Author: IAN FAMULAGAN

You are here: Home


thumb image

Kidapawan City will be hosting the SRAA Meet this coming April 24-29, 2023. Along with the 6 days event is the Food and Souvenir Exhibit in various areas to promote the flavors and local products of the city.

We are looking for exhibitors for the said event. If interested please submit your pre-screening requirements at the City Tourism Promotions Office, JP laurel St., Kidapawan City. Deadline of submission is on March 22, 2023. Limkted slots only!

Please also take note of the Department of Education Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choices as stated in the DepEd Order No. 13 Series of 2017.

We are excited to help promote your products during the activity. See you!

thumb image

KIDAPAWAN CITY – MULING namigay ng libre ayuda sa pamamagitan ng hog dispersal ang City Government of Kidapawan sa mga identified hog raisers na matinding naapektuhan ng African Swine Fever o ASF nitong nakalipas na taon. Ngayong araw ng Miyerkules, March 15, 2023 ay nanguna si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista Kasama SI City Veterinarian Dr. Eugene Gornez sa pamimigay ng mga biik sa 25 mga identifed beneficiaries ng porgrama.Bahagi ng ASF Recovery Program ang nabanggit na tulong. Sa kanyang mensahe sa mga beneficiaries, sinabi ni Mayor Evangelista na paraan ito ng City Government para tulungang makabangon ang mga nag-aalaga ng baboy o hog raisers sa pinsalang idinulot ng ASF sa kani-kanilang mga lugar. Matatandaang nagpatupad ng β€˜culling’ ang City Government upang mapigilan ang pagkalat pa ng sakit na siya namang naka-apekto ng malaki sa kabuhayan ng mga nag-aalaga ng baboy. Tumanggap ng dalawang biik ang bawat recipient ng programa. Kalakip din ang starter feeds (40 kilos starter, 1 sack/31 kilos grower, at 2 sacks finisher 6 kilos) bawat head bilang pangunahing pagkain ng biikLumagda din sila sa isang Memorandum of Agreement o MOA kung saan nakasaad na mula sa City Government ang mga biik at tungkulin ng mga nakatanggap na alagaan at paramihin ang mga ito. Wala ng babayarang halaga ang bawat recipient pabalik sa City Government mula sa biik na kanilang tinanggap. Tanging babayaran na lamang nila ay ang kalahati sa kabuo-ang halaga ng feeds sa City Government. Ginawa ito upang matiyak na magpapatuloy ang maayos na programa ng hog dispersal para naman sa iba pang mga naapektuhan ng ASF.Nagpadalamat naman ang mga recipients sa natanggap na ayuda Mula sa City Government na naglalayong unti-unti silang makakabangon mula sa kasiraang idinulot ng ASF. (CIO)

thumb image

Natupad ang matagal nang dalangin ng mga taga Purok Sambag ng Barangay Amas, matapos ayusin ang kanilang hanging bridge na nagdurugtong sa kanilang purok at Sitio Puas Inda, kung saan matatagpuan ang paaralan ng kanilang mga anak.

Ang edukasyon ang tulay tungo sa maliwanag at maginhawang kinabukasan. Ito ang pinakamahalagang pamana na maiiwan ng isang magulang para sa kanilang mga anak. Lalo na at ito ang tanging yaman na kailanman ay hindi mananakaw. Kaya todo kayod ang mga magulag upang mapag-aral ang kanilang mga anak upang masiguro ang kanilag maliwanag na kinabukasan. Subalit, maliban sa pambaon ay maraming sinisiguro ang mga magulang, nangunguna na dito ang kanilang seguridad papunta at pauwi mula sa eskwelahan.

Sa tuwing tayo ay napagsasabihan, madalas nating naririnig ang mga linyang, β€˜ilang ilog pa ang kailangan naming tawirin para lang makapag-aral’, at madalas ay binabale wala na lamang ito ng mga kabataan ngayon. Subalit, lingid sa ating kaalaman ay mayroon pa ring mga liblib na pook na humaharap sa ganitong pagsubok araw-araw. At isa na nga dito ang Purok Sambag ng Brgy. Amas. Ang paaralan na pinakamalapit dito ay ang Puas Inda Integrated Elementary School na matatagpuan sa katabi nitong sitio. Ang mga mag-aaral mula sa Purok Sambag ay kailangan pang bumaba sa pangpang at tawirin ang ilog na lubha na mang maanagnib, lalo na ngayong paiba-iba ang bugso ng panahon para lang makapasok sa eskwelahan. Dahil dito ay napilitan ang ibang bata na tumigil dahil sa pag-aalala ng kanilang mga magulang sa panganib na dala ng pagtawid ng kanilang mga anak.

Subalit ang kanilang pangamba ay napalitan ng tuwa at gihawa nang malagyan ito ng Lokal na Pamahalaan ng Steel Hanging Bridge na may habang dalawampu’t limang metro o 25 meters na syang nagdudugtong sa naturang purok at Sitio Puas Inda. Ilang taon na rin ang nakalilipas ng mailagay ang naturang tulay kung kaya’t upang mas maging panatag ang loob ng mga dumadaan dito at masigurong matibay at ligtas ito ay inayos at mas pinagtibay ang tuly. Ang nasabing Repair and improvement project ng Office of the City Engineer ay nagkakahalaga ng abot sa P247,336.74.

Malaki ang pasasalamat ng mga magulang sa ginawang aksyon ng City Government of Kidapawan sa pamumuno ni Atty. Jose Paolo M. Evangelista na naniniwalang edukasyon ang susi sa maliwanag na kinabukasan ng kabataan at pamayanan.

Ngayon ay ligtas nang makakapunta ang mga bata sa kanilang paaralan at makakatawid na sila ng walang takot o pangamba dahil sa proyekto ng Gobyerno para sa kanila. Umaraw man o umulan ay kaya nilang tahakin ang daan tungo sa kanilang maliwanag na kinabukasan at maitawid ang kanilang mga sarili at bayan mula sa kahirapan tungo sa maginhawa at panatag na kinabukasan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 10, 2023) – MALAKI ang ginagampanang papel ng mga tourist guide at mga porter sa pagsusulong ng turismo sa isang lugar. Kaya naman mahalaga na mabigyan sila ng sapat na kaalaman pagdating sa pangangalaga ng turista o mga bumibisita sa isang lugar tulad na lamang ng Lungsod ng Kidapawan kung saan matatagpuan ang iba’t-ibang tourist destination.Nitong Biyernes, Marso 10, 2023 ay nagtipon-tipon ang abot sa 30 tourist guides at 80 porters na pawang mga miyembro ng Mt. Apo Guides Association at Mt. Apo Porters Association at sumailalim sila sa Capacity Building Workshop sa RC Martinez Farm and Resort, Barangay Mua-an, Kidapawan City.Bilang panimula ay nagbigay ng kanyang mensahe si City Councilor Atty. Dina Espina-Chua, na siya namang OIC-Mayor ng araw na iyon. Ibinahagi ng konsehal ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang emergency situations. Inihalimbawa niya ang kanyang personal experience kung saan sumiklab ang apoy sa isang bahagi ng kanyang bahay at ang kakulangan niya sa kaalaman pagdating sa paggamit ng firefighting equipment tulad ng fire extinguisher.Kaya naman para sa kanya ay napakaimportante ng workshop na ito para sa mga partisipante at lahat ng kanilang nalalaman sa pagtugon sa emergency ay madaragdagan pa.Dalawang mahahalagang lectures ang ibinigay sa mga guide and porters at ito ay kinabibilangan ng Basic Forest/Peat Land Fire Management Orientation na ibinahagi ng Bureau of Fire Protection o BFP at Basic Ropemanship, Demonstration and Evaluation na ibinahagi naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO.Si Chief Inspector Marleap Nabor, ang Fire Marshall ng Kidapawan City ang nanguna sa pagtuturo tungkol sa ground fire, crown fires, at surface fire na posibleng maganap sa bundok ganundin ang peat fire o sunog na nagaganap dulot ng matinding pagkatuyo ng lugar at ang mga bagay na dapat isaisip at gawin sa oras na magkaroon ng sunog sa kabundukan tulad na lamang ng Mt. Apo. Nagbigay din ng karagdagang lecture si Senior Fire Officer 2 Cecilia Nabor kung saan binigyang-diin niya na lubhang mahalaga para sa mga guides at porters ang malaman ang mga hakbang na gagawin para mailigtas ang mga turista pati na kanilang mga sarili.Sa kabilang dako, sumentro naman sa tamang paggamit ng tali o rope ang lecture ng CDRRMO na pinangunahan ni Local DRRMO II Kelvin Lloyd Seron at mahalaga ito para sa guide and porter dahil magagamit sa pag-rescue ng mga bisita sa oras na magka-aberya partikular na ang basic knots na kinabibilangan ng bowline, overhand safety knot, water knot , at iba pa.Ikinatuwa naman ng kapwa tourist guide at porters ang workshop dahil ito ay magsisibing gabay sa kanilang hanay at refresher na rin sa dati na nilang nalalaman kaugnay ng kanilang mga trabaho. Pareho nilang pinasalamatan si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa pagbibigay ng pagkakataon na sila ay matuto at lalo pang magiging responsable bilang mga kabalikat ng lokal na turismo ng lungsod.Samantala, ang one-day Capacity Building Workshop na ito para sa mga guides at porters ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng City Tourism Office at naglalayong mapaangat ang antas ng naturang sektor sa larangan ng emergency awareness and response dahil ang mga porters at guides ang nagsisilbing first line of defense sa oras ng aberya o disgrasya, ayon kay Senior Tourism Operations Officer Gillan Ray Lonzaga. Sinabi ni Lonzaga na may malaking impact ang workshop para sa mga miyembro ng Mt. Apo Guides Association at Mt. Apo Porters Association pagdating sa personal development ng mga ito at sa kanilang pagiging LGU registered guide and porter at sa pagganap bilang mahusay na emissary o agent ng local tourism ganundin sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga turista, maging local man on international. Mula naman ng naging maluwag ang COVID-19 restrictions at magbukas muli ang lokal na turismo nitong nakalipas na taon ng 2022 ay naging aktibo muli ang mga guide at porter sa Mt Apo climb at ngayong nalalapit na ang Holy Week ay inaasahang dadagsa ang mga turista upang akyatin ang Mt. Apo at dito na magagamit ng mga LGU registered guides and porters ang kanilang mga natutunan sa workshop.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 13, 2023) – GINAWARAN ng Department of Tourism o DOT 12 (SOCCSKSARGEN) ang City Government of Kidapawan ng isang parangal na kumikilala sa malaking suporta at pakikiisa ng lungsod sa mga programa at adbokasiya ng departamento sa larangan ng turismo.
Ibinigay ang Plaque of Appreciation na may lagda ni DOT12 Regional Director Engr. Armin Hautea sa isang simpleng awarding ceremony na ginanap sa Greenstate Suites, Koronadal City nitong nakalipas na buwan ng Pebrero.
Pormal naman itong tinanggap ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama si Supervising Tourism Operation Officer Gillan Ray Lonzaga sa Flag raising ceremony at employees’ convocation ngayong umaga ng Lunes, Marso 13, 2023.
Nakasaad sa parangal ang suporta, pakikipagtulungan, at mga hakbang na ginagawa ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Tourism Office upang mapahusay pang lalo ang sektor ng turismo at maging mas competitive pa kasabay ang pagsusulong ng social responsibility at environmentally sustainable projects.
Naging aktibo naman muli ang tourism industry sa Region 12 o SOCCSKSARGEN simula nitong nakalipas na taon ng 2022 matapos lumuwag ang mga ipinatutupad na COVID-19 restrictions at pinapayagan na ang pagbisita sa mga tourist destination sa iba’-tibang bahagi ng rehiyon tulad ng Kidapawan City at iba pang lugar na nagtataglay ng maraming magagandang tanawin o tourism spot. (CIO/photos by cio/citytourismoffice)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 13, 2023) – INILAHAD ng Kidapawan City Police Station o KCPS sa pangunguna ni LtCol Peter Pinalgan, Jr. ang Chief of Police ng lungsod ang mga accomplishments nila o mga napagtagumpayan ng local police para sa Calendar Year 2022.

Ito ay sa Flag-Raising Ceremony at Convocation ng City Government of Kidapawan ngayong araw na ito ng Lunes, Marso 13, 2023 na ginanap sa lobby ng City Hall kung saan naging sponsor ang KCPS.

Kabilang ang mga sumusunod na operational and administrative accomplishments ng KCPS:
Illegal drugs – 55 police operations, 45 arrests and cases filed in court; confiscated 38.602 grams of methamphetamine Hydrochloride o shabu at 33.3 grams ng marijuana; illegal gambling – 48 police operations, 99 arrests and confiscated bet money P71,899 from β€œtong-its”, β€œtari-tari”, mahjong; pagpapalakas ng No-take policy; Manhunt Charlie – 94 arrests served with Warrant of Arrest kasama na ang 24 na mga Most Wanted Person sa lungsod; Loose Firearms – 37 firearms confiscated, 4 ang naaresto kaugnay ng pagdadala ng unlicensed fireamrs, pagpapalakas ng β€œOplan Katok”.

Kabilang rin sa accomplishments ang pagsasagawa ng Oplan Lambat Bitag (implementation of RA 4136) joint operation with HPG, LTO, TMEU – 3,355 motorists arrested, 2,770 issued TOP, 584 motorcycle and 1 4-wheel vehicle impounded; implementation of Ordinances – 105 motorcycles with β€œbora-bora” muffler confiscated at dalawa ang nasampahan ng kaso; pagpapalakas ng β€œKasimbayanan” na naglalayong paigtingin pa ang mabuting relasyon ng local police, simbahan, at buong pamayanan. Sa ilalim ng β€œKasimbayanan” ay nakapagsagawa ang KCPS ng 72 drug symposium na nilahukan ng 3,600 elementary pupils at 2,600 Senior High School students.

Pasok din sa accomplishment ng local police and Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT) kung saan nakapagsagawa ng 17 activities at abot sa 3,068 kabataan ang lumahok mula sa mga paaralan at mga barangay. Mula din sa lungsod ang nahalal na KKDAT Regional President at ito ay si Ryan Quinto; BPAT enhancement training na abot sa 32 ang nagawang pagsasanay; 50 tree planting activities, 25 clean-up drives, 15 gift-giving activities, 75 lectures para sa CATA, GAD, VAWC at iba pang batas; at pagbibigay ng libreng police clearance sa 150 indibidwal.

Dagdag pa rito ang lingguhang pagsasagawa ng Enhanced Revitalized PNP Internal Cleansing Strategy; Information and Education campaign kasama na ang β€œOplan Yawyaw” o recorida kung saan abot sa 435,987 IEC materials ang naipamahagi at 1,680 ang naisagawang recorida; muling pagtatatag ng 4 na Police Community Precincts sakop ang 10 barangay sa lungsod; pagpapalakas ng police visibility at ugnayan sa mga barangay officials, BPAT at iba pang force multipliers; pagsasaayos ng mga Police Boxes, at pagtatayo rin ng male barracks sa loob ng KCPS.

Nakamit naman ng KCPS ang mga sumusunod na awards dahil sa mahusay na performance sa CY 2022: Best Component City Police Station, Rank 1 for the most number of arrested Most Wanted Persons; Rank 1 QUAD accomplishments; Rank 1 in Unit Performance rating (Provincial Level and Regional Level); Rank 2 in operational accomplishments on illegal gambling; rank 3 in operational accomplishment campaign against loose firearms.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista si LtCol Pinalgan at ang buong KCPS sa patuloy na pagganap ng kanilang tungkulin at sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod.

Malugod namang sinabi ni LtCol Pinalgan na patuloy lang ang local police sa ilalim ng kanyang pamumuno at sa abot ng kanilang makakaya ay paglingkuran ang mamamayan at iligtas ang mamamayan laban sa banta ng karahasan o kaguluhan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 8, 2023) – TUMATAK sa puso’t-isipan hindi lamang ng mga kababaihan ngunit pati na sa mga kalalakihan ang isang espesyal na aktibidad na ginawa sa watershed area sa Barangay Perez, Kidapawan City sa mismong pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw na ito ng Miyerkules, Marso 8, 2023.
Ito ay ang Tree Planting Activity na isa sa mga highlights ng National Women’s Month ngayong Marso at ng March 8 bilang International Women’s Day sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO at sa pakikipagtulungan ng Metro Kidapawan Water District o MKWD.
Isang Strict Protection Zone ang naturang lugar na kung saan ay matatagpuan ang malalaking punong kahoy at iba’t-ibang uri ng tanim o endemic trees and plants na pinangangalagaan ng MKWD at siya namang pinagkukunan ng supply ng tubig para sa mga mamamayan ng lungsod.
Abot sa 7,000 seedlings na kinabibilangan ng Sagimsim, Lawaan, Tinikaran, at White Nato ang mga itinanim ng mga partisipante na nagmula sa government, non-government, people’s organizations, civic organizations, business, academe, barangay, IP, solo parents, OFW at ibang organisasyon na may nagkakaisang hangarin makapagtanim ng punong-kahoy at makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.
May apat na lugar na pinagtamnan ang mga lumahok sa tree planting at ito ay ang Site 1 kung saan nagtanim ang City Mayor’s Office, City Admin Office, Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO at ang Kidapawan City Police Station o KCPS; Site 2 kung saan lahat ng mga women’s groups ay sama-samang nagtanim; Site 3 na lugar naman para sa mga personnel at workers ng LGU Kidapawan; at Site 4 na lugar o planting site na inilaan para sa mismong personnel ng MKWD.
Samantala, naging mahalagang bahagi naman ng programang CANOPY 25 ng City Government of Kidapawan ang naturang Tree Planting Activity na kung saan ay nakamit ang target na maitanim ang 7,000 punong-kahoy sa malaking bahagi ng watershed.
Matatandaang noong February 21, 2023 ay inilungsad ang CANOPY 25 sa Barangay Ginatilan, Kidapawan City na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang proyekto ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na naglalayong makapagtanim ng abot sa 2.5 milyong punong-kahoy sa ilang strategic areas sa lungsod sa loob ng isa hanggang dalawang taon upang makatulong sa environmental care and protection at mabawasan ang mga kalamidad tulad ng flashflood at landslide.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang lahat ng mga nakiisa at buong-pusong sumuporta sa Tree Planting Activity sa Barangay Perez watershed.
Umaasa ang alkalde na magtutuloy-tuloy na ang pagtatanim ng mga punong-kahoy sa mga target areas at magkakapit-bisig ang bawat sektor sa pagkamit ng 2.5 milyong punong-kahoy na siya namang magbibigay proteksiyon sa kapaligiran at magbibigay-daan sa kaligtasan ng mga susunod na henerasyon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 7, 2023) – MAHALAGA na ang mga programang pang nutrisyon na ipinatutupad ng City Government of Kidapawan ay maging angkop sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa hanay ng kabataan sa pamamagitan ng mga Barangay Nutrition Scholars o BNS at Barangay Nutrition Council o BNC.

Kaya naman kamakailan ay nagsagawa ng isang orientation ang City Nutrition Council (CNC) para sa pagsasagawa ng Monitoring and Evaluation of Local Level Program Implementation o MELLPI Pro Tool na siyang gagamitin upang magsagawa ng evaluation/monitoring ng nutrition programs sa mga barangay at kung paano ito nakatutulong sa pagkamit ng wastong nutrisyon.

Isang evaluation team ang magsasagawa ng MELLPI Pro Tool at kinabibilangan ito ng iba’t-ibang tanggapan tulad ng City Nutrition Office, CSWDO, CAO, DILG, DepEd, CHO, CPDO, CIO, at World Vision (non-government organization) na nagtutulungan para sa maayos na pagpapatupad ng nutrition programs, ayon kay Melanie Espina, RND, ang City Nutrition Action Officer ng Kidapawan.

Kabilang naman ang mga sumusunod sa mga nutrition specific programs na ipinatutupad sa lungsod: Complementary Feeding Program, β€œTutok Kainan” Program, Provision of Ready-to-use therapeutic food (RUTF) and Ready-to-use supplementary food (RUSF) Therapeutic Feeding Care.

Kasama pa dito ang Breastmilk Donation Program, Nutrition Month Celebration, School-based Feeding Program, at partnership feeding programs (OFW Federation, Liga Office of Kidapawan, Supplementary Feeding Program for Nutritionally at Risk and Teenage Pregnant Women na pawang mga nutrition specific programs din.

Pasok din sa specific programs ang Vitamin A Supplementation and Deworming, Supplementary Feeding Program for Daycare Children.

Sa kabilang dako, kabilang naman sa nutrition sensitive programs ang mga sumusunod: β€œGulayan sa Tugkaran” (backyard gardening), Breastfeeding Awareness Month, β€œPabasa sa Nutrisyon Program (reading materials), atKabaranggayan Dad-an og Proyekto og Serbisyo (KDAPS).

Maliban sa mga nabanggit na programang pang nutrisyon na kasalukuyang sumasailalim sa evaluation ay patuloy pa rin ang CNC sa monitoring sa mga barangay na may mga identified malnourished children, Barangay MELLPI Pro and Barangay Nutrition Council Advocacy Consultative Meeting at pagsasagawa ng trainings at iba pang aktibidad tulad ng Barangay Nutrition Scholars Congress at mga Resolutions and Ordinances ng CNC, ayon pa kay Espina.

Samantala, nitong Pebrero 21, 2023 ay sinimulan ng City Nutrition Evaluation Team (CNET) ang Search for the 2022 Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) ganundin ang Search for Most Functional Barangay Nutrition Council (BNC).

Sinusuri ng CNET ang mga BNS at BNC sa pamamagitan ng mahusay at epektibong pagpapatupad ng mga nutrition program sa pamamagitan ng mahusay na planning, organizing, advocacy, coordination, resource generation, documentation at maging record keeping at maging sa monitoring at evaluation ng mga programa.

Anim na mga barangay na ang nabisita ng CNET at ito ay kinabibilangan ng Linangkob, Kalaisan, Sumbac, Perez, San Roque at Gayola.

Lahat ng ito ay naglalayong mapalakas ang mga ipinatutupad na hakbang ng City Government of Kidapawan para sa pagtamo ng wastong nutrisyon sa pamamagitan ng CNC. (CIO-jscj//if//photos by CNC)

thumb image

Malugod na tinanggap ng mga residente ng Barangay Onica ang muling pagbubukas ng KASIMBAYANAN o KAPULISAN, SIMBAHAN, at PAMAYANAN na naglalayong mapagtibay ang samahan ng ating mga kapulisan at ng publiko tungo sa progresibo at matiwasay na komunidad.

Nagsagawa ang ating mga kapulisan ng pagpupulong patungkol sa paglaban sa mga krimen, terorismo, at illegal na droga.

Nilahukan ito ng Kidapawan City Police Station sa pangunguna ni PCPT Razel C. Enriquez sa covered court ng Barangay Onica, Kidapawan City mga 9:00AM noong Pebrero 16,2023.

Nagsagawa din ng pagtuturo si PCPT Razel C. Enriquez tungkol sa Gender and Development, RA 9262(Batas Laban sa Karahasan sa Kababaihan), RA 7610(Batas na Nagproprotekta sa Pang-aabuso ng kabataan), RA 8353(Batas laban sa Panggagahasa). Matagumpay na natapos ang aktibidad sa mismong araw.

thumb image

Isa sa mga espesyal na katangian at kasanayan ng mga drayber ay ang pagiging alisto at maingat nito mula sa disgraasya sa daan. Kayang-kaya nyang gumawa ng mga kalkuladong desisyon sa loob lamang ng ilang milliseconds upang maiwasan ang mga di inaasahanang pangyayari habang nagmamaneho. Ito ang dahilan kung bakit panatag ang pasahero sa mga eksperyensyadong mga drayber, subalit may mga pagkakataon na nagkakamali din sila ng tantya, lalo na at ang daan ay parang natuyong ilog. Iyan ang kalagayan ng daan sa purok 4 ng Brgy. Sto. NiΓ±o, dito sa lungsod ng Kidapawan.

Ang mga pangunahing produkto ng Purok ay kinabibilagan ng niyog at saging. Medyo abala din ang nabanggit na daan dahil ito ang syang nagsisilbing ugnayan papunta ng Sitio San Miguel at Brgy. Linangkob. Dahil sa panay na pagdaan ng mga sasakyan at ng tubig dito pababa papunta sa dalawang ilog – na madalas ding umaapaw, ay unti-unting natatangay ang mga lupa na syang sanhi ng pagsisilitawan ng mga malalaking bato. Iilan sa mga sasakyan na dumadaan dito ay nakaranas nang matumba o di naman kaya ay gumulong-gulong dahil sa kalagayan ng daan.

Matatandang nauna nang pinalagyan ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ang dalawang ilog ng Pipe Culverts noong nakalipas na buwan. At ngayon naman, bilang tugon sa problema nila sa daan ay pinalagyan ito ng concrete road na may habang 270 meters na nagkakahalaga ng P2, 921, 801. Sa wakas nga ay kumpleto na ang rehabilitsayon ng daan sa nasabing lugar. Tuluyan nang napawi ang matinding pag-aalala ng lahat na dumadaan at nakatira sa lugar sapagkat, di na kailangan pang magpaese-ese ang mga motorista upang maiwasan ang malalaking bato at di na rin mangangamba ang mga pasahero sa posibilidad na sila ay gumulong dahil sa pangit na daan.

Labis naman ang naging galak ng mga residente ng purok 4 ng brgy. Sto NiΓ±o at ng mga karatig pook na dumadaan sa nasabing daanan sa proyekto na ipinatupad ng City Governement of Kidapawan. Dahil sa kaginhawaan at katiwasayan na dala ng proyekto ng gobyerno.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio