Binatang nagligtas sa apat na mga SMAK students na nalunod sa landmark, pinarangalan

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/02/17 | LKRO


thumb image

Binatang nagligtas sa apat na mga SMAK students na nalunod sa landmark, pinarangalan
HINDI kailangang sikat, mayamam at matapang para kilalaning bayani ang isang tao sa mismong lugar na kanyang kinalakihan.
Ito ang pinatunayan nang isang 24 anyos nan a si RYAN PAMILAR, makaraang iginawad sa kanya ang pinakamataas na parangal sa isinagawang 2019 Search for Kidapawan Heroes, nitong Linggo ng gabi.
Tinalon ng binata ang ilang malalaking mga pangalan sa larangan ng pulitika at government service.
Ipinagkaloob ni City Mayor Joseph A. Evangelista, kay PAMILAR ang “Legion of Honor” awards dahil sa pambihirang katapangan niya nang iligtas niya sa rumaragasang baha ang apat sa pitong mga mag aaral ng Saint Mary’s Academy, ika-9 ng Nobyembre ng taong 2008.
Labing-apat na taong gulang lamang siya noon nang ipinamalas niya ang kanyang kabayanihan.
Pitong mga high school student’s ng SMAK ang nagdiwang ng kanilang “friendship” day at napagkasunduan nilang mamasyal at magpakuha ng larawan sa ilog ng City Landmark.
Kasagsagan ng picture taking ng biglang lumaki ang tubig. Inanud ang pitong mga mag aaral.
Walang atubiling nilundag ng binata ang malaking baha at naisalba niya ang apat sa pito. Subalit bigo ito na mailigtas ang tatlo, na inanud ng malakas na tubig baha sanhi ng kanilang pagkasawi.
Hindi nagdalawang isip si PAMILAR na ibuwis ang kanyang sariling buhay mailigtas lamang ang mga nalulunod na high school students.
Itoy sa kabila pa na maliban sa kanya may mga tao ding naroon at namamasyal nang maganap ang trahedya.
Para sa mga kaanak ng mga survivors, si RYAN PAMILAR ay isang totoong bayani.
Samanatala, iginawad naman kay Januario Espejo, Jr. at Rita Gadi ang Merit of Commendation awards.
Si Espejo ay dating treasurer ng Kidapawan City habang si Gadi naman ay Secretary to the Sanggunian Bayan noon ng Munisipyo ng Kidapawan. (Williamor A. Magbanua)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio