City Gov’t magpapatayo ng bagong classrooms sa nasunog na paaralan 

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/06/24 | LKRO


thumb image

City Gov’t magpapatayo ng bagong classrooms sa nasunog na paaralan

KIDAPAWAN CITY – MAGPAPATAYO ng mga bagong silid aralan ang City Government sa Isidoro Lonzaga Memorial School ng Barangay Magsaysay matapos masunog ang dalawang classrooms nito noong June 21, 2019.
Personal na binisita ni City Mayor Joseph Evangelista ang lugar kung saan ay sinabi niya sa City Schools Division ng DepEd na ipapaayos ang nasunog na mga silid aralan. 
Nagsagawa ng assessment si Mayor Evangelista sa nasunog na classroom building kasama ang pamunuan ng naturang eskwelahan at mga opisyal ng City Government at DepEd isang araw matapos ang sunog.
Pinasalamatan naman ng DepEd ang positibong tugon ng alkalde sa pagpapatayo ng bagong silid aralan.
Sa kasalukuyan, ay temporaryong ginagamit ng mga apektdong mag-aaral ang ilang bakanteng pasilidad ng eskwelahan bilang silid aralan.
Faulty electrical wiring ang tinuturong dahilan kung bakit nasunog ang naturang classrooms.
Payo ngayon ng City LGU at ng DepEd sa pamunuan ng mga pampubliko at pribadong eskwelahan na siguraduhing naka unplug sa saksakan ang mga de kuryenteng gamit upang maiwasan na magkasunog.##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio