BARANGAY SAN ISIDRO NG KIDAPAWAN CITY PUMASA SA DILG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE FOR BARANGAY

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/06/21 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – PUMASA sa 2021 Seal of Good Local Governance o SGLG ng Department of Interior and Local Government o DILG ang Barangay San Isidro ng Kidapawan City.

Ang SGLG ay patunay sa maayos na pamamahala at pagbibigay serbisyo publiko sa mamamayan at wastong paggamit ng pondo ng Barangay San Isidro.

Nitong June 21, 2022 ay inilabas ng DILG Region 12 sa pamamagitan ng kanilang Official Facebook Page ang talaan ng mga barangay sa SOCCSKSARGEN na pumasa sa SGLG.

Agad namang nagpaabot ng pagbati sina outgoing City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista at incoming City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa mga opisyal at kawani ng Barangay San Isidro.

Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular No. 2021-074, matagumpay na pumasa sa SGLG ang Barangay San Isidro matapos makakuha ng mataas na marka sa tatlong pangunahing core areas gaya ng: Safety, Peace and Order, Financial Administration, at Disaster Preparedness.

Nakakuha din ng mataas na marka ang nabanggit na barangay sa mga essential areas tulad ng Social Protection, Business Friendliness and Competitiveness at Environmental Management.

Matatandaang dumaan sa masusing evaluation mula sa DILG ang Barangay Isidro bago pumasa sa SGLG.

Napag-alaman na isa ang Barangay San Isidro Kidapawan City sa limang mga Barangay Local Government Units ng Cotabato Province na pumasa sa SGLG.

Samantala, apat pang mga barangay ng Lalawigan ng Cotabato ang pumasa din sa SGLG at ito ay  kinabibilangan ng Barangay Marbel ng Munisipyo ng Matalam, Barangay Ugpay sa M’lang, Barangay Kitubod sa Libungan at Barangay Cajelo sa Bayan  ng Tulunan. ##(CIO/lkro/iff)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio