Clearing sa lumang public cemetery maling impormasyon – City Government 

You are here: Home


NEWS | 2018/11/19 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE

November 19, 2018

Clearing sa lumang public cemetery maling impormasyon – City Government
KIDAPAWAN CITY – MALI ang impormasyong lumabas na ang City Government ang nag – utos na hukayin ang mga nakalibing sa lumang Public Cemetery sa Barangay Poblacion.
Mismong si City Administrator Lu Mayormita ang nagsabi nito matapos lumabas ang impormasyon na umano ay hinuhukay na ng mga kapamilya ang labi ng mga nakalibing sa lugar . Dahilan diumano ng paghuhukay ay ang planong pagtatayo ng bagong Fire Station ng BFP sa lugar na nabanggit.
Pinasinungalingan ni Mayormita ang nabanggit dahil hindi naman doon itatayo ang bagong istasyon ng pamatay sunog at walang permiso mula sa Lokal na Pamahalaan na maghukay ng mga libing sa lumang public cemetery. Ani pa ng opisyal, sa Barangay Magsaysay itatayo ang bagong Fire Station.
Unfair at maling-mali ang impormasyon na pinapayagan na ni City Mayor Joseph Evangelista na magsagawa ng paghuhukay at clearing sa lumang public cemetery.
Dapat munang humingi ng exumation permit sa City Government ang mga maghuhukay at maglilipat ng labi ng kanilang mga kaanak mula sa lumang sementeryo, giit pa ni Mayormita.
Bagaman totoong may plano ang City Government na ayusin ang naturang lugar, sa kasalukuyan ay nasa punto pa ito ng paghahanap ng mga kamag – anak ng mga nakalibing doon.
Matatagpuan sa dulo ng Bautista Street ang lumang pampublikong libingan na nagsilbing Public Cemetery noong mga nakalipas na taon na may sukat na 1,300 square meters na hindi pa nito ginagalaw at ginagamit sa ngayon ngunit dalawang taon na mahigit na pinagbabawal sa lugar ang paglagay ng mga bagong libing.##(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio