BIGAS at IBA’T-IBANG PRODUKTONG PAGKAIN MABIBILI SA MAS MURANG HALAGA SA GAGANAPING LUNTIANG PAMASKO GIKAN SA MAG-UUMANG KIDAPAWEÑO SA DECEMBER 21, 2022

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/12/20 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 19, 2022) – INAANYAYAHAN ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang lahat ng mamimili sa gaganaping “Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo” na gaganapin sa December 21, 2022.

Tampok sa isang araw na aktibidad ang pagbebenta ng bigas at ng mga sariwa at iba’t-ibang mga gulay, prutas, isdang tilapia na produkto ng mga magsasaka sa lungsod at iba pang locally produced food products o pagkaing gawa sa Kidapawan City na mabibili sa mas murang halaga.

Layon ng “Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo” na magbigay ng alternatibong mabibilhan ang mga mamimili ng produktong pagkain sa mas murang halaga at mabigyan din ng pagkakataon na kumita ang mga local farmers at food producers ng lungsod ngayong panahon ng Kapaskuhan, sinabi ni Mayor Evangelista.

Gaganapin ang “Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo” sa Mega Tent ng City Hall sa tabi ng City Gymnasium mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, dagdag pa ng alkalde.

Maliban sa pagbebenta ng mga produktong nabanggit ay highlight din ng “Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo” ang Memorandum of Agreement o MOA Signing sa pagitan nina Mayor Evangelista, City Agriculturist Marissa Aton at ng National Food Authority o NFA para sa Marketing Support ng mga produktong pagkain na nagmumula sa Kidapawan City.##(CMO-CIO-City Agri)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio