Bookkeeper nagpasalamat kay Mayor Evangelista sa pagkakabalik ng kanyang pera

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/02/17 | LKRO


thumb image

Bookkeeper nagpasalamat kay Mayor Evangelista sa pagkakabalik ng kanyang pera

KIDAPAWAN CITY – ABOT LANGIT NA PASASALAMAT ANG IPINAAPAABOT NI MS. CELINE LINARES –Bookkeeper ng Notre Dame of M’lang kay City Mayor Joseph Evangelista matapos maibalik ang kanyang P5000 na cash at mga pertinenteng dokumento.
Inabot ng alkalde ang mga nabanggit matapos itong matagpuan at ireport ng tricycle driver na pinagsakyan ni Ms. Linares sa kanyang opisina.
Hindi sinadyang makalimutan ni Ms. Linares ang kanyang pera sa sinakyang tricyle na may KD Number 1-998 matapos niya itong iclaim sa sangay ng Palawan Pawnshop sa lungsod umaga ng February 8, 2019.
Ipinahanap ni Mayor Evangelista si Ms. Linares kung saan ay kinontak muna niya ang Palawan Pawnshop at ND M’lang base na rin sa mga dokumentong nasa loob ng sisidlan na natagpuan sa tricycle.
Agad nakontak si Ms. Linares na mabilis namang nagtungo sa opisina ni Mayor Evangelista kung saan ay inabot nga ng alkalde ang kanyang natagpuang pera at mga pertinenteng dokumento.
Pinasalamatan din niya ang katapatan ng tricycle driver na kinilalang si Danipol Alvarado ng Barangay Kalasuyan sa pagkakatagpo ng kanyang pera at agarang pagreport nito kay Mayor Evangelista.
Tunay ngang mabubuti ang mga tsuper ng tricycle sa lungsod at mabilis din ang pagtugon ni Mayor Evangelista na maibalik ang kanyang pera, wika pa ni Ms. Linares.
Nakatakda namang gagawaran ng City Government si Alvarado ng Plaque of Recognition dagdag pa ang cash award sa naka schedule na February Convocation Program.##(CIO/LKOasay)

Photo caption : City Mayor Joseph Evangelista ibinalik ang perang nawawala ni Ms. Celine Linares February 8, 2019 = Personal na iniabot ni Mayor Evangelista ang P5000 cash at pertinenteng dokumento ni Ms. Linares matapos itong matagpuan at ireport sa kanyang opisina.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio