CITY GOV’T OF KIDAPAWAN AT PCUP MAGKATUWANG NA ISINUSULONG ANG HYDROPONICS GARDENING TECHNOLOGY SA LUNGSOD

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/05/25 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – SA LAYUNING matiyak ang sapat na supply ng pagkain sa lungsod, magkaakibat na ginawa ng City Government of Kidapawan at ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP ang hydroponics gardening technology noong May 20, 2021.

Maliban pa sa isinusulong nito ang Urban Greening program, angkop din ang hydroponics gardening technology lalo na sa mga urbanisadong lugar dahil konting espasyo lamang ang kinakailangan nito para makapagtanim na ng mga high value vegetable crops at iba pang pananim.

Dagdag pa nito ay hindi na nangangailangan pa ng lupa ang pagsasagawa ng hydroponic gardening dahil tanging Styrofoam, plastic cups o alin mang uri ng non biodegradable garbage material, coco peat, tubig at foliar solution ang gagamitin para sa pagtatanim.

Nagiging trend na ang hydroponics gardening technology hindi lamang bilang source ng pagkain kungdi, nagbibigay din ito ng pagkakakitaan lalo na sa mga plantito at plantita ngayong patuloy ang pananalasa ng Covid19 pandemic sa buong mundo, ani pa kay Phylis Daswani ng PCUP. 

Abot sa 45 na mga participants ang dumalo sa orientation at demonstration ng hydroponics gardening technology sa Mega Tent ng City Hall.

Nagsagawa ng demo si Richard Nicolas, isa sa mga kawani ng City Agriculture Office sa hydroponics gardening kung saan ay ginamit niya ang coco peat, plastic cup at tinunaw na 25ml foliar solution sa 10 litrong tubig saka nagtanim.

Maliban sa makakatulong na makapagtanim at magkaroon ng pagkukunan ng sariling pagkain ang mga pamayanan sa mga urban areas, mapapakinabangan din ang mga non biodegradable na basura na pwedeng pagtaniman kaysa itapon ang mga ito na magdudulot lamang ng polusyon sa kapaligiran.

Naglaan ng Php 500,000 na paunang pondo ang City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO para sa vegetable growing sa rural at urban areas bilang suporta sa food security program ng City LGU. 

Pwedeng dumulog sa opisina ni City Agriculturist Marissa Aton ang mga nagnanais magkaroon ng kaalaman sa hydroponics gardening technology. ##(CIO with reports from CDRRMO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio