CITY GOV’T PINAWI ANG PANGAMBA NG MGA SENIOR CITIZENS SA PAGBABAKUNA KONTRA COVID19

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/04/21 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – Walang dapat ipag-alala o ikabahala ang mga senior citizens sa kanilang pagpapabakuna laban sa Covid19 na magsisimula na bukas April 22, 2021.

Ito ay dahil sa dumaan sa masusing counselling ang mga priority senior citizens ng Barangay Poblacion at Sudapin.

Ayon kay Dr. Nerie Paalan ng City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU na tanging ang dalawang barangay na nabanggit muna ang prayoridad dahil   nagmula sa mga lugar n ito ang nakararaming kaso ng Covid19 sa lungsod.

Makatitiyak naman na babantayan ng mga medical frontliners at  maaagapan ang ano mang adverse effects ng pagbabakuna gaya na lamang ng alta presyon dahil nakaantabay ang mga ito sa vaccination venue, dagdag pa ng CESU.

Bilang pagsunod sa vaccination roll out plan ng City Government of Kidapawan, hatid-sundo mula sa kanilang tirahan papunta sa vaccination hub ang mga senior citizens.

11,599 ang kabuo-ang bilang ng mga senior citizens na dapat mabigyan ng bakuna dagdag pa ng CESU.

160 ng bakuna mula sa DOH muna ang mabibigyan ng bakuna kung saan ay 110 ang sa Poblacion at 50 naman sa Sudapin.

Venue ng aktibidad ang Kidapawan Doctors College mula 8am-5pm.

Tiniyak naman ni City Mayor Joseph Evangelista na mabibigyang prayoridad ang iba pang senior citizens na hindi nakasali sa unang batch na mababakunahan din sila ng vaccine na bibilhin ng Lokal na Pamahalaan.

Target na maisakatuparan ito kasali na ang abot sa 40,000 Kidapawenyo pagsapit ng third quarter ng taong kasalukuyan.

Sa pamamagitan nito ay makakamit na ng lungsod ang herd immunity na mapo-protektahan laban sa Covid19, paliwanag pa ng alkalde.##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio