BAGONG TRICYCLE ROUTE PLAN BINABALANGKAS NA NG CITY GOV’T

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2020/03/04 | LKRO


thumb image

BAGONG TRICYCLE ROUTE PLAN BINABALANGKAS NA NG CITY GOV’T

KIDAPAWAN CITY – BABAGUHIN na ng City Government ang kasalukuyang Tricycle Route Plan sa layuning mabawasan ang posibleng abala na daranasin ng mga pasahero at tsuper ng tricycle sakaling maipatupad ang DILG Memo Circular 2020-036 na nagbabawal sa mga tricycle na mag-operate sa national highway.

Pebrero 28, 2020 ng pangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagtitipon ng Tricycle Task force para pag-usapan ang mga babaguhing probisyon ng Tricycle Route Plan para magiging katanggap tanggap sa mga operators, drivers at pasahero ang pagpapatupad ng DILG MC 2020-036.

Matatandaang nagpalabas ng kautusan ang DILG sa pamamagitan ng MC 2020-036 noong Pebrero 17, 2020 na dapat ng ipatupad ng mga LGU sa buong bansa sa loob ng tatlumpong araw o sa March 17.

Bagamat at pangunahing dahilan ng kautusan na protektahan ang riding public na masangkot sa sakuna sakay ng mga tricycle sa national highway, may probisyon sa batas na maaring magpahintulot sa mga tricycle na dumaan dito.

Ito ay kung ‘wala ngang alternatibong ruta ang mga tricycle sa paghahatid ng mga pasahero’.

Katunayan ay may nauna ng nabuong TRP ang lungsod sa ilalim ng Local Public Transport Route Plan o LPTRP na isinumite ng City Government sa Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB noon pang 2017.

Nakapaloob sa LPTRP ang mga ruta ng lahat ng PUJ’s at tricycle na dumadaan sa Kidapawan City matapos magpalabas ng kahalintulad na direktiba ang LTFRB.

Ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay hindi pa ipinagbibigay alam ng LTFRB ang isinumiteng LPTRP ng City Government hanggang sa kasalukuyan, kung kaya at inutusan na ni Mayor Evangelista na alamin ito ng Tricycle Task Force kung ano na ang estado nito sa ahensya.

Laman ng binagong Tricycle Route Plan ang mga estatehikong lugar kung saan matatagpuan ang mga terminal ng tricycle pati na ang mga rutang pinapayagan ng City Government.

Kasali na rin ang bahagi ng national highway na dinadaanan ng mga sasakyang apat na tonelada pataas ang bigat at normal na tumatakbo ng apatnapung kilometro bawat oras.

Dagdag pa rito ang bahagi ng national highway na dapat dadaanan ng tricycle kapag wala talagang alternatibong ruta sa paghahatid ng pasahero.

Magiging basehan ito ng isang ordinansang ipapasa ng Sangguniang Panlungsod na aaprubahan naman ni Mayor Evangelista saka ipapasa sa DILG.

Sa ngayon ay nakikipag-usap na ang City Government sa sector ng tricycle upang maipaalam ang DILG MC 2020-036 at masegurong maayos na maipatutupad ang kautusan.##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio