BUWIS NA NAKOLEKTA NG CITY GOVERNMENT, LAGPAS TARGET NA HINDI PA MAN NAGTATAPOS ANG TAONG 2023

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/11/13 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( November 13, 2023) Tinatayang higit P158,900,000 na o katumbas ng 138.24% ang Tax Collection Efficiency Rate ng City Government bago pa man magtapos ang taong kasalukuyan.

Ang halagang ito ay Over All General Fund Collection pa lamang, at hindi pa kasali dito ang Business Taxes, Special Education Fund, Real Property Taxes, City Integrated Transport Terminal at Market/Slaughterhouse, na nakapagtala rin ng mahigit sa 100% tax collection rate.

“Sa kabila ng natapyasang National Tax Allotment (dating Internal Revenue Allotment o IRA) na nakukuha ng lungsod mula sa National Government, nagpunyagi parin ang City Treasurer’s Office sa usapin ng koleksyon ng lokal na buwis,” wika pa ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa flag raising ceremony, kanina.

Tiniyak naman ng alkalde na patuloy na mapupunta sa makabuluhang mga proyekto ang buwis na nakokolekta ng Lokal na Pamahalaan.

Mananatiling bukas ang City Treasurer’s Office sa mga araw ng Sabado at Linggo sa buong buwan ng Disyembre upang mabigyan ng pagkakataon ang mga taxpayer na makapagbayad ng buwis para sa taong ito.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio