NEWS | 2019/01/22 | LKRO
City LGU naghahanda na sa pagtama ng EL Nino
KIDAPAWAN CITY – PINAGHAHANDAAN na ng City Government ang paparating na EL Nino Phenomenon na inaasahang tatama sa lungsod pagsapit ng buwan ng Pebrero.
Ngayon pa lang ay iminumungkahi na ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga magsasaka na ipa-insure na sa Philippine Crop Insurance Corporation ang kanilang mga pananim at alagang hayop.
Sa ganitong pamamaraan ay may makukuhang ayuda ang mga magsasaka kung sakaling lubhang maaapektuhan ng tagtuyot ang kanilang mga pananim at mga alagang hayop.
Kaugnay nito ay nagsimula na ring magsagawa ng assessment ang City Agriculture Office at CDRRMO sa mga barangay ng lungsod na posibleng tatamaan ng El Nino.
Simulan na ng CDRRMO na maglimbag ng mga leaflets na ipamimigay sa publiko.
Laman nito ang mga dapat gawin sa panahon ng matinding tag-init kagaya na lamang ng pagtatanim ng mga alternatibong produkto na hindi gaanong nangangailangan ng tubig.
Kasali rin ang pag-iwas na mabiktima ng heat stroke resulta ng pagkakabilad sa matinding sikat ng araw.##(|LKOasay)
Photo is from (gma news online February 16, 2016)