City Health Office at media magtutulungan para sa pagbibigay impormasyon sa publiko

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/04/16 | LKRO


thumb image

City Health Office at media magtutulungan para sa pagbibigay impormasyon sa publiko

KIDAPAWAN CITY – MAGTUTULUNGAN ANG City Health Office at ang mga kagawad ng media para mas maipa-alam sa publiko ang mga serbisyong binibigay ng opisina.
Ito ang napagkasunduan sa Media Dialogue na pinatawag ng CHO sa mga local na media para pag-usapan ang iilang mga programa at sagutin ang mga isyu patungkol sa pagpapatupad ng serbisyo ng kanilang opisina.
Mainit naman ang tugon ng mga dumalong kasapi ng media lalo pa at naiintindihan nila ang kanilang mahalagang papel para sa pagbibigay karagdagang impormasyon.
Angkop din ang partnership ng CHO at local media lalo pa at marami pa rin sa mga mamamayan lalo na sa mga kanayunan na limitado ang access sa social media.
Karamihan sa mga mamamayang ito ay tanging sa radyo lang din nakikinig para makaagapay sa mga programa ng pamahalaan.
Ilan lamang sa mga programa ng CHO na ibinahagi sa mga media na dumalo sa dayalogo ay ang mga sumusunod: kampanya kontra dengue; anti-measles program, Tubercolosis Direct Observe Treatment o TBDOTTS, kampanya kontra rabies; maternal health care, serbisyong binibigay ng City Blood Center; HIV/AIDS campaign program; Dental Health Care; Lifestyle Diseases campaign; Nutrition programs; at iba pang mga serbisyong binibigay ng CHO.
Ginawa ang Media Dialogue sa City Blood Center bahagi ng information and education dissemination mandate ng Department of Health para ibahagi ang kaukulang impormasyon para sa tamang pangangalaga ng kalusugan para sa lahat.##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio