City Gov’t tutulong sa mga magrereklamo kontra KAPA at iba pang illegal na investment schemes 

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/06/18 | LKRO


thumb image

City Gov’t tutulong sa mga magrereklamo kontra KAPA at iba pang illegal na investment schemes

KIDAPAWAN CITY – TUTULONG ang City Government na maibalik ang capital ng mga nagpamiyembro sa KAPA Ministry Inc. at iba pang investment schemes na idineklarang illegal ng gobyerno.
Sinabi mismo ni City Mayor Joseph Evangelista ang nabanggit sa panayam sa isang himpilan ng radyo umaga ng June 18, 2019.
Magbibigay ng tulong legal ang kanyang administrasyon sa mga magrereklamo laban sa KAPA o Kabus Padatuon at iba pang investment schemes para maibalik ang kanilang inilagak na halaga, pagbubunyag pa ng alkalde.
Nagpulong na si Mayor Evangelista at ang kanyang legal team upang mapag-usapan kung anong legal na ayuda ang ibibigay sa mga magrereklamo.
Nakikipag ugnayan na rin siya sa Anti Money Laundering Council o AMLC hinggil sa pagsasampa ng asunto sa KAPA at mga katulad ngunit illegal na investment schemes
Naghihintay si Mayor Evangelista sa mga reklamo laban sa KAPA at iba pa hanggang sa kasalukuyan.
Maala-alang pinatigil mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng KAPA kamakailan lang dahil na rin sa illegal na gawain nito.
Maliwanag umano, ani pa ng Pangulo, na panloloko ang ginagawang sistema nito sa pagbibigay ng 30% na tubo sa “donasyon’ na ilalagak ng mga nagpamiyembro.
Ibinunyag din ni Mayor Evangelista na hindi nag-isyu ng Business Permit ang City Government sa KAPA at iba pang investment schemes na naglagay ng sangay sa Kidapawan City.##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio