NEWS | 2022/12/12 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (December 12, 2022) – MULI na namang tumanggap ng parangal ang City Government of Kidapawan mula sa Dept of Health – Center for Health Development o DOH-CHD 12.
Ito ay ang Plaque of Recognition for Best Practices in COVID-19 Response and Unrelenting Effort in Vaccination Campaign in Region 12 at Plaque of Recognition as one of the Achiever LGUs in Sustaining COVID-19 Response and Vaccination in Region 12.
Iginawad ang dalawang parangal sa Awarding Ceremony ng DOH-CHD na ginanap sa Greenleaf Hotel, General Santos City noong Disyembre. 7, 2022 at pormal na iniabot kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa flag raising ceremony ngayong araw ng Lunes, Disyembre 12, 2022.
Kasama ng alkalde sa pagtanggap ng awards sina City Health Officer Dr. Joyce Incienzo, Asst City Health Officer Dr. Nadine Paalan, Administrative Officer IV Ian Gonzales, Vaccination Monitoring In-Charge Jasna Sucol, at National Immunization Coordinator na si Evelyn Cari at ang mga konsehal ng lungsod na lubos na sumuporta sa kampanya laban sa COVID-19 na sina Francis Palmones, Galen Ray Lonzaga, John Roy Sibug, Judith Navarra, SK Fed Pres Centeena Taynan, at ABC Fed Pres Morgan Melodias.
Iginawad sa City Government of Kidapawan ang nabanggit na mga parangal dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga hakbang kabilang ang mga inisyatiba upang labanan ang COVID-19 at mas palaganapin pa ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mamamayan.
Matatandaan na sa nakaraang mga pagkakataon ay nabigyan din ng recognition ang City Government of Kidapawan, sa pamamagitan ng City Health Office, dahil sa mataas na vaccination rate at positibong tugon ng mamamayan sa vaccination rollout program ng LGU.
Patunay ito na naging matagumpay at maituturing na best practice ang ginawa ng City Government of Kidapawan sa COVID-19 response nito (quarantine, isolation and treatment facilities, hospital bed, sanitation and disinfection,) at rollout ng bakuna laban sa naturang karamdaman (school and barangay vaccination, resBUSkuna, vaccination campaign/drive, free quality rice and dressed chicken, city hall vaccination hub).
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang mga frontliners na buong pusong nagsilbi para sa kaligtasan ng mamamayan at walang pag-aalinlangang ginawa ang kanilang tungkulin upanbg sugpuin ang COVID-19.
Pinasalamatan din niya ang mamamayan ng lungsod sa pakikiisa at suporta sa mga programang pangkalusugan ng kanyang administrasyon. (CIO-jscj//aa//if//dv)