NEWS | 2019/06/25 | LKRO
City Govt namigay ng certified rice seeds sa mga palay farmers na naapektuhan ng El Niño
KIDAPAWAN CITY – PINANGUNAHAN NI City Mayor Joseph Evangelista ang pamimigay ng mga Certified Rice Seeds sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño.
Nagmula sa Calamity Fund ang nasabing certified rice seeds.
Layun ng pamimigay ng tulong ay upang makabawi sa kanilang kabuhayan ang mga apektadong magsasaka ng palay mula sa mahigit apat na buwan na walang pag-ulan sa lungsod.
Abot sa apatnapung kilong certified rice seeds ang nilalaman ng bawat bag na ibinigay ng City Government.
Mga Farmers Association ng dalawampu at isang barangay ang tumanggap ng ayuda, ayon pa sa City Agriculture Office.
Katulad ng naunang pamimigay ng hybrid corn seeds ng City Government sa mga magsasaka ng mais, naka depende rin ang bilang ng bags sa lawak ng pinsalang tinamo ng mga palayan sa mga barangay na naapektuhan ng tagtuyot.
Pinakamaraming bilang dito ang 173 bags na tinanggap ng Barangay Macebolig.
1,090 mula sa kabuo-ang 1,200 ang aktwal na ibinigay ng City Government.
Ito ay sa kadahilanang ang nalalabing 110 bags ay magsisilbing “ buffer stock” ng City Government na ibibigay kung sakaling may mga grupo ng magsasakang mangangailangan ng ayudang palay.
Pasasalamat naman ang ipinapaabot ng mga benepisyaryong magsasaka kay Mayor Evangelista sa pagbibigay ng tulong sa kanila.
Agad na nilang itatanim ang mga binhi ng palay gayung nagsisimula na ang mga pag-ulan sa lungsod.##(cio/lkoasay)
Photo caption – CERTIFIED RICE SEEDS IPINAMIGAY NA NG CITY GOVERNMENT: Isa-isa ng binuhat ng mga farmer beneficiares ang kanilang bag ng binhi ng palay matapos itong i turn-over ni City Mayor Joseph Evangelista June 24, 2019. Mga magsasakang naapektuhan ng El Niño ang tumanggap ng ayuda.(cio/photo)