Buong 2019 social pension ibinigay na ng DSWD at City Gov’t sa mga indigent senior citizens 

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/09/05 | LKRO


thumb image

Buong 2019 social pension ibinigay na ng DSWD at City Gov’t sa mga indigent senior citizens

KIDAPAWAN CITY – SINIMULAN NG IBIGAY NG DSWD at ng City Government ang buong taong Social Pension ng may mahigit sa walong libong indigent senior citizens ng lungsod.
P6,000 o katumbas sa P500 na buwanang social pension mula Enero hanggang Disyembre ng 2019 ang natanggap ng bawat senior citizen, ayon pa sa pamunuan ng City Social Welfare and Development Office.
Sinimulang ibigay ang social pension noong September 3 at magpapatuloy hanggang September 6, 2019.
Tumanggap nito ang mga nakatatanda na walang regular pension benefits kagaya ng GSIS at SSS.
Pinapayuhan naman ni City Mayor Joseph Evangelista sa pamamagitan ni City Legal Officer Atty. Jose Paolo Evangelista na panauhing pandangal sa programa bago ang distribution ng ayudang nabanggit, ang mga senior citizen na gamitin ng wasto ang kanilang natanggap na social pension.
Maliban dito ay makakaasa ang mga senior citizen ng dagdag na tulong mula sa City Government at patuloy na suporta sa mga adhikain at programa ng mga nakakatanda, wika pa ng opisyal.
Makakatulong ang social pension sa pambili ng pagkain, maintenance medicine at iba pang pangangailangan ang bawat indigent senior citizen.
Cash at payroll based ang pamimigay ng social pension na ginanap sa City Gymnasium ng lungsod. ##(cio/lkoasay)

Photo caption – AYUDANG PINANSYAL NG MGA INDIGENT SENIOR CITIZENS IBINIGAY NA: Pinangunahan nina City Legal Officer Atty. Jose Paolo Evangelista, CSWDO Lorna Morales, Asst CSWDO Daisy Gaviola at mga kawani ng Regional Office 12 ng DSWD ang pamimigay ng social pension para sa mahigit 8,000 indigent senior Citizens ng lungsod.(cio photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio