NEWS | 2018/10/10 | LKRO
Barangay Binoligan
Ang “BINOLIGAN” ay hango sa salitang Bisaya na “MAGBINOLINGAY” na ang kahulugan ay magtulong-tulong at makiisa sa bawat-isa. Ang mga unang kristiyanong naieahan salugar ay ang mga pamilyang tulad ng Sungcag, Ramos, Espero, Salimorin, Teposo, Cuyno, Guboc, at Valladares. Ang ilan pa sa kanila ay mga Madayag, Obregon, at angkan ng Bongacales.
Bilang Sitio ng baryo Amas, ang mga nainirahan ay may mga lupaing naka-rehistro sa Amas noong 1920. Ito ay sa pagsisikap nina G. Espero at Ramos na naghandog ng dalawang ektarya sa bawat lupang kanilang pag-aari para sa unang paaralang elementarya na itatayo. Ang unang Punong Barangay ay si Gng. Felis Espero. Ito ay naging regular na baryo noong 1959 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 50.
Lupang Sakop: 1,121.2
Distansiya mula sa Kidapawan: 10 km.