CITY GOVERNMENT OF KIDAPAWAN TUMANGGAP NG PARANGAL MULA SA DEPT OF TOURISM (DOT12)

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/03/13 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 13, 2023) – GINAWARAN ng Department of Tourism o DOT 12 (SOCCSKSARGEN) ang City Government of Kidapawan ng isang parangal na kumikilala sa malaking suporta at pakikiisa ng lungsod sa mga programa at adbokasiya ng departamento sa larangan ng turismo.
Ibinigay ang Plaque of Appreciation na may lagda ni DOT12 Regional Director Engr. Armin Hautea sa isang simpleng awarding ceremony na ginanap sa Greenstate Suites, Koronadal City nitong nakalipas na buwan ng Pebrero.
Pormal naman itong tinanggap ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama si Supervising Tourism Operation Officer Gillan Ray Lonzaga sa Flag raising ceremony at employees’ convocation ngayong umaga ng Lunes, Marso 13, 2023.
Nakasaad sa parangal ang suporta, pakikipagtulungan, at mga hakbang na ginagawa ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Tourism Office upang mapahusay pang lalo ang sektor ng turismo at maging mas competitive pa kasabay ang pagsusulong ng social responsibility at environmentally sustainable projects.
Naging aktibo naman muli ang tourism industry sa Region 12 o SOCCSKSARGEN simula nitong nakalipas na taon ng 2022 matapos lumuwag ang mga ipinatutupad na COVID-19 restrictions at pinapayagan na ang pagbisita sa mga tourist destination sa iba’-tibang bahagi ng rehiyon tulad ng Kidapawan City at iba pang lugar na nagtataglay ng maraming magagandang tanawin o tourism spot. (CIO/photos by cio/citytourismoffice)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio