Kidapawan City (February 19, 2024) โ Malaking suporta ang ibinibigay ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan sa pamumuno ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista para sa mga Micro, Small at Medium Enterprises O MSMEs sa lungsod.
Sila ay kabahagi ng pag-unlad ng ekonomiya at nararapat lamang na patuloy na pagyamanin at mas palawakin pa ang kanilang kaalaman.
Nagsagawa ngayong araw ng pagsasanay ang Go Digital Asean PH kaakibat ang Mindanao Development Authority o MinDA sa lungsod, na nilahokan ng aabot sa mahigit sa walumpung (82) partisipante na kinabibilangan ng mga LGU- Employees, mga negosyante at mga personahe mula sa iba pang ahensya.
Layon ng nasabing aktibidad na bigyan ng dagdag impormasyon ang bawat partisipante, lalo na ang mga maliliit na business owners sa pagpapalago ng kanilang pangkabuhayan digitally at online.
Isang hakbang din umano ito, upang mas makilala ang kanilang produkto sa modernong paraan na nakakatulong din sa kalikasan dahil hindi na gagamit pa ng ibang kagamitan para sa pag-promote nito.
Tatagal ang nasabing pagsasanay hanggang ngayong araw, February 20, 2024 sa City Convention Hall.
Maaalala na ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan sa pamamagitan ng opisina ng City Tourism (KCTPO) at Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU) ay nagsimulang isagawa ang oryentasyon para sa mga kwalipikadong traysikel na opereytor at drayber na opisyal na makapagpasakay ng mga delegado sa nalalapit na SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet ngayong Abril 24-29, 2023.
Ang nasabing oryentasyon ay dinaluhan ng mga ibaโt-ibang kwalipikadong miyembro ng mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa tulong ni G. Jabbi Omandac, ang Presidente ng Federation of Tricycle Operators and Drivers Associations o FKITA.
Kasama sa programa ng nasabing oryentasyon ay ang Values Formation with Life Skills Training on Communication Styles by Mr. Michael Joseph Salera, Project Development Officer II of CSWDO, Republic Act No. 11313 or the Safe Spaces Act / Bawal Bastos Law by Ms. Ivy Mae Vios-Getutua, Legal Assistant ng City Legal Office at Traffic Rules & Regulations, and Fare Matrix by Ms. Richelle Taclindo, Head of Planning and Enforcement ng TMEU.
Inaasahan na ang lahat ng mga leksiyon sa oryentasyon ay madadala at patuloy na maaalala ng lahat lalo na sa nasabing okasyon.
Lubos naman ang pasasalamat ng lahat kay City Mayor, Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa oportunidad na binigay nito para sa kanila at sa insentibong ipinagkaloob.
Magpapatuloy naman ang oryentasyon sa natitirang iskedyul sa Abril 3, 4, 11, 12, 13, 17 & 19 sa City Convention Hall.
Para sa mga nais sumali sa oryentasyon at maging isang ganap na luntian trike, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng City Tourism o Pag-amuma (dating Brgy. Affairs) at hanapin lamang si G. Jabbi Omandac.
Inaprubahan na ng mga miyembro ng Sanggunaing Panlungsod Ng Kidapawan ang Executive Legislative Agenda o ELA ng City Government. Nakasentro ang ELA sa konseptong LUNTIAN KIDAPAWAN na isinusulong ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa loob ng tatlong taong pamamahala. Nakapaloob dito ang mga programa at proyektong ipatutupad at tatahakin ng City Government. Ang ELA ay inaprubahan ng konseho sa pamamagitan ng Resolution number 090 s. 2022 nito lamang September 8, 2022. (CIO
MGA FRONTLINERS SUMASAILALIM SA 4-DAY HEMS TRAINING; HEMS OPERATION CENTER LAYONG MAITATAG SA LUNGSOD
KIDAPAWAN CITY (August 23, 2022) โ SUMASAILALIM ngayon sa apat na araw na pagsasanay ang mga personnel ng City Government of Kidapawan na nagsisilbi bilang mga frontliners sa health emergency response.
Ito ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐ฉ๐ ๐๐ข๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ฎ๐จ๐ฉ๐๐ข ๐ค ๐๐๐๐ ๐พ๐ค๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ค๐ง๐๐ฃ๐ para sa mga frontliners na kabila sa City Disaster Risk Reduction and Management Office responders, 911 emergency rfesponse, City Health Office and Human Resource for Health, City Health Hospital at maging mga midwives na nakatalaga sa ibaโt-ibang barangay ng Kidapawan City.
Ginaganap ito ngayon sa City Convention Center mula August 23-26, 2022.
Ayon kay City Health Officer Dr. Jocelyn Encienzo, layon ng training na madagdagan pa ang kaalaman ng mga frontliners pagdating sa komunikasyon, koordinasyon at pagtugon sa mga health emergencies na matinding nakakaapekto sa komunidad.
Nakapaloob din sa layunin ng training pagsasanay ang pagpapalakas ng response ng City Government of Kidapawan sa mga krisis pangkalusugan at mga health emergency tulad ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng mga frontliners, sinabi din ni Dr. Encienzo.
Lahat ng ito ay mahalaga upang magiging mas mabilis at mas mahusay pa ang mga hakbang na gagawin ng mga frontliners sa mga pangyayaring posibleng maglagay sa panganib sa mamamayan.
Nagmula naman sa Department of Health โ Center for Health and Development o DOH-CHD ang mga resource persons na kinabibilangan nina ๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ฟ๐๐๐-๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ง ๐๐๐ค ๐ผ. ๐พ๐๐๐ค๐ฃ๐, ๐๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ผ๐จ๐จ๐ฉ. ๐ฟ๐๐๐-๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ง ๐ฟ๐๐ฉ๐ช ๐ผ๐ก๐ ๐. ๐๐๐ก๐๐ , ๐ ๐ค๐ฃ๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ง๐ง๐, ๐๐ฉ ๐ ๐ช๐ก๐๐ ๐ผ๐ฃ๐ฃ ๐. ๐ฟ๐๐ก๐๐ก๐๐จ.Matapos naman ang naturang training ay inaasahang maitatag ang Health Emergency Management System o HEMS Operation Center sa Kidapawan City. (CIO-jscj/jc/vb)
KIDAPAWAN CITY (August 19, 2022) – TULOY NA TULOY na ang pagbubukas ng Department of Foreign Affairs o DFA Consular Office Cotabato Kidapawan sa buwan ng Setyembre 2022. Ito ay makaraang pumirma sa isang virtual Memorandum of Agreement o MOA aina Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Domingo nitong umaga ng Biyernes, August 19, 2022.Hudyat ito na tuloy na ang inaantay na pagbubukas ng opisina ng DFA sa lungsod. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan na ng mga serbisyo gaya ng passporting services, civil registry at assistance to nationals hindi lamang mga taga Kidapawan City kungdi pati na rin sa mga karatig na bayan sa lalawigan ng Cotabato at mga kalapit probinsya. โ Malaking pakinabang ang DFA Consular Office Cotabato Kidapawan sa lahat ng taga Kidapawan at mga karatig lugar. Magdadala ito ng ibayo pang kaunlaran, koordinasyon, turismo at paglago ng negosyo sa lungsod. Ito ay resulta ng pagsisikap ng City Government na matugunan at mailapit pa ang mga programa at serbisyo ng Pamahalaan sa mga mamamayanโ, mensahe ni Mayor Evangelista sa ginanap na MOA signing. Sinang-ayunan naman ng DFA ang mensahe ng alkalde lalo na at pinaplano ng ahensya na magkaroon ng ugnayan ang DFA Consular Office Cotabato Kidapawan sa mga embahada at tanggapan nito sa loob at labas ng bansa sa layuning maipakilala ang natatanging kultura at tradisyon ng lungsod. Magkatuwang naman ang tanggapan ni Cotabato 2nd District Representative Rudy Caoagdan, dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd District Senior Board Member Joseph Evangelista, Regional Office XII ng National Economic and Development Authority o NEDA at ang DFA sa pagsasakatuparan ng nabanggit na proyekto. Matatagpuan ang DFA Consular Office Cotabato Kidapawan sa Alim Street katabi lamang ng City Overland Terminal sa barangay Poblacion ng lungsod. Maliban kina Mayor Evangelista at DFA Undersecretary Domingo, dumalo at sinaksihan din nina NEDA XII RD Teresita Socorro Ramos, DFA Asst. Secretary of Office of Consular Affairs Henry Bensurto Jr, DFA Kidapawan Head of Consular Office Nadjefah Mangodaya, City Administrator Janice Garcia, City Planning and Development Officer Divina Fuentes at iba pang mga opisyal ang naganap na virtual MOA signing. Sa September 2022 na din gaganapin ang inauguration ng bagong gusali kung saan ay unang mabibigyang serbisyo ang 30 identified clients nito bilang panimula. Bukas mula 10am hanggang 6pm ang DFA Consular Office Cotabato Kidapawan mula Lunes hanggang Biyernes.##(CMO-cio)
KIDAPAWAN CITY โ ABOT sa 100 mga bata mula sa dalawang mga barangay ng lungsod ang mabibigyan ng bagong gamit pang eskwela sa pamamagitan ng Project Angel tree ng City Government. Sa June 25, 2022 ay pangungunahan nina City Mayor Joseph Evangelista at incoming City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang pamimigay ng regalo sa mga bata sa lobby ng City Hall kung saan matatagpuan ang Angel Tree. Proyekto ng City Government ang Angel Tree na naglalayong mabigyan ng tulong at matugunan ang kahilingan ng mga mahihirap na bata sa lungsod, ayon kay Aida Labina, ang focal person ng proyekto. May nakasabit na mga papel sa Angel Tree kung saan doon isinulat ng mga bata ang kanilang โwishesโ na karamihan ay mga bagay na kanilang kinakailangan. Pipili naman ang mga city officials sa mga nakasabit na papel at sila ang magigingn sponsor at magbibigay ng gamit na ninanais ng bawat bata. Pwede rin ang mga pribadong indibidwal o business establishments ang mag-sponsor ng mga kahilingan ng mga bata sa pamamagitan ng pagsali sa Project Angel Tree kung saan ay pwede silang pumili sa mga papel na nakasabit sa puno. Ngayong araw ng Miyerkules, May 25, 2022 ganap na alas 10 ng umaga ay bubuksan na sa publiko ang Angel Tree sa lobby ng City Hall. Maaring pumili ang sino man sa mga ‘wishes’ sa Angel Tree at maibigay ang hiling ng mga bata. Kung sakaling hindi maubos ang mga papel na nakasabit sa Angel Tree, ay mismong ang City Government of Kidapawan na ang mag-i-sponsor sa mga nalalabing wishes ng mga bata at ibibigay kaagad ang mga ito. Mga bata na na-validate ng City Government mula sa mga barangay ng Indangan at Nuangan ang target na mabigyan ng bagong gamit pang eskwela sa ilalim ng proyekto. Ilulunsad muli ang Angel Tree Project para naman sa iba pang mga bata sa mga nalalabing barangay ng Kidapawan City sa susunod na mga araw.##(CIO)
City Government of Kidapawan and DA12 bring back โKadiwa ni Ani at Kitaโ to provide more agri-fishery supplies
KIDAPAWAN CITY (January 27, 2021) โ Consumers in Kidapawan City will have an
opportunity to buy quality and affordable meat such as pork, chicken, beef, fresh fruits
and vegetables and other agricultural products at the โKadiwa ni Ani at Kuyaโ outlet that
will be set up in the Pavillon of the City Plaza on January 29, 2021.
This is an undertaking of the City Government of Kidapawan and the Department of
Agriculture (DA) 12 to make agri-fishery products even more accessible to the people
and to make sure that there is a stable food supply in the city.
Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista through the Office of the City Agriculturist
coordinated with DA12 for the timely and fast installation of โKadiwa ni Ani at Kitaโ so
that consumers here will have better options in buying and see for themselves the
ample supply of these particular commodities in the city.
Both local and regional farmers and producers will take part in the said undertaking from
7:00 a.m. to 2:00 p.m. Sellers from South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, and
other parts of Region 12 will display their stocks and buyers have the chance to choose
among the array of market products.
Aside from meat products, plenty of vegetables like pechay, raddish, carrots, squash,
potatoes and fruits like mango, durian, banana, rambutan ang many others will be
readily available upon the opening of Kadiwa.
At the height of the Covid19 pandemic in April 2020, the City Government and DA12
also partnered and came up with the first Kadiwa in Kidapawan aiming to sustain food
supply and ensure that every household had the opportunity to acquire basic
necessities.
Despite the restrictions of the designated quarantine in the city, the activity gave
consumers the chance to buy fresh commodities at an affordable price and without
further going too far.
City Agriculturist Marissa Aton urged consumers from the city and nearby areas to
support Kadiwa as it is aimed to provide accessibility and conveniency as well as safety
in this time of Covid19 pandemic which comprises the programโs main objectives.
(CIO_AJPME/jscj)
READ: EXECUTIVE ORDER NO. 40 EXTENDING THE PERIOD OF GENERAL COMMUNITY QUARANTINE IN KIDAPAWAN CITY UNTIL 31 MAY 2020
The extension of the General Community Quarantine in Kidapawan City shall take effect immediately and shall continue until 31 May 2020.
All other provisions under Executive Order No. 38, series of 2020 shall continue to operate and be effective until 31 May 2020.
The provisions of Executive Order No. 66, series of 2020 issued by the Honorable Provincial Governor, in so far as the same are consistent with the provisions of Executive Order No. 38, series of 2020, are hereby incorporated and adopted in this Order.