Local Economic Development and Investment Promotion o LEDIPO at Market Administration na siyang mga tanggapan nangangasiwa sa operasyon ng slaughterhouse. Naigawad naman sa Kidapawan City Slaughterhouse o โ€œAAโ€ Slaughterhouse ang kinakailangang License to Operate o LTO kung kayaโ€™t tuloy-tuloy na ang operasyon ng naturang pasilidad. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 21, 2023) โ€“ DALAWANG natatanging aktibidad ang isinagawa ngayong araw na ito ng Martes, Marso 21, 2023 sa bahagi ng Sarayan River na matatagpuan sa Barangay Ginatilan, Kidapawan City partikular sa Purok 7 ng nabanggit na barangay.Ito ay ang paglulungsad ng Balik-Sigla sa Ilog at Lawa o BASIL at ang tree planting activity na pinangunahan ng Office of the City Agriculturist (OCA) kasama ang City Agricultural and Fishery Council, Inc (CAFCI) at mga opisyal ng Barangay Ginatilan sa pangunguna ni Punong-Barangay Arlene Cabacungan at ang mismong mga residente sa lugar.Abot sa 10,000 tilapia fingerlings ang inilagak o pinakawalan sa ilog ng Sarayan kung saan nagmula ang nabanggit na bilang ng fingerling mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR habang abot naman sa 100 cacao seedlings mula sa OCA ang itinanim sa gilid na bahagi ng ilog, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton. Layon ng BASIL na manumbalik ang sigla ng naturang ilog pati na ang mga isdang nabubuhay dito at mapanatili ang natural habitat nito kung kayaโ€™t dito ibinuhos ang mga tilapia fingerlings, ayon pa rin kay Aton.Bahagi naman ng CANOPY 25 tree planting and tree growing project ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang ginawang pagtatanim ng mga cacao seedling sa ilog. Madadagdag ang mga itinanim na cacao sa lumalaking bilang ng mga punong naitanim na ng mga volunteers kung saan target na makamit ang abot sa 2.5 milyong punong-kahoy sa loob ng isa o dalawang taon para na rin sa kaligtasan ng kapaligiran at proteksyon ng mamamayan.Para naman kay Punong-Barangay Cabacungan, mapalad ang kanyang barangay na isa sa mga piling lugar na pagtataniman ng ibaโ€™t-ibang uri ng punong-kahoy at mga fruit trees at sa ginawang launching ngayong araw ng BASIL ay manunumbalik ang dating kalagayan ng ilog ng Sarayan.At para naman mapaigting pa ang CANOPY 25 ay gumawa ng hakbang sa pamamagitan ng panukala ang mga opisyal ng Barangay Ginatilan upang makapagtanim hindi lamang sa palibot ng Sarayan River kundi pati na sa gilid ng kalsada o government roads.Bilang panghuli ay may mensahe naman ang Punong-Barangay sa mga mamamayan ng Ginatilan at pati na sa mga residente ng iba pang barangay sa Lungsod ng Kidapawan.Kaugnay nito, inaasahang magtutuloy-tuloy na ang sama-sama at nagkakaisang pagkilos para sa CANOPY 25 at tuluyan ng makamit ang mithiing maitanim ang abot sa 2.5 milyong punong kahoy para sa kapakanan hindi lamang ng mga tao sa kasalukuyan ngunit sa mga susunod pang mga henerasyon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 23, 2023) โ€“ SA temang โ€œRespecting Diversity Through Joint Social Actionโ€ ay ipinagdiwang ng mga Registered Social Workers mula sa ibaโ€™t-ibang munisipyo sa Lalawigan ng Cotabato at sa Lungsod ng Kidapawan ang World Social Work Day 2023 ngayong araw ng Huwebes, Marso 23, 2023.

Ginanap ang pagdiriwang sa Kidapawan City Gymnasium na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO na nagsibi namang host ng aktibidad sa pangunguna ni Daisy Gaviola ang CSWD Officer ng Kidapawan.

Bilang panimula ay sabay-sabay na binigkas ng mga social workers ang Code of Ethics of Social Workers sa pangunguna ni John Karlo Ballententes, ang Municipal Social Welfare and Development Officer ng Midsayap, Cotabato.

Sinundan ito ng pagbibigay ng welcome message ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kung saan mainit niyang binati at tinanggap ang mga partisipante kasabay ang pagkilala sa kakayahan at kahusayan ng mga social workers.

Sinabi ng alkalde na isa itong magandang pagkakataon para sa mga naturang empleyado ng pamahalaan na magtipon-tipon at magbigay ng updates.

Dumalo rin at nagbigay ng inspirational message si Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza. Sentro ng mensahe ng gobernadora ang mahalagang papel ng mga social worker hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi sa lahat ng pagkakataon na nakahanda ang kanilang hanay upang tumulong sa mamamayan.

Bahagi rin ng aktibidad ang Presidentโ€™s Report ng Philippine Association of Social Workers, Inc. o PASWI North Cotabato Chapter na iniulat ni Aloha Ballos (President โ€“ PASWI) at ang Treasurerโ€™s Report na ibinigay naman ni Catherine Quijote (Treasurer โ€“ PASWI).

Nagbigay ng message and update si Lina Canedo, ang MSWD Officer ng Makilala na dumadalo sa isang international convention sa Vietnam.

Matapos nito ay namahagi ng mga Certificate of Recognition at Plaque of Appreciation ang PASWI โ€“ North Cotabato sa mga natatanging miyembro at ginanap din ang election of officers para sa taong 2023-2025.

Lalong naging memorable ang aktibidad dahil nagsagawa ng tribute para sa mga PASWI retirees at pati na patimpalak tulad ng singing, Tiktok dance, at Zumba contest kasama pa ang raffles and socialization.

Sa kabuuan ay naging makulay at tunay na makabuluhan ang okasyon dahil nagkaroon ng espesyal na pagkakataon ang hanay ng mga RSW na magkasama-sama at ipadama ang respeto at pakikiisa lalo na sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa bayan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 20, 2023) โ€“ SABAY-sabay na namumpa sa tungkulin ang mga opisyal at miyembro ng Kidapawan City Tourism Council sa isang Oath-Taking Ceremony na ginanap sa City Convention Center, ala-una ng hapon ngayon araw ng Lunes, Marso 20, 2023.

Si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo EvangelistA, Honorary Chairperson ang nagsibing Presider kung saan nanumpa sa kanyang harapan ang mga bumubuo ng tourism council.

Ito ay kinabibilangan nina City Councilor at Sangguniang Panlungsod Committee on Tourism Chairperson Galen Ray Lonzaga bilang Chairperson, Blanca Fe Isla-Villarico ng Kidapawan City Stakeholders Association bilang Vice-Chairperson at mga miyembro konseho na sina Ferdinand Cabiles (DTI Cotabato Provincial Director), Shirley Uy (Deputy Protected Area Superintendent), Edgar Paalan (CENRO), Datu Camilo Icdang (IP Affairs โ€“ Representative), Rey Narciso (Pres. Of Metro Kidapawan Chamber of Commerce), Chef Laura Camille Sison (Pres โ€“ Restaurant Sector/ AKHORR), Jennie Cabrera (Pres- Travel Agency and Tour Operators), at Renante Antac (Pres- Kidapawan Tour Guides Association).

Kabilang din sa mga miyembro ng naturang konseho sina Dennis Banta (Pres โ€“ Kidapawan City Bankers Association), Judilito Laniton (Media Representative), Warlito Salugsugan (Pres โ€“ Van Transport Group), Jovelyn Omandac (Pres โ€“ Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Association), C JR Soler (Pres โ€“ Accommodation Sector), Jonathan Gabo (Pres Resort Sector), Emilio Lavilla (Farm Tourism Representative), Dr. Natividad Ocon (DepEd Kidapawan Schools Division), Naomi Yecyec (City Culture and Arts Officer), Psalmer Bernalte (Acting City Information Officer), Myrissa Tabao (Energy Development Corporation), at Cenn Teena Taynan (Sangguniang kabataan Federation President).

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 04, series of 2023 na nilagdaan ni Mayor Evangelista noong January 26, 2023 ay itinatag muli ang City Tourism Council alinsunod na rin sa DILG Memo Circular No. 95-162 at sa isinasaad ng RA 7160 – Local Government Code of 1991.

Inaasahang sa pagkakatatag ng konseho ay lalo pang mapapalakas ang industriya ng turismo sa lungsod sa pamamagitan ng pagpaplano, paggawa ng mga polisiya, at angkop na programa ganundin ang epektibong samahan ng City Government, private sector at iba pang stakeholders. (CIO)

thumb image

INILAHAD NG BFP KIDAPAWAN
KIDAPAWAN CITY (Marso 20, 2022) โ€“ SA temang โ€œSa Pag-iwas Sa Sunog Hindi ka Nag-iisaโ€ ay lalo pang pinalakas ng Bureau of Fire Protection o BFP Kidapawan ngayong buwan ng Marso (Fire Prevention Month) ang kampanya laban sa sunog at mapanatili ang isang fire-safe community.
Ito ang binigyang-diin ni CINSP Marleap Nabor, ang Fire Marshall ng Kidapawan City kasabay ang paglalahad ng mga napagtagumpayan ng BFP Kidapawan at iba pang mga aktibidad sa ginanap na Flag raising Ceremony at Monday Convocation ngayong umaga ng Lunes, Marso 20, 2023.
Bago pa man pumasok ang buwan ng Marso ng 2023 ay naglagay na ng mga fire safety advocacy tarp at banner ang BFP Kidapawan sa mga tanggapan ng gobyerno at mga business establishments sa lungsod.
Pagsapit ng March 1, 2023 ay nagsagawa ng Kick-off Ceremony ang BFP Kidapawan kung saan nakapaloob ang month-long activities para sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month at kabilang dito ang motorcade, nationwide simultaneous blowing of horn, pagpapalakas ng ugnayan sa 18 grupo para sa fire safety and protection advocacy, live streaming ng BFP OPLAN Fire Prevention Month (nationwide).
Pagsapit naman ng Marso 2, 2023 ay binuksan ang BFP Kidapawan open-house station tours, pamamahagi ng fire safety leaflets sa mga barangay at iba pang serbisyo sa pagsasagawa ng Kidapawan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo (KDAPS).
Pasok din sa mga aktibidad ngayong Marso bilang Fire Prevention Month ang fire safety and advocacy art contest, poster-making, photography, at spoken word contest.
Maliban rito ay pinalakas din ng mga local firefighters ang firetruck visibility patrol at ang pagtungo sa mga barangay upang ibahagi ang Oplan Ligtas na Pamayanan (OLP).
Magandang balita rin mula sa BFP Kidapawan ang pagtatatag ng Community Fire Protection Plan sa mga barangay ng Paco, Balindog, at Kalaisan.
Mula Marso 21-27, 2023 naman ay isasagawa ang Luntian Kidapawan โ€œFire Squareโ€ and road show sa Gaisano Grand Mall of Kidapawan kung saan palalakasin ang isang interactive life, safety and emergency procedures at mga simulations na angkop sa kakayanan ng mga batang mag-aaral pati na mga young adults (18-22 years old) na siya namang kauna-unahang pagkakataon sa Kidapawan City at sa buong Province of Cotabato.
Pagsapit naman ng March 31, 2023 ay gagawin ang Culmination Program ng Fire Prevention Month sa pangunguna ng BFP Kidapawan kasama ang mga partner agencies at stakeholders.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni City Mayor Evangelista ang BFP Kidapawan sa pangunguna ni Fire Marshall CISNP Marleap Nabor sa lahat ng mga hakbang at pagsisikap ng tanggapan upang mapanatili ang kaligtasan ng pamayanan mula sa sunog. (CIO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio