KIDAPAWAN CITY – ABOT sa 100 mga bata mula sa dalawang mga barangay ng lungsod ang mabibigyan ng bagong gamit pang eskwela sa pamamagitan ng Project Angel tree ng City Government. Sa June 25, 2022 ay pangungunahan nina City Mayor Joseph Evangelista at incoming City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang pamimigay ng regalo sa mga bata sa lobby ng City Hall kung saan matatagpuan ang Angel Tree. Proyekto ng City Government ang Angel Tree na naglalayong mabigyan ng tulong at matugunan ang kahilingan ng mga mahihirap na bata sa lungsod, ayon kay Aida Labina, ang focal person ng proyekto. May nakasabit na mga papel sa Angel Tree kung saan doon isinulat ng mga bata ang kanilang ‘wishes’ na karamihan ay mga bagay na kanilang kinakailangan. Pipili naman ang mga city officials sa mga nakasabit na papel at sila ang magigingn sponsor at magbibigay ng gamit na ninanais ng bawat bata. Pwede rin ang mga pribadong indibidwal o business establishments ang mag-sponsor ng mga kahilingan ng mga bata sa pamamagitan ng pagsali sa Project Angel Tree kung saan ay pwede silang pumili sa mga papel na nakasabit sa puno. Ngayong araw ng Miyerkules, May 25, 2022 ganap na alas 10 ng umaga ay bubuksan na sa publiko ang Angel Tree sa lobby ng City Hall. Maaring pumili ang sino man sa mga ‘wishes’ sa Angel Tree at maibigay ang hiling ng mga bata. Kung sakaling hindi maubos ang mga papel na nakasabit sa Angel Tree, ay mismong ang City Government of Kidapawan na ang mag-i-sponsor sa mga nalalabing wishes ng mga bata at ibibigay kaagad ang mga ito. Mga bata na na-validate ng City Government mula sa mga barangay ng Indangan at Nuangan ang target na mabigyan ng bagong gamit pang eskwela sa ilalim ng proyekto. Ilulunsad muli ang Angel Tree Project para naman sa iba pang mga bata sa mga nalalabing barangay ng Kidapawan City sa susunod na mga araw.##(CIO)
SINIMULAN na ng City Government ang pagpapalista ng mga tricycle drivers para sa isasaagwang Vaccination Roll Out ng mga nasa A4.1 Priority list ng pamahalaan o yaong mga indibidwal na naghahapbuhay sa transport sector.
Pinakilos na ni City Mayor Joseph Evangelista ang mga opisyal ng Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Association o FKITA na magpalista na ang kanilang mga miyembro para mabigyan ng bakuna.
Kahit yaong mga hindi napapabilang sa mga asosasyon ng FKITA basta may Drivers License, at OR/CR ng motor ay ililista din ng City Government para sa vaccination kontra Covid19.
Nitong May 7, 2021, mismong si FKITA President Jabby Omandac kasama ang ilang mga kawani ng City Government ay nagsagawa ng pagpapatala para sa mga tsuper na hindi nakapalista sa kanilang asosasyon o di kaya ay yaong mga hindi miyembro ng FKITA.
Ginawa ng grupo ni Omandac ang pagpapatala sa may bahagi ng overpass sa tapat ng Our Lady Mediatrix of All Graces Cathedral.
Maliban sa pagpapatala, ipinaliliwanag ng maayos ng grupo sa mga tricycle driver na huwag matakot magpabakuna.
Hindi ibig sabihin na kapag may karamdaman ang driver gaya ng hypertension, diabetes o ano mang klase ng co-morbidities ay hindi na siya mababakunahan.
Ipinaliliwanag ng City Government sa pamamagitan ng FKITA na dapat magpabakuna ang mga driver hindi lamang na mapo-protektahan sila na hindi magka-komplikasyon sa Covid kungdi ay, mas risgo sila na ma-expose sa Covid lalo pa at iba’t-ibang mga indibidwal na kanilang pasahero sa bawat araw ng kanilang pamamasada.
Sa mga tsuper na nagdadalawang isip na magpabakuna, mas mainam na dumulog at sumangguni sa kanilang mga health service provider para mapaliwanagan ng maayos sa kahalagahan ng pagbabakuna kontra Covid19. ##(cio)
HALOS dalawang daang mga residente ng Poblacion Kidapawan City ang nakabenepisyo sa KADIWA Community Pantry na hatid serbisyo publiko ng Department of Agriculture XII, City Government of Kidapawan at ng mga Farmers and Cooperative Associations ng lungsod. Layun ng aktibidad na makapagbigay ng pagkain sa mga residenteng apektado ng Covid19 na hirap makabili nito sa kasalukuyan. Nanguna sa pagpapatupad ng Community Pantry si DA XII Regional Director Arlan Mangelen, City Mayor Joseph Evangelista at City Agriculturist Marissa Aton kung saan, ay ginanap sa Pavilion ng City Plaza buong araw ng May 6, 2021.Iba’t-ibang klase ng sariwang gulay, pangsahog, itlog, tilapia at prutas ang ipinamigay ng DA at ng City Government sa mga residenteng pumunta sa community pantry. Nagmula ang mga nabanggit na produktong pagkain sa mismong DA XII at sa mga vegetable and fruit growers ng Kidapawan City. Dahil na rin sa mga ipina-iiral na minimum health protocols kontra Covid19, inobliga ang lahat na sumunod dito tulad na lamang ng pagsusuot ng face mask at face shields, physical distancing, at disinfection habang kumukuha ng kanilang pangangailangang pagkain sa community pantry. Mahigpit din ang pagbabantay na ginawa ng City Government katuwang ang City PNP para masegurong nasusunod ang minimum health protocols at seguridad na rin ng mamamayan na nasa lugar ng aktibidad. ##(cio)
MAGBIBIGAY ng abot sa P20M ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD para sa mga site development related projects sa dalawang housing settlements para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa Lungsod ng Kidapawan dahil sa October 2019 earthquakes.Pumirma sa isang Memorandum of Agreement sina City Mayor Joseph Evangelista at DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario nitong April 15, 2021.Layon ng MOA na pondohan ng DHSUD ang mga site development projects ng Ilomavis at Indangan Relocation sites para mabigyan ng serbisyong pangkaunlaran ang mahigit sa 700 displaced families ns nakatira sa lugar.Nakapaoob rito ang pagtatayo ng drainage canals, serbisyong patubig at kuryente, pagsasaayos ng mga daan at iba pa.Hindi lamang pagbibigay ng disenteng pabahay sa mga family recepients ang benepisyo nito ngunit pati na ang dagdag na mga serbisyo at pasilidad ay makakatulong para maging ganap at maayos na komunidad ang mga nasabing housing resettlement sites.Maaalalang hiniling noon ni Mayor Evangelista sa DHSUD ang dagdag na tulong matapos makahanap ng ligtas na lugar na malilipatan ang City Government para sa mga pamilyang nakatira sa mga high risk areas na delikado sa panahon ng lindol at iba pang sakuna.Kaugnay nito, ay pinuri din ng DHSUD ang maagap na pagkilos ni Mayor Evangelista para agad mahanapan ng ligtas na lugar ang mga pamilyang nabanggit.Ang Kidapawan City ang pinaka-unang LGU sa mga lugar na Lalawigan ng Cotabato na nasalanta ng lindol na nakapagpatayo ng housing resettlement site para sa mga pamilyang nakatira sa mga high risk areas.##(CIO)