CITY MAYOR EVANGELISTA NANGUNA SA TURN-OVER NG MGA NTF-ELCAC PROJECTS SA ANIM NA BARANGAY NG LUNGSOD

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/06/28 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 28, 2022) KAHIT malapit ng magtapos ang kanyang huling termino bilang alkalde, ay abala pa rin si outgoing City Mayor Joseph Evangelista sa pagsasakatuparan ng kanyang mga proyekto sa mga barangay ng lungsod.

Nitong araw ng Martes, June 28, 2022 ay pormal ng ipinasa ni Mayor Evangelista sa pamamagitan ng turn-over activities ang mga bagong health stations sa anim ng mga barangay ng Kidapawan City na pinondohan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa ilalim ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program o NTF ELCAC LGSF-SBDP.

Layon ng proyekto na maihatid ang mga pangunahing programa at proyekto ng pamahalaan sa mga lugar na may dating presensya ng komunistang grupo.

Sa pamamagitan ng NTF ELCAC LGSF-SBDP ay mabibigyan ng pagkakataong umunlad ang mga pamayanan at mga mamamayan nito sa pamamagitan ng serbisyo at proyekto ng pamahalaan, pahayag ni New Bohol Barangay Chair Pepito Iremedio kung saan isa ang kanyang barangay sa mga  nakatanggap ng proyekto. 

Tumanggap ng tig-iisang bagong health stations ang mga Barangay ng New Bohol kung saan ginanap ang formal turn-over ngayong araw, Marbel, Sikitan, Perez, Singao at Balabag.

Nagkakahalaga ng mahigit sa P1.9Million ang bawat proyekto, ayon na rin kay Mayor Evangelista.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng alkalde sa mga barangay officials na tutulong ang City Government na mabigyan ng angkop na kagamitang medical ang bawat health station para makapagbigay ng serbisyo sa kanilang mga constituents.

Napag-alaman na ang Kidapawan City lamang sa buong SOCSKSARGEN Region ang may pinakamaraming proyektong naipatupad sa ilalim ng NTF ELCAC LGSF-SBDP.

32 mula sa 44 projects and programs ang naipatupad ng lungsod sa loob ng termino o panunungkulan ni Mayor Evangelista.

Kaisa ng City Government sa pagpapatupad ng naturang mga proyekto ang Armed Forces of the Philippines at ang Department of the Interior and Local Government. Bagamat at patapos na sa kanyang termino sa darating na June 30, 2022, tiniyak naman ni Mayor Evangelista na ipagpapatuloy ng kanyang anak na si incoming City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang iba pang proyekto at programang pinondohan ng NTF ELCAC LGSF-SBDP na nakatakdang ipatutupad sa lungsod ngayong taong 2022.##(CIO/lkro/aca)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio