COMPLEMENTARY FOOD CENTER NA PROYEKTO NG DOST AT CITY GOVERNMENT PINASINAYAAN SA LUNGSOD

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/04/08 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – PINASINAYAAN kapwa ng Department of Science and Technology XII at ng City Government ang bagong Complementary Food Center ng lungsod.

Malaking tulong ang nabanggit na pasilidad ng Lokal na Pamahalaan na maitaguyod ang Supplemental Feeding Program nito sa mga mga barangay, day care centers at public elementary schools, para mabawasan ang kaso ng malnutrisyon sa mga bata mula sa pagiging sanggol hanggang sa mga nag-aaral sa elementarya.

Kapwa pinangunahan nina DOST XII Regional Director Engr. Sammy Malawan at City Mayor Joseph Evangelista ang ribbon cutting ceremony ng pasilidad na matatagpuan sa Barangay Magsaysay umaga ng April 8, 2021.

Taong 2017 ng ipinasa ni Mayor Evangelista ang Establishment of a Common Service Facility for Nutritious Complementary Food Processing Project sa DOST upang mabigyang lunas ang dumarami noong bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon sa mga day care at public elementary schools sa lungsod.

Naisakatuparan ang proyekto sa ilalim ng DOST – FNRI o Food and Nutrition Research Institute ng ahensya, ayon pa kay Director Malawan.

Nagkakahalaga ng Php3 Million ang proyekto kung saan ay Php1.3 Million ang ginasto ng City Government sa pagpapatayo ng gusali at karagdagang Php1.7 Million na mga kagamitan na magpo-proseso ng pagkain ng mga bata ang nagmula naman sa DOST XII.

Sa kanyang mensahe, ini-ugnay ni Mayor Evangelista ang kanyang programa sa Edukasyon, Kalusugan, Nutrisyon at Social Services upang matamo ang pag-unlad ng mga bata sa lungsod.

Isang malaking hakbang na maisakatuparan ito sa pamamagitan ng Complementary Food Center, dagdag pa ng alkalde. 

Hinikayat ni Mayor Evangelista ang City Nutrition Office na makipag-ugnayan sa City Agriculture Office upang makakuha ng mga pangunahing sangkap gaya ng gulay, bigas at iba pang masusustansyang pagkain na ipo-proseso ng pasilidad.

 Ang naprosesong produkto ay kargado na sa tamang nutritional requirements na kinakailangan ng bawat bata na kakainin nila tuwing may isasagawang supplemental feeding activity sa barangay, day care center at eskwelahan.

Ikalawa na ang Kidapawan City na nakipag-ugnayan sa DOST XII sa buong Rehiyon na makapagpatayo ng local government run Complementary Food Center. ##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio