NEWS | 2019/06/21 | LKRO
City Gov’t namahagi ng relief assistance sa mga binahang residente ng Poblacion
KIDAPAWAN CITY – NAMAHAGI NG Relief Assistance ang City Government sa may isangdaan at animnapu’t walong pamilyang biktima ng mga pagbaha sa lungsod noong June 17, 2019.
Ito ay matapos ipag-utos ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilya ng walong mga purok ng Barangay Poblacion na binaha dahil sa mga pag-ulan.
Nanguna sa pamimigay ng tulong ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at ang City Social Welfare and Development Office isang araw matapos ang pagbaha.
Kada pamilya ay nabigyan ng food packs na kinabibilangan ng limang kilong bigas; at tig-tatatlong lata ng sardinas at corned beef.
Mga pamilya ng mga sumusunod na mga purok ng Poblacion ang nabigyan ng food packs: Cherry, Passion fruit, Golden Coconut, Dalandan, Ponkana, Dalanghita, Macapuno at Durian.
Kaugnay nito ay pinananawagan din ni Mayor Evangelista ang kaukulang mga pag-iingat laban sa mga banta ng pagbaha at landslide gayung nagsimula na ang panahon ng pag-ulan.##(cio/lkoasay)
(photo courtesy of CSWDO Kidapawan)