CITY GOV’T MAGBIBIGAY NG SERBISYO PUBLIKO SA MGA DADALAW SA SEMENTERYO SA PANAHON NG UNDAS

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/10/25 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 24, 2022) MAGPAPATULOY ang serbisyo publiko ng City Government of Kidapawan kahit pa man sa pagdiriwang ng Undas. Tiniyak ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nabanggit kung saan gagawin ang pagbibigay serbisyo sa mismong mga sementeryo ng lungsod. Magbibigay ng libreng COVID-19 booster shots ang City Government sa pamamagitan Ng City Health Office sa mga hindi na nakakumpleto ng bakuna habang isasa-pinal na rin ng alkalde ngayong linggong ito ang iba pang serbisyong tampok na ibibigay sa mga mamamayan na tutungo sa mga sementeryo. Nakapaloob ito sa “Oplan Kaluluwa” na naglalayong maging mapayapa at makahulugan ang pagdiriwang sa mga sementeryo. Bago pa man ang pagdiriwang ng Undas ay sabay-sabay na maglilinis ang mga opisyal at kawani ng City Government sa Catholic Cemetery at Binoligan Public Cemetery sa October 26, 2022 alas siyete ng umaga. Sa pamamagitan ng isang memorandum na inilabas ng opisina ni Mayor Evangelista, makakatulong ang ‘Oplan Limpyo Sementeryo’ na ihanda ang naturang mga himlayan sa pagdiriwang at ng hindi na rin maaabala pang maglilinis ang mga tutungo sa nabanggit na mga himlayan na bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Patuloy naman ang panawagan ni Mayor Evangelista sa lahat na mag-ingat sa panahon ng Undas at kabilang ang mga sumusunod na mga paala-ala: Tiyakin na may maiiwang tao na magbabantay sa bahay habang ang buong pamilya ay nasa sementeryo, iwasan na magkasunog sa bahay sa pamamagitan ng pagbunot sa mga nakasaksak na home appliances at de-kuryenteng kagamitan, tiyakin na patay ang apoy sa mga kandila sa altar, lutoan at siguraduhing nakasara ang regulator ng Liquefied Petroleum Gas o LPG na ginagamit sa pagluluto, umiwas sa pagdala ng mga armas, pagsusugal at pagpapatugtog ng malalakas na sound system habang nasa sementeryo at kung maaari ay huwag sabayang pupunta sa sementeryo upang may matitirang magbantay sa bahay. May sapat ding traffic rerouting, security at emergency response plan na ipatutupad ang City Government sa mga himlayan ng lungsod partikular sa Cotabato Memorial Park, Catholic Cemetery, Kidapawan Memorial Park at Binoligan Public Cemetery.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio