City Gov’t gagawaran bilang National Kabalikat Awardee ng TESDA 

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/08/27 | LKRO


thumb image

City Gov’t gagawaran bilang National Kabalikat Awardee ng TESDA

KIDAPAWAN CITY – GAGAWARAN BILANG National Kabalikat Award ng Technical Education and Skills Development Authority ang Kidapawan City Government.
Ito ay bilang pagkilala ng TESDA sa adbokasiya at suporta ng City Government sa Technical Vocational Education and Training o TVET Program ng ahensya. 
Tatanggapin ng City Government ang parangal sa ilalim ng Local Government Unit Category mula sa TESDA sa August 30, 2019 sa TESDA Auditorium sa Taguig City.
Kinilala ng TESDA ang mga programa ng City Government na naglalayung mabigyan ng skills training para magkaroon ng kabuhayan ang maraming beneficiaries ng programa.
Sa tulong ng TESDA, nakipagpartner si City Mayor Joseph Evangelista sa pribado at government sector upang maisakatuparan ang programa sa skills development at livelihood ng mga beneficiaries.
Ilan lamang sa mga programang ito ay kinabibilangan ng: e-learning System kabalikat ang DepEd at With Love Jan Foundation at Jobstart Program katuwang ang Department of Labor and Employment at mga pribadong kompanya.
Marami na ang nakabenepisyo sa programang nabanggit dahil bukod pa sa pagkakaroon ng skills development at employment sa loob at labas ng bansa, ay nabigyan din sila ng informal education sa pamamagitan ng programa.
Ang pagbibigay parangal ay bahagi ng ika dalawampu at limang taong anibersaryo ng TESDA na ginugunita sa buwan ng Agosto kada taon.##(cio/lkoasay)

(photo is from tesda.gov.ph)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio